"Ngaa ari ka di?"
("Bakit ka nandito?" )Tanong ko.
"Gin sundan taka kung diin dampi balay nyo pero wala na ako nag tuloy pa kay kaladlukan ang upod mo nga buang"
"Sinundan kita kung saan yung bahay nyo. Pero Hindi na ako tumuloy kasi nakakatakot naman yung kasama mong baliw"
"Hindi buang ang tatay ko!!!!!"
"Hindi baliw ang tatay ko!!!!!!!" Sinigawan ko sya. Agad ko hinanap si tatay sa bahay Ngunit Hindi ko sya mahanap.
Bakit nya ginawa yun? Bakit? Tatay asan ka na?
"Ayus balay nyo ba may display nga tul-an. Tul-an ni ka kalabaw o tawo?"
"Ayus din tong bahay nyo ah may naka display ng mga buto. Buto ng kalabaw ba to? O Tao?" Agad sya tumawa.
"Hindi nana bala pag hilabta. Lakat na "
"Wag mo nga pakialaman yan. Umalis ka na."
Hinila ko sya palabas ng bahay.
Hinintay ko na bumalik si tatay. Wala na iba akong iniisip kundi ang isang tanong lamang ang bumabalot sa isipan ko.
Palubog na ang araw ng nakita ko si tatay na papunta na dito sa bahay. Agad ko sya sinalubong sa pinto.
Ngunit para akong hangin na hindi mn Lang ako nakikita. Hindi ako pinansin ni tatay.
Nakita ko si Tatay, nakahiga na lang. Sa buong buhay ko, ngayon lang ko Lang nakita si tatay na nanghihina.
Nilapitan ko sya.
"Ligaya, pasensya na sa gin himo ko sa imo ha? Natandaan mo to sang ga skwela ka na lipong ikaw kay tungod sa gn pabalon ko sa imo nga inihaw? Gn butangan ka classmate mo suha imo sud-an?" ("Ligaya, pasensya na sa nagawa ko sayo.. Natandaan mo noon nag aaral ka nahimatay ka kasi yung ka baon ulam at nilagyan nya ng kalamansi?")
"Oo dumduman ko pa." ("Oo na alala ko pa")
("Kay tungod hindi ka karne ka sapat ang gna kaon mo halin sang una. Ligaya, Aswang ako") ("kasi hindi totoong karne yung kinakain mo simula dati. Ligaya aswang ako")
Alam ko naman un dati pa. Gusto ko sana sabihin yun Kay tatay.
Hindi ko na pahahabain pa ang kwento na to. Kaya pala may nawawala na tao o d Kaya may nawawalang namamangka sa dagat at hindi na bumabalik pa.
May sinabe sa akin si tatay na bigla gumuho ang buong pagkatao ko.
Hindi pala ako tunay na anak ni Tatay.
Kinuha lang akon ni tatay sa totoo kong nanay na buntis sa iba dati noon. May gusto sya Kay nanay. Kaya Nung namatay si nanay, kinuha ako at bumalik dito sa isla.
Ibig sabihin, hindi ako "Aswang"
Gusto ko tumakas, gusto ko iwan ang buhay na Meron ako. Ngunit yung katawan ko ay may hinahanap. Tanggap ko naman kung anong meron ako. Masarap din naman kasi.
Ilang araw na nakalipas, minahal ko na nga at tanggap ko na kung anong ako.
Tinuruaan akon ni tatay kung paano mag hiwa ng karne ng Tao. Lalo na pag bata at babae, malambot ang mga karne.Lalo na pag sinigang, Alam nyo ba kung anong parte ng tao ang masarap e sinigang? Hita. Isa sa malasadong parte ng Tao. Ang sarap talaga.
Na alala ko malapit na pala ang pasukan. Mag aaral pa kaya ako lalo na nanghihina si tatay?
Masaya Kami naninirahan ni tatay. Buong puso ko na tinanggap kung Ano ako.
Tila sa mga masasayang araw ay napapalitan ng malungkot. Hindi, isang trahedya.
Isang gabi, sinugod kme ng tao. Naririnig ko pa lang sa kalayuan ang mga sigaw nila.
"Aswang!!! Gwa na Kamo da!l) ("Aswang! Lumabas na kayo dyan!")
