My First Apartment

1.2K 17 0
                                    


Hello Spookify Admins and Readers. I hope this story gets shared. This is just a short story. I just write formally so advance apology :).

Kung maririnig or mababasa mo lang ang kwento na ito, malamang kibit-balikat ka lang. But this scared the crap out of me.

I have been living alone for four years. Sabihin nyo nang yabang pero wala talaga akong kinatatakutan sa paranormal. May mga naranasan naman akong paramdam at di ako natitinag. Akala ko lang pala.

Bagong lipat ako sa unang apartment na tinuluyan ko. Tatlong magkakatabing units. May kalakihan, dalawa ang kwarto at may attic. Hindi normal ang laki para tirhan ng isang tao pero yun ang gusto ko dahil claustrophobic ako. Maganda ang interior ng bahay. Puti ang mga pader. Aakalain mong bagong gawa kung hindi lang sa hagdanan paakyat sa attic. May karupukan na, umiingit kapag naaapakan.

Maayos naman ang mga unang araw ng tulog ko. Sa umaga ako natutulog dahil panggabi ako sa trabaho. Tahimik ang lugar dahil dulo na ng subdivision. Dumating ang rest day, para sa isang taong panggabi ang trabaho, napakasarap matulog sa gabi. Yung inaakala kong masarap na tulog, naabala ng puro pukpok. May nagmamartilyong kapitbahay. Seryoso, sa gabi maggagawa ng kung ano man, reklamo ko sa isip pero hinayaan ko lang dahil bago lang ako at di ko naman sila kilala talaga.

Nagdaan ang mga araw at gabi, ngunit paulit-ulit ang pagpukpok ng martilyo na naririnig ko. Nagtakip ako ng unan pero nasa utak ko na ang tunog ng bawat pukpok. Sobrang init ng ulo ko dahil minsan lang ako makatulog sa gabi. Bumangon ako para katukin ang katabing unit tungkol sa pagmamartilyo pero natigilan ako ng kunin ko ang tsinelas ko. Kinuha ko ito sa sapatusan sa ilalim ng hagdan paakyat sa attic. Pusang gala! Hindi sa kabilang bahay nanggagaling ang pukpok kundi sa taas!

Hinablot ko ng mabilis ang kutsilyo at dahan-dahang umakyat sa attic. Kahit anong hina ng hakbang ko, nakakakilabot ang ingit ng hagdan. Malapit ko nang maisilip ang ulo ko sa mismong attic na ni isang beses hindi ko inakyat at lalong lumakas ang tunog ng pukpok. Eksaktong pagsilip ko ay nawala ang ingay ng martilyo. Pero may gasgas sa sahig na parang pinukpok. Walang bintana sa attic na pwedeng labasan kung may magnanakaw man.

Hindi sapat ang tunog na yun para takutin ako. Sa katunayan nakatulog ako ng payapa nang gabing iyon pero palaisipan kung ano nga bang nangyari. Nang sumunod na gabi, habang umiinom ako mag-isa sa tapat ng unit ko ay lumapit ang kapitbahay ko sa katabing unit. Nag-usap kami sandali pero isa lang tumatak sa isip ko na sinabi nya: "May multong nagpaparamdam sa attic ng unit mo kaya walang nagtatagal."

Buong gabi akong hindi makatulog. Kabadong-kabado ako sa mangyayari. Inaabangan ko kung pupukpok na naman ang sinasabing multo pero wala. Pesteng kapitbahay, naisip ko.

Minabuti kong alamin ang katotohanan sa landlord ko. Sinabi ko sa kanya ang inamin ng kapitbahay ko at laking gulat ko sa kanyang naging sagot: "Ikaw lang ang nangungupahan sa apartment. Matagal ng bakante yung dalawang unit."

Siguro obvious naman na umalis na ko sa apartment na yun. Babawas-bawasan ko na din ang pag-inom ng mag-isa.

Dimasalang
Laguna

Scary Stories 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon