Van

1K 18 1
                                    


Hi, Spookify! Pati na rin sa mga avid readers dito. Gusto ko lang i-share yung experience ko 2 months ago.

So ayun, nagtatrabaho ako sa isang BPO company. Nalipat yung account namin sa isa pang BPO dahil mas malaki capacity nito at mas maluwag, kumpara sa orihinal na opisina namin. Bale, nakikiupa kami ng opisina. Ganern.

So, the usual, pasok sa office, chika-chika with my colleagues. Around 11PM, nasa kalsada na kami papunta sa opisina (May shuttle kasi kami, provided by the management) talahiban ang daanan, kasi sa probinsya ito. Walang street lights, walang outpost. Tanging ilaw lang ng sasakyan ang meron. Di naman ako naki-creepy-han, kasi marami kami sa van. So minsan, kwentuhan, basagan, tawanan kaya kahit madilim, deadma sa japan.

Isang gabi, dahil lunch time (Eto pa din tawag kahit gabi na) ko, sumama ako sa driver ng van na magsundo sa HR officer namin, tutal close naman kami at isang oras naman ang lunch ko. Kaya pinagbigyan ako ni kuya. So, nasa daan na kami, nung nandun na kami sa may talahiban, deadma pa rin kami. Kwentuhan lang tungkol sa buhay-buhay, nang may biglang tumawid na itim na aso, so nagulat kami kasi baka kako nasagasaan o nasaktan. Nilingon namin sa likod nang may nakita kaming babae na sumusunod sa van namin, walang mukha. Pero nakikita namin yung haba ng buhok nya habang hinahangin. Natataranta na kami dahil ang sikip sa dibdib nung naramdaman namin, pero biglang nagpunta sa passenger side yung babae habang nakatingin sa amin. Bumusina ng malakas yung driver at huminto. Nung nakita naming wala na, umandar kami uli, pero pagtingin ni kuya sa rear view, nasa loob sya ng sasakyan sa bandang likod.

I swear, gusto kong tumalon palabas ng sasakyan o sumigaw pero di kami nakakilos ni kuya. Tuliro kami pareho, at di ako nakapagtrabaho agad ng maayos pagbalik sa opisina.

Marami na kaming naririnig na kababalaghan sa opisina, pero di namin pinapansin kasi di naman namin nararanasan. Kaso, lately, hanggang ngayon, sunod-sunod talaga. Ultimo sa loob ng production floor, meron.

Minsan kahit idaan sa dasal, walang epekto. Ano ba dapat gawin sa ganito?

Natatakot akong masundan sa bahay.

Lalakeng Duwag

Scary Stories 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon