ANG BAGONG KABANATA: THE UNTOLD STORY OF SILENT RASTA
"ANG REINKARNASYON AT ANG PROPETANG ANGHEL"
(Highlighted Parts Only)Bago ko simulan ang kwento ng buhay ko na konektado sa misteryo, kababalaghan at milagro, nais kong ipapaalala sa lahat ng mambabasa dito sa page ng Spookify, na hindi ko pinipilit hikayatin na maniwala ang mga hindi naniniwala. Ito ay nangyayari talaga sa buhay ko ngayon at alam yan ng aking mga believers...
Sa hindi ko pa sisimulan ang kwento, ilalagay ko muna ang Flashback ng nakaraan para maintindihan niyo ng maigi...
Naniniwala ba kayo sa Reincarnation? o kahit sa Mga Anghel? Marahil mapupukaw na naman ang kaisipan ng ibang mambabasa nito. Pero bago pa lumalim ang inyong Kaisipan, Heto ang kwento na ibabahagi ko para sa mga bukas ang pag iisip.
(ito ay nangyari Matagal ng Panahon, Taon Before Christ...)
May dalawang magkasintahan na sina Grey at Rica. Si Grey ay isa sa mga Anghel na nagpakabuhay dito sa Mundo. (Normal na ito noong unang panahon, kung mababasa niyo ito sa book of Enoch. Malalaman niyo ang tinutukoy ko.) Si Rica ay nag iisang anak na babae ng isa sa mga pamilyang may kaya sa boung Lungsod dati sa Babilon. (Hindi ko na idedetalye kung paano at saan sila nagkakilala.)
Nong Malaman ito ng mga magulang ni Rica na may relasyon sila ni Grey na isang hamak na mamamayan lang sa paningin ng pamilya ni Rica, ay tumutol sila sa pag iibigan ng dalawa. Pinagbawalan ng mga magulang ni Rica si Grey na huwag ng lalapitan at makipagkita sa anak nila. Dahil sa oras na malaman nila ito ay may mangyayaring masama kay Grey.Dahil sa banta ng magulang ni Rica ay pinili niyang huwag ng makipagkita kay Grey para sa kaligtasan nito. Samantalang si Grey naman panay dalaw sa labas ng bahay nina Rica pero tinataboy ito ng mga kamag anak nila.
Sobrang nalungkot si Rica sa desisyon niya para kay Grey. Araw-araw, gabi-gabi siyang nagdadasal. Umiiyak sa loob ng kwarto niya. (Napaka madasalin kasi ni Rica at ito lang ang tanging libangan niya ang magdasal lagi sa Diyos Ama, kahit wala pang kasigiraduan sa Diyos nun..)
Si Grey naman nong panahon na hindi niya nakikita o nakakausap si Rica, Laging tulala at malungkot, tahimik na tumutulo ang luha sa kaiisip ng kasintahan niyang si Rica.
Natanong niya ang Diyos sa mga pinagdadaanan niya. At dahil isa nga siyang Anghel na nabuhay dito sa lupa. May tumugon sa mga tanong niya... Ang Prinsesa ng mga Anghel. Nagpakita ito kay Grey para masamahan ito sa kanyang kalungkutan. Siya si Prinsesa Jamakaila. Nakiusap si Grey kay Jamakaila na palaging bantayan si Rica . Pumayag si Jamakaila sa pakiusap ni Grey sa kanya. Hanggang sa dumating ang araw na nawala na sa mundo si Grey (pumanaw na ito, hindi ko na ilalagay kung paano siya pumanaw). Iyak ng iyak si Rica ng malaman niya ito mula kay Jamakaila.Pero may hiniling si Grey na babalik siya sa lupa sa pagdaan ng ilang dekada. dahil may kulang pa sa mission niya sa mundong ito. Sa kabilang dako, Si Rica ay pumanaw din dahil sa kalungkutan. Inatake ito sa puso sa sobrang depression niya. at dahil sa nangyaring yun, sinisi ni Jamakaila ang sarili niya dahil sa hindi niya natupad ng maigi ang Hiniling ni Grey na bantayan si Rica.
(Fast Forward)
Makalipas ang ilang Dekada, dumating na ang panahon na muling bumaba si Grey sa lupa sa ibang katauhan at sa ibang pamilya. Year 1987 isinilang si Grey Muli para sa ituloy ang naudlot niyang mission noon. Habang si Rica naman at Jamakaila ay humiling din sa Diyos Ama na sundan si Grey sa mundo. ngunit ilang years bago sila pinayagan bago makasunod kay Grey. 1995 isinilang si Rica sa ibang katauhan at gaya ni grey sa ibang pamilya din. Ganun din si Jamakaila, ang kauna unahan niyang Mortal na katawan dito sa Mundo.
Kung itatanong niyo kung sino si Grey na nabuhay noon? walang iba kundi ako. At Heto ang Nakatagong Storya ng Buhay ko...Part 2 - https://free.facebook.com/story.php?story_fbid=223695755077412&id=215181969262124
On Spookify - https://free.facebook.com/story.php?story_fbid=1604956216294326&id=241733119283316
Part 3 - https://free.facebook.com/story.php?story_fbid=227347538045567&id=215181969262124
On Spookify - https://free.facebook.com/story.php?story_fbid=1610807849042496&id=241733119283316
Part 4 - https://free.facebook.com/story.php?story_fbid=228295797950741&id=215181969262124
On Spookify - https://free.facebook.com/story.php?story_fbid=1615342308589050&id=241733119283316
Part 5 -
On Spookify -
BINABASA MO ANG
Scary Stories 2
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! Highest Rank : #3 in horror (03/20/2018) Consistent Rank : #6 (2018-Present) ciao /sheree