Hello sa mga avid readers dito. gusto ko rin mag share ng isa sa mga naexperience kong talaga namang ikina-tindig ng aking mga balahibo.August 2016 noong nanood kami ng friend ko ng concert sa MOA Arena. Natapos yun around 12:30am. Past midnight na non tapos umuulan. Nag stay muna kami sa Mcdo at kumain. Mga bandang 2:00am tumila na yung ulan. napagdesisyunan na naming umuwi. Pa EDSA kami pareho. Sa Shaw Blvd ako bumaba para sumakay pauwi ng Rizal. mejo puno na yung jeep ng napansin kong may sumakay na babae, nakaputing dress siya mejo madumi yung damit nya. Naupo siya dulo, sa likod ng driver. Ako naman nasa kabilang dulo, yung malapit sa babaan.
Tinitignan ko lang si ateng nakawhite na dress. Nakayuko lang siya. Nagtaka ako nung may nagbayad ng pamasahe, hindi pinaabot sa kanya eh siya ung pinakamalapit sa driver. Sa bandang One San Miguel Building, may sumakay na guy. nagulat ako nung dun siya naupo sa pwesto ni ate! Pano yun, kakandungin niya ung lalaki? Doon ko narealize na ako lang ang nakakakita sa kanya. Natakot ako. Pinagpapawisan na ako ng malamig. Nung nasa bandang Junction na kami, may bumabang pasahero. Nakaramdam ako ng sobrang lamig na parang may ibang bumaba. Lumingon ako sa mga taong nandon sa tapat ng mall sa Junction habang tumatakbo yung jeep. Nakita ko si ate- yung nakaputi na nakita ko sa loob ng jeep, siya yun! Tumatawid siya sa kalsada (bawal tumawid doon kaya lalo akong nagtaka.) Bigla nalang siyang nawala habang tumatawid sa gitna ng kalsada. Nung malapit na ako sa bababaan ko, mga 5 nalang kami sa jeep kaya lumipat na ako sa harap, tabi ng driver.Hindi ko natiis, tinanong ko si kuya. ""Manong may napansin ka bang babaeng mahaba ang buhok na nakayuko. pumuwesto sa likod mo kanina? Naka-dress siya ng white?""
Nagulat ako sa sagot niya. ""Nakita mo din pala siya! Siguro pang anim ka ng nagtanong sakin niyan. Bumaba siya sa Junction tapos biglang nawawala sa kalsada.""
""Opo. Ganon nga po.""
""Ipagdasal nalang natin siya. Lagi ko siyang pinagdarasal pag may nagtatanong sakin tungkol sa kanya."" Pagkasabi nun ni kuya, humawak siya sa rosary na nakasabit sa harap ng jeep.Sandy
Angono
BINABASA MO ANG
Scary Stories 2
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! Highest Rank : #3 in horror (03/20/2018) Consistent Rank : #6 (2018-Present) ciao /sheree