First year CAS Students kame sa isang well-known university sa Biñan, Laguna. Nagkaroon kame ng Recollection sa isang resort sa Calamba, Laguna na pag mamay-ari ng may-ari ng university na pinapasukan ko.Marami na kaming naririnig na kwentong katatakutan sa nasabing resort pero hindi ako nagpapaniwala sa ganun hangga't di ako yung nakaka-experience.
5pm natapos yung session and sinabihan kame ng mga prof na pwede kaming maligo sa pool until 9:30pm.
6:30pm, nagkasundo na kaming maligo pero iniwan muna namin yung dalawa kong friend sa kwarto para makapag-usap at mauuna na kame sa reception. Natagalan ako sa pag-iintay kaya bumalik kami sa kwarto pero nasa lobby na pala sila. Mukhang takot na takot. May narinig daw sila sa kwarto na parang nagga-gurgle daw. Hindi ko yun pinansin at nagpatuloy na kami sa swimming pool.
8:30pm, nagpasya na kaming umahon at magpalit dahil pinulikat ako, dahilan para mawalan ako ng gana. Pagdating sa room, ung 7 roommates ko, nagjajamming sila. Tas kaming tatlo naligo na. Tatlo ung cubicle. Ung isa may bowl, tas ung dalawa, para sa shower. Nasa gitnang cubicle ako, tas dun sa dulo ung dalawa kong tropa na sabay maligo. Nagsa-shampoo ako that time nang biglang kinalabit ako ng kaklase kong babae tapos nilahad nya yung kamay nya. Akala ko nahingi ng shampoo. Sabi ko, "Eto S** oh" pero paglingon ko, wala na sya. Lumabas ako ng CR papuntang room. "Ano yung hinihingi mo?" Sabi nya, "Anong hinihingi? Wala ako hinihingi." Sabi ko, "Eh ba't mo ko kinalabit?" Wala naman daw syang hinihingi at hindi sya napasok sa CR dahil may pinapanood sila sa phone nung isa naming roommate. Bumalik na ako sa pagligo.
11:45pm, nagkukwentuhan kami ng nakakatakot at hinahaluan ko ng comedy para mawala ung takot nila. Nagsisigawan kami dahil ginulat ko ung isa kong friend. Nakaramdam ako na naiihi na ko so pumunta ako sa CR. Nung bubuksan ko na ung pinto, nakita kong bukas ung ilaw sa loob. Sinipa ko ito (ung pinto) ng bahagya pero bigla itong sumara na parang may tumulak mula sa loob. Sabe ko, "Hala naglock" Ni-double check ko pa. Locked na talaga. Hindi na namin ginamit ung susi ng main door para sa susi ng CR kasi baka masira pa namin.
After ng room check, nagdecide na kami hanapin ung isa naming roommate kasi baka hanapin ulit sya.
12:40mn, nag-aya ako na hanapin na sya at maki-CR kami sa ibang room. After nun, bumalik na kami sa kwarto. Nagulat ako dahil nagsisiksikan na sila sa main door. Nakabukas na ung pinto ng CR. Sabe ko, "Oh sino nakapagbukas nyan?" Hindi naman daw un naka-lock nung mabuksan sabi nung isa kong roommate. Patay daw ung ilaw sa loob. So ung key keeper, pumasok siya sa CR at binuksan ung ilaw pero bumukas din bigla ung gripo. Sabi ko, lumabas na kami. Palabas na kami ng biglang mahulog ung varsity bag ko sa mismong pinto ng CR. Walang naglakas loob na pulutin yon kaya ako na lumapit tutal hindi pa ako nakakaramdam ng takot at hindi ako naniniwala sa ganun. Nung akmang pupulutin ko na, napatingin ako sa cubicle na may bowl. May batang babae na nakaupo habang nagkukuyakoy. Napaatras ako. Pinalabas ko na sila ng tahimik at wag sila mag-panic. Pababa na kami ng hagdan ng bigla akong manginig sa takot. Umupo kami sa couch sa lobby at dun ako nag-iiyak. Takot na takot na ung mga kasama ko. Habang ung isa kong tropa, nangingitim na sa takot. Naninigas ang buo nyang katawan. Ako iyak lang ng iyak at nanginginig. Nang kumalma na ako, nagdasal kami. Sa kalagitnaan ng dasal. May nakita akong bata na sumisilip sa akin. Akala ko anak ng guest pero kung di ako nagkakamali, sya ung nakita ko sa CR! Papalapit sya ng papalapit. Muli akong umiyak. Tinakpan ni Ma'am ung noo ko imbis na ung mata ko. After nung prayer, naglaho na sya sa paningin ko.
Ellie Goulding
Laguna
BINABASA MO ANG
Scary Stories 2
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! Highest Rank : #3 in horror (03/20/2018) Consistent Rank : #6 (2018-Present) ciao /sheree