Ang tahimik na kalsada

1K 14 2
                                    


A/N : sa tingin ano kaya yung na-encounter ni Kuya sa kwentong ito? kayo na ang humusga.

***

Itong scary story ko, it happened sometime in 2011 nung nakatira pa ako sa Fairview.

May alaga akong 3 year old Belgian Malinois that time (he died just this year) at lagi ko sya wino-walk every day bago pumasok at pagkauwi galing office. One night, around 8:00pm na ako nakauwi dahil may tinapos na deadline sa office. Plano ko sana na wag na lang muna mag-walk ng aso dahil sa pagod since usually mga 1-2 kilometers kami mag-walk ng aso ko. Kaso since alam kong linu-look forward yun ng aso ko, eh ginawa ko na lang din.

Paglabas namin ng village eh normal naman yung paligid, may ibang mga taong naglalakad, mga kotse at trike na dumadaan. Di pa kami nakakalayo nung nagtext yung nililigawan ko, so dahil may kilig, na-focus ako sa pagtext ng smooth na reply. After ko magreply, dun ko lang napansin na tumahimik yung paligid, as in tahimik, mala-ghost town. Tahimik, walang mga tao o sasakyan at may konting fog na mapapansin mo lang pag napatingin ka sa may street light. I remember back then, naisip ko maaga pa naman at hindi naman holiday at kahit na hindi naman madalas matao yung street na yun ang weird pa rin.

Halfway sa street, naramdaman kong natanggal ang sintas ko so tinali ko ulit. Habang nagtatali ako ng sintas, sa  peripheral vision ko sa may kanan may nakita akong paa na naglalakad ng marahan na parang matandang babae sa tabi ko. Yung aso ko na nasa left side ko sumisiksik sa akin at kumakahol, kahol na may takot. Hindi ko kayang tumingala dahil sa takot tapos yung paa naglalakad papunta sa harapan ko. Yung laylayan ng palda nung matanda itim, parang yung gamit ng mga lola na pangsimba nung unang panahon. To make things worst kung hindi pa enough yun para kilabutan ako, naririnig ko na may binubulong yung matanda pero hindi ko maintindihan tapos huminto sa harap ko.

Napapikit na lang ako tapos maluha-luha sa takot, yung katawan ko sobrang nanghina, after ilang seconds na mukhang forever narinig ko na lang may dumaang tricycle. Dun lang ako naglakas loob dumilat, pagdilat ko wala na yung matanda sa harap ko. May nakita na din akong 2 lalaki na naglalakad kaya naglakas loob na din akong lumingon sa paligid at tumayo. Wala na yung matanda at mukhang normal na ulit yung paligid pero medyo foggy pa din. Yung aso ko naging aligaga at kahol ng kahol sa kahit anong direksyon. Pinakalma ko ang aso ko tapos nagmadaling umuwi na lang ako, feeling ko lalagnatin ako sa takot nun.

Up to this day hindi ko pa rin sure kung multo nga ba yun, pero simula nun bukas ilaw ko at katabi ko ang aso ko pag natutulog ako. After a few months tumira muna ulit ako sa bahay ng parents ko bago lumipat ng bahay. Kayo na siguro bahala kung ano iisipin nyo sa kwento ko, pero grabe talaga takot ko that time.

Dodong Marahas

Scary Stories 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon