Pinili ang Kadiliman (Part 10)

332 3 0
                                    


Kumusta mga ka Spookify? medyo matagal tagal na din na di ko kaagad nasundan ang Karugtong ng kwento. Na busy lang kasi, kaya Pasensiya na po sa mga naghihintay. Bago ko Simulan ang kwento. Gusto ko lang batiin ang Isang solid follower ko mula noon hanggang ngayon. Hi A.C.M siya lang nakaka alam sa akin kung ano ako,. hindi lang bilang puting Tupa.
Nakita na niya Ang sinasabi kong Compound sa Cabadbaran, Sacred Ground at ang Meeting Hall ng mga Puting Tupa, mapagkakatiwalaan kasi. Alam ko mababasa niya to kaya Just Stay Keep the Secret....
tara at Simulan na natin ang Kwento,
Pagkatapos namin magkwentohan ay Maaga kaming natulog.
Sumapit ang Oras ng 12am Nakakarinig na kami ng yabag ng paa na may Hinihilang kadena na paakyat sa Hagdanan sa labas. Narinig namin lahat yun dahil itong si Buddy di napigilan ang takot at Nag salita "Ano yan aakyat yata dito? bayaw ano ba yan naririnig natin?" Nanginginig na inaalog ako ni buddy na nakahiga. "Matulog ka na huwag mo pansinin yan... hayaan mo hindi yan pumapasok sa loob ng bahay...." sabi ko kay buddy na nakapikit ang mga mata. Mayamaya pa iba na naman narinig namin. Sumisitsit na nasa Siwang ng Bintana na kahoy... "Bayaw Tingnan mo may nakasilip na Aswang yata yan ang pula ng Mata... gumising ka muna bayaw..." Inaalog alog na naman ako ni Buddy. kaya Bumangon ako tiningnan ito, Nanindig ang Aking balahibo ng makita ko na patulis na Dila na ang nakita ko at pilit pumapasok sa siwang ng Bintana. Babangon na sana ako ng Biglang nauna ng Bumangon si Apong Golden at Binuksan ang Bintana. Nahawakan niya sa ulo ang Nilalang na mabalahibo na mukhang Paniki at napakalaki nito. Dinasalan at hinipan niya ito at Binitawanan saka pinalayo ang Nilalang na yun. Naririnig pa namin ang pagaspas ng mga Pakpak nito. Nagising na rin ang Lahat pati ang Mga Pinsan ko. nong malaman nila ang Nangyari ay Pinapabalik na kami lahat sa pagtulog. Hayaan na daw kung may maririnig kaming mga kababalaghan dahil ganun nga talaga kapag may dayo sa lugar.
Pagka Umaga non, Naghanda na kami kaagad para sa pagpasok sa Bermuda Triangle. Nag almusal muna kami lahat. "excited ako na makapasok sa Bermuda, pero medyo kinakabahan ako sa mga maari kong makita doon sa loob." sabi ni Buddy na seryosong seryoso. "Basta huwag ka lang mag iingay, Sundin ang mga paalala, hindi ka mapapano doon. Mapalad ka dahil isa ka sa makakatuklas ng Nakatagong Dimension sa Mundo. Maraming naghangad na Matuklasan ang Lugar na yan pero lahat ng nagtangka ay nabigo, napahamak o namatay." sagot ni Bong kay buddy. Natulala lang si buddy sa sinabi ni Bong. "May makikilala ka pa na sagradong nilalang doon. pag narating mo na ang Dulo ng Bermuda Triangle... doon mo mapapatunayan na Totoo ang mga dati ay iniisip mo lang." Pagsabat ni Kuya bobet.
(FastForward)
Pagkadating namin sa Labas ng Bermuda Triangle. Nagdasal muna kami. Gaya nong Dati na pagpasok namin noon sa Bermuda. may Kinuha si Kuya bobet na mga palito ng posporo at dinasalan niya ito. pinatalikod kami lahat. Pagkatapos non pinaharap na kami at Bumulaga na sa Harap namin ang mga Wierdong mga nakabihis Uniforme ng Sundalo. Nakita ko na sila dati noon kung naalala niyo yung una kong pagpunta sa Bermuda.
Pagpasok namin sa Bermuda, Maingat at tahimik kaming naglalakad lahat. Kahit si Buddy nagmamasid at ineenjoy lang niya ang ganda ng Rainforest sa loob ng Bermuda. Pagkadating namin sa Area ng mga may malalaking mga hayop. namangha na si buddy pero nong makita niya ang mga Ahas na sinlaki ng mga Bus. Kinilabutan na siya at panay na ang hawak sa Damit ko. gustohin man niyang magsalita pero pinipigilan lang niya.
(hindi ko na idedetalye yong iba pang kaganapan sa loob, total kung nabasa niyo na yong Mysteryosong Samahan at Ang Kakaibang Dimension, malalaman niyo kung ano yong nasa loob...)
Pagkadating namin sa Dulo ng Bermuda Triangle kung saan Nandoon Holy God, mga Anghel at Ang mga Propheta. Nandoon din ang aming mga Maestro. Naiyak si Apong Golden nang makita niya ang Kanilang Maestro. Nilapitan niya ito niyakap, nagkausap sila pero hindi ko na alam kong ano yung pinaguusapan nila. kasi lumapit na rin kasi ang lolo maestro ko sa amin ni buddy. "Masaya akong Makita ka uli dito Anak... Sa dami na ng Pagsubok na iyong nalalampasan, Mga Tao na iyong natulongan.. may Ritwal na gagawin sayo mamaya ni Ama.." Sabi ni lolo na ipinatong ang kaliwa niyang kamay sa aking balikat. "Ama? Sinong ama po yun Maestro?" pagtataka kong Tanong. Ngumiti ang lolo maestro ko sa akin. "Siya ang aking Ama at Lolo mo rin siya... Siya si Master JC o Jesus Christ kung tawagin ng mga Kristiyano.." Gulat na gulat ako sa Revealation ng lolo maestro ko sa akin. kahit si buddy nagulat sa narinig niya. "Alam din ba ito nina kuya bobet at Bong, Maestro?" Tanong ni buddy. "Oo hindi nila yan sinasabi kasi ito ay malaking Secreto lang ng Pamilya.. inilihim ito maging sa lahat ng kapunongan..." Sagot ng lolo maestro ko na naka ngiti na tinitingnan kami ni Buddy. nilingon ko sina kuya bobet, bong at bening na kausap din ang kanilang Ama na maestro din. "hindi ako makapaniwala ngayon... Bakit ngayon niyo lang to sinabi sa akin Maestro? Nabigla ako na malaman ito mula sa inyo..." napa tulo ang luha ko dahil napakagaan sa puso na malaman ang aking pinagmulan. "Malalaman mo ang Sagot mamaya Anak kung bakit ko sinabi ang lahat sayo...Kusa mong maliliwanagan ang Tungkol sayo..." sabi ng lolo maestro ko na pinahiran ng palad niya ang luha na tumulo sa pisngi ko.
Biglang Tumunog ang mga Trumpeta ng Tatlong Beses. At iniwan muna kami ng lolo maestro ko kasi lumapit siya doon sa mga kasama niyang mga maestro din. Ang Mga anghel na nakahelira sa Paligid ay Lumuhod ng Lumabas ang Liwanag mula itaas, Hindi ito pangkariniwang liwanag. Sobrang nakakasilaw kaya napa yuko kami lahat kasi napakasakit sa mata kung titingnan mo. mayamaya pa nawala yong liwanag at may nakatayo na isang Matangkad na Lalaki, nakasout ng Puting Kasoutan. nakatongtong siya sa malapad na bato na parang Entablado tingnan.. Dahil Lumuhod sina kuya bobet at iba pang kasama namin. Lumuhod na din kami ni buddy. nagdasal kami na sumasabat kina kuya bobet ng latin na dasal. nakita ko na bumaba yong Matangkad na lalaki mula sa Entabladong Bato. Iniisa isa niyang nilapitan ang mga Maestro na nakaharap sa kanya na naka yuko. Hinihipo lang niya ang mga ulo nito at nag sa sign of the Cross. nakita ko na may ibinulong ang lolo maestro ko sa Lalaking matangkad at Nakatingin na ito sa akin. Ngumiti ito at Dahan dahan na naglakad sa Kinaroroonan ko. Hindi ako makagalawa at pakiramdam ko naninigas ang bou kong katawan. Nanlamig ang aking pakiramdam, lumakas ang Kabog ng aking Dibdib. habang papalapit na ito sa akin, gusto kong pumikit pero di ko magawa. Pagkatapat na niya sa akin hinipo niya ang aking bonbonan sa ulo. at inalalayan akong tumayo mula sa pagkakaluhod. hawak niya ang magkabilaang balikat ko. pagkatayo ko ay niyakap niya ako ng mahigpit, at may dinasal siya sa akin at hinipan ang aking noo. may kinuha siyang tela na hindi ko alam anong klasing tela yun dahil transparent ito. ipinasoot niya ito sa akin, tulad ng nasa kasootan ng isang pari na may inilalagay sa kanilang uniporme. (Hindi ko alam ano tawag sa ganun) tinitigan niya ako na nakangiti, muli ay niyakap ako. Nakita ko na nagsiyuko ang mga ulo ng mga Maestro kabilang na ang lolo ko. Pagkatapos non ay umalis yong matangkad na lalaki at Bumalik sa ibabaw ng Batong Entablado. Kumaway ito sa lahat at Suminyas na Tumayo na yong mga nakaluhod na mga Anghel. Tumunog Uli ang mga Trumpeta at Nagpakita muli yong Nakakasilaw na Liwanag. Pagkawala nong Liwanag nawala na rin yong Matangkad na lalaki. Lumapit ang Lolo Maestro ko sa akin At Niyakap ako. "Isa ka na sa Tulad ko Anak. Ganap ka ng Maestro...Binasbasan ka na ni Ama JC.. kaya Gamitin mo sa Kabutihan lagi ang Ipinagkaloob sayo. Gabayan mo ang Mga Nais mong gabayan na mga Tao. Pagkalooban mo ng Liwanag ang mga tao na Boung Puso na nananampalataya sa ngalan ni Ama. Bigyan mo ng Tulong ang mga Nagdadasal ng Taimtim.. Bigyan mo ng Basbas ang mga Gustong maging Puting Tupa na Boung puso at Hindi gagamitin sa Kasamaan. Ikaw mismo ang makakaramdam nito. Karapatdapat sayo ang Tungkolin na ito anak. Bilang Dugo ko ang Nananalaytay sayo...." Pagkasabi ng lolo Maestro ko ay Naintindihan ko na kaagad bakit may revealation ang lolo maestro sa akin kanina. Dahil yun sa kadugo ko si Lolo at Anak siya ni Master JC kaya ako binasbasan bilang Tagapagsunod sa yapak ng aking lolo Maestro.
(FastForward)
Pagkalabas namin sa Bermuda Triangle, Napansin namin na kulang kami. Nawawala su Buddy. Babalikan ko sana siya sa loob pero pinigilan na ako nina Kuya Bobet at bong. "Bawal ka na muli pumasok doon pinsan... Malalabag mo ang Batas ng Dimension na ito. baka mapahamak ka pa... Kahit maestro ka na. Hindi ka dapat lalabag sa Batas dito..." pagpigil ni Kuya bobet sa akin. "Ako na lang babalik sa loob. Di bale ng Ako ang Mapahamak makatulong man lang sa inyo. Dahil tinulongan niyo din ako na makita at makausap ang aming Maestro.." voluntaryong sinabi ni Apong Golden. "Huwag.. hintayin na lang natin si Buddy dito... baka matagpuan niya ang daan palabas. Ano ba kasi nangyari bakit siya Nagpaiwan..?" sabi ni ate bening. biglang Kumulimlim ang langit at Nababalot na ng makapal na ulap ang paligid (fogs) hinintay pa rin namin si buddy.. Sobrang nag aalala na ako sa kanya, Kahit gamitin ko ang Kakayahan ko na maramdaman ang presinsya niya ay di ko maramdaman dahil sa iba ang dimension sa loob ng Bermuda. Mayamaya pa may babae, at isang nilalang na kakaiba ang hitsura at inaakbayan ang isang lalaki na lumabas sa labasan ng Bermuda. Si Diwata necay at Kenta na kasama nila si Buddy na naka ngiti pa ang Mokong.. "Saan ka ba napadpad buddy? bakit ka nagpaiwan kala ko nakasunod ka lang sa akin..." galit na tanong ko kay buddy. "May sumitsit kasi sa akin na isang lalaki sabi niya gusto ko ba daw ng ginto kaya sumama ako sa kanya. Hindi ko alam na iwawala niya lang pala ako..palingon lingon ako pero di ko na kayo nakikita.. nagsisigaw ako ng Help..! pero umi echo lang boses ko wala naman microphone doon at speaker bayaw..." Nakuha pa mag biro ni buddy sa akin na uminit na ulo ko sa kanya dahil sa pag aalala ko kung napano na siya. Nakita ko na ang sama ng tingin ni Apong Golden kina necay at kenta kaya hinawakan ko sa kamay si necay at hinila ko papalayo sa mga kasama ko, dumistancia kami sa kanila. "Bakit mo ako hinila? galit ka ba? ikaw na tong tinulongan mailabas yong kasama mo ikaw pa tong galit... Siguro namimiss mo ako no?" Pang aasar ni necay sa akin. "gusto lang kitang pasalamatan.. salamat, at kaya kita kinaladkad dahil ayaw ko sa harap ng mga kasama ko magpapasalamat sayo.. alam mo naman na mainit na mainit ang panig namin sa mga gaya niyo. huwag mong isipin na namimiss kita dahil hindi totoo yan.." Salubong kilay kong pagkikipag usap kay Diwata Necay. "Ah sus palusot pa... sige na kiss mo na ako.. isa lang yun lang tatangapin kong pasasalamat mo.." Pang aasar na naman ni necay sa akin na may halong tumatawa. "Tumigil ka nga necay, ang landi mong engkanto ka.. tama na yung sinabi kong salamat. at nga pala bukas bago kami uuwi maari mo bang dalhin si baby rich sa little village para makapag paalam naman ako sa anak ko. kung ayos lang naman sayo..." pakiusap ko kay necay na naka tingin sa mga mata na nagniningning para bang tuwang tuwa siya na nakakausap ako sa harap niya. "Kiss mo muna ako.." patuloy niyang pangungulit sa akin. "Tumigil ka na necay hindi ka nakakatuwa.. sige na tanghali kasi kami uuwi bukas gusto ko lang makita uli ang anak ko.." pakiusap ko ulit sa Makulit na Diwata. "O sige masusunod Mahal kong Bana na madamot sa halik. Binabati nga pala kita bilang pagiging Maestro mo.. Ibang iba ka na ngayon kitang kita ko sayo na may taglay ka na ng malakas na kawal ng inyong panginoon.." Nakangiting sinabi ni necay sa akin.
Sa pag uusap namin ni necay tinawag ako ni kuya bobet dahil kailangan na namin bumalik sa Little village dahil Maabotan na kami ng Ulan. Papunta na sana ako kina kuya bobet ng Bigla akong niyakap ni Necay At hinalikan sa labi. Hindi ako nakapalag at nagulat ako sa ginawa niya. "Mag iingat ka palagi aking Bana.. marami ka na niyang malalaking pagsubok dahil marami na magkaka interest sa buhay mo na mga kalaban... Lalo na ngayon.. may Nag aabang sayo na kapahamakan.." Sabi ni necay matapos niya akong niyakap at hinalikan. tumango lang ako dahil nahiya ako ng pagtingin ko sa mga kasama ko nakatingin sila lahat sa amin. Si buddy pumalakpak pa.. kaya patakbo na akong lumapit sa kanila. Tahimik nilisan ang Lugar at sa gitna ng aming paglalakad pabalik sa little village.. naabotan kami ng ulan at biglang may Gumuhit na kidlat mismo sa harap ko kasabay ng pagkulog. halos makuryente ako sa lakas kidlat. kaya nilapitan ako ni Apong Golden at Inalalayan ako. "kailangan na natin bilisan baka tamaan tayo ng Kidlat.." patakbo na kami na pabalik sa little village dahil panay na ang pagkidlat at dilikado na may matamaan sa amin dahil nasa itaas kami ng Bundok napakalapit ng Mga gumuguhit na kidlat.
naka balik kami sa Little village na basang basa pero ayos lang dahil ligtas kami nakabalik.
(FastForward)
Pagkabukas, umaga non nasa labas ako kasama si buddy dahil payapa ang paligid. maaliwalas ang sinag ng araw.. pinasyal namin ang paligid. May nakilala itong si buddy na babae taga doon, anak ng puting tupa. dahil ayaw ko makadisturbo sa usapan nila naglalakad uli ako at nakita ko si baby rich sa may malaking puno ng langka. nakaupo ito nakatingin sa akin kaya lumapit ako sa kanya. "hi baby... kanina ka pa dyan? asan mama mo?" hindi siya umimik at nagpa blink blink lang siya ng mga mata niya. "Nahihiya ka ba sa akin baby? halika nga lapit ka kay papa.." Sabi ko sa kanya, lumapit ito ng dahan dahan sa akin. at kinarga ko si baby rich. "uwi ka na daw ngayon papa sabi ni mama.." Nagsalita din sa wakas ang cute na bata. "Oo baby.. kailangan ko na umuwi kaagad kasi may importante pa akong gagawin.." Sabi ko sa kanya na hinahalikan ko ang pisngi niya. "Kelan ka balik dito? sama ka na kay mama, papa..." Nagulat ako sa sinabi ng anak ko. kaya natawa nalang ako. "ahm.. baby hindi mo pa kasi naiintindihan ang mga bagay bagay.. hindi ako pwede sumama sa mama mo.. balang araw maiintindihan mo din ang lahat anak..." Seryoso kong sinabi kay Baby rich. ilang oras din kami nag sama ni baby rich at sinulit ko ang mga oras na kasama ko ang anak kong may dugong engkanto. Pagdating ni necay Nagpaalam na sila sa akin. Masaya ako na pinagbigyan ako ni necay sa hiling ko sa kanya. alam ko na sa boung oras na nagsama kami ni baby rich ay nasa paligid lang siya nakikinig at tahimik lang kami pinagmamasdan. pagkaalis nila Kitang kita ko ang Kalungkutan sa mukha ni necay. Pinuntahan ko kaagad si buddy para maghanda na para sa aming pag uwi.
(fast Forward ulit)
Pagbalik namin sa Compound ng cabadbaran, nagpakita ang lolo maestro ko. "anak Pagbalik mo ng Cagayan de oro, Kaya mo ng harapin si Totax.. huwag ka magpapadala sa mga Panlilinlang niya. Ang nakita mo noon na tito bem mo ay Si Totax lang din yun. Hindi mo ba napapansin nong mga oras na nakikita mo ang tito bem mo ay nandyan din si Totax? malalaman mo ang katotohanan sa paghaharap niyo uli ni Totax. wala siyang kaalam alam na isa ka ng ganap na maestro. Lagdaan mo ang Kasunduan gamit ang yong Dugo. pero hindi na ito tatalab dahil yun ay masusunog sa harap niya mismo... nasa sayo na ang Decision kung paparusahan mo si Totax.. kaya mo ng gawin ang mga nagagawa ko. Pero tandaan mo anak. may katawan tao ka pa. kaya mag iingat ka parin. Hanggang muli natin pagkikita anak. Mag iingat ka lagi..." pagkatapos sabihin ni lolo yun ay umalis siya at naglaho.
Bumiyahe kami ni buddy pauwi ng Cagayan de oro kaagad para harapin si Totax. Pagkadating namin sa bahay nagpahinga si buddy sa mahabang biyahe namin. Tinext ko ang mga kamag anak ko para alamin ang burol ni tita gina at kumustahin ang mga bata na nasa hospital. Pero Tsaka ko palang nalaman na nailibing na ang Tita ko. at Ang mga niya ay nasa Hospital pa rin.