Agad ko pinuntahan si tatay. Bubuhatin ko sana sya kaso may sinabe sya.
"Ligaya, lakat na to. Pabay-e na ako di. Tapos na ako bilang aswang. " ("Ligaya, umalis ka na. Iwan Mo na ako dito. Tapos na ako bilang aswang")
Bigla tumulo ang luha ko. Siguro oras na nga ni tatay. Wala ako magawa kasi hinang hina na sya.
May pinahid na laway si Tatay sa tenga ko. "Yanggaw " daw tawag doon.
Hindi ko na papahabaain ito. Nag bihis ako, kinuha ko yung mga papeles ko at mga gamit na binigay sa akin ni Tatay.Nakatakas nga ako. Alam nyo ba kung sno ang nag turo sa amin? Walang iba kundi si Jensen.
Oo, nakita ko sya. Kaya pala unang kita ko sa kanya kinabahan ako bigla. Akala ko pag-ibig na yun pala pag ta-traydor lang.
Paano ako nakarating sa barrio? Ginamit ko ang bangka ni Tatay. 10 minuto lang naman makarating.
Nag benta ako ng mga plastic na bote at yun ang ginamit ko pamasahe papuntang syudad ng Iloilo.
3 taon na ang nakalipas.. ngunit sariwa pa rin ang mga pangyayare sa akin. Swerte ko kasi mabait ang pinagta-trabahuan ko.
Nag trabaho ako bilang tiga hugas ng plato sa isang karenderya. Nag aral ako ng ALS kasi hindi ako nakapag tapos ng High School sa lugar namin. At dahil sabi nila, matalino daw ako, isang beses lang ako kumuha ng exam at nakapasa ako.
At ngayon, 1st year college ako sa isang malaking unibersidad sa syudad ng Iloilo. Kay tita Cora pa rin ako nag tatrabaho sa karenderya. Tila nakakalimutan ko ang pagiging "aswang" ko at hindi na muli ako nag hahanap ng tao. Minsan, pag nakakita ako ng sinigang, nag lalaway ako.
Marunong na rin ako makipag salamuha sa mga tao. May mga kaibigan na rin ako.. Hindi naman ako nanakit ng tao. Madami din nagkaka gusto sa akin. Maraming salamat kay Allyn sa pag tulong sa akin para isalin sa wikang tagalog ang kwento ko.
Tila maliit lang pala ang mundo. Iisang unibersidad lang kami pinapasukan ni Jensen. Hindi pa nya ako nakikita kasi malakas din ang pang amoy ko kung alam ko na malapit lang sya sa pwesto ko. Agad ako umaalis, o nag tatago.Palagi ko sya nakikita sa va******* hall. Graduating na pala sya.
May mensahe ako sayo Jensen.
Kamusta ka na? Lipay ka na sa gn himo mo sa amon ni Tatay? Abi ko ikaw na. Kay gle gn traidor mo pa ako. Ka gamay gali sang kalibutan nuh? Isa lang ta gali sa eskwelahan. Kung mabasahan mo ni kag bal-an mo nga ikaw ni? Hindi ka magka kulba. Hindi ako SUBONG manukot smo. Hulat ka lang. hulat ka lang.... (Kumusta ka na? Masaya ka na ba sa ginawa mo sa amin ng tatay ko? Akala ko ikaw na, pero tinraydor mo pa ako. Ang liit lang ng mundo noh? lisa lang paaralan natin. Kung mabasa mo ito wag ka mag alala hindi pa ako ngayon magniningil sayo. Maghintay ka lang. Maghintay ka lang.)
At dito na nagtatapos ang kwento ko. Ang kwento ni Ligaya. Mahirap mn paniwalaan, ngunit totoong nangyayari sa akin. At totoo ang aswang. Totoo ang "yanggaw"
Minsan kapag nakakita ako ng sinigang, bigla ako nag lalaway. Parang gusto ko kumain nag sinigang na hinahain sa akin ni Tatay. Pero may isang tao ang gusto ko pag lalaanan nito. Na gusto ko maging sinigang. Alam nyo na yun kung sino.
Salamat guid!!!
Ligaya
BINABASA MO ANG
Scary Stories 2
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! Highest Rank : #3 in horror (03/20/2018) Consistent Rank : #6 (2018-Present) ciao /sheree