Gabi non ng Muling nagpakita si Totax sa amin ni Buddy sa Sala ng bahay.. "kumusta na mga kapatid? Siguro naman may decision ka na na lagdaan ang ating napag usapan kapalit ng buhay ng Tito bem mo.." sabi ni totax na tumawa pa. "Akin na ang Kasunduan, Pero siguradohin mong matutupad ang ating napag usapan... lalagdaan ko na..." sabi ko kay totax na wala pala talaga siyang kaalam alam tungkol sa akin. inabot niya ang papel na kasunduan. Kumuha ako ng Karayom at tinusok ko ang Aking hinlalaking daliri para lumabas ang dugo. pagkatapos kong lagdaan yun tawa ng tawa si Totax.. Tumayo si Buddy at Sinaway niya ito.."Tawa ka ng tawa.. Baliw ka Anong nakakatawa dito?" ngunit tinawanan lang ni Totax si Buddy. tinuturo niya si Buddy na tawang tawa. Tinitigan ko lang si totax na hawak hawal ang Papel na kasunduan. Ngunit nagulat siya ng Makita niyang Umapoy yong hawak niya tuloyan na naging abu sa kamay niya. "hindi maari paano nangyari nasunog ang Kasunduan? imposible...! wag mong sabihin na isa kang Maestro..?" Tanong ni Totax. "Oo tama ka totax.. Galing ako sa Bermuda triangle at Binasabasan ako ni Master JC bilang isang ganap na na maestro.. kaya Kung ako sayo Sabihin mo na nasaan ang Tito bem ko. Dahil hindi ka makakalabas sa bahay ko hanggat hindi mo sinasabi nasaan ang tito bem ko. Alam kong ikaw lang yung tumalon sa tulay at yong nandoon sa hospital na ginaya ang mukha ni tito bem. Hindi mo na ako ngayon malilinlang. Kung ayaw mong tawagin ko ang mga mga kawal para ipadala ka sa harap ng Balaan ama para parusahan ka at mabasahan ng paghuhukom na turn to be dust..." Pagbanta ko kay Totax. Sinubukan niyang tumakas pero Hindi siya nakatakas dahil hinawakan ko siya sa kamay. dinasalan ko siya lingid sa kanyang kaalaman na maparalisa ang kalahati niyang katawan. "Patawarin niyo ako.. patawarin niyo ako sa mga ginawa ko sa pamilya ng tita mo... patawarin mo ako sa panlilinlang ko sayo Maestro.. sasabihin ko na kung anong nangyari kay Tito bem mo. nasa Abroad siya na Comatose dahil sa nakuryente siya sa trabaho niya. Kasabay nong araw na na aksidente ang Tita gina mo. ako lahat ang may gawa non. patawarin mo ako... Huwag mo akong ipadala sa Itaas pinapangako ko na hindi na ako mangugulo pa sa inyo.." Umiiyak na nagmamakaawa si Totax sa akin. "Bayaw wag ka maniwala dyan. Traydor yan at nasa panig na ng Kadiliman.. Parusahan mo na at Para maipaabot sa mga kakampi niya na Tayo ay Hadlang sa mga Masasamang Galawan nila na sumisira sa buhay ng mga tao..." Sabat ni buddy na inis na inis kay totax. "Hindi ako nagpapatawad sa mga Alagad ng Kadiliman.. Kung tao ka may chansa ka pa pero dahil binenta mo na ang kaluluwa mo at Pinili ang Kadiliman.. kailangan mo ng humarap sa Tagapaglikha at siya na ang bahala sayo.." sabi ko kay totax na panay iyak at pagmamakaawa. kumuha si buddy ng kandila at posporo at Sinindihan niya ito at inabot sa akin. Ginamit ko ang dasal na pantawag sa mga Kawal na anghel na nasa itaas. sinabayan ako ni Buddy at Biglang Dumilim ang paligid.. may hangin na malakas sa loob ng bahay kahit nakasarado ang pintuan at mga bintana. Biglang lumiwanag ang loob ng bahay na para bang may napakalakas na bombilyang umilaw at dumating ang mga Anghel na tinawag ko at Kinuha nila Si Totax na Panay ang Sigaw na ayaw niyang sumama pero wala siyang nagawa.
Pagkatapos non tinawagan ko ang mga tita ko na kapatid ni tita gina. sinabi ko ang tungkol kay Tito bem at kailangan nilang alamin kung saan ito naka confine na hospital doon sa labas ng bansa.
ilang araw pa ang nakalipas confirmado na na comatose nga si tito bem doon at pinuntahan na ng kamag anak niya para maiuwi ito dito sa pinas.
Muli ako poy nagpapasalamat sa inyong matiyagang paghihintay sa kwento lalo na sa mga Kaibigan ko dito na nakakakilala na sa akin. Salamat sa inyong lahat lalo na sa Page ng Spookify sa mga Co editors ko at sa aming Main admin..
Mensahe ko lang sa mga mambabasa dito na sana po ay Respetohin natin ang kanya kanyang paniniwala ng bawat isa..wala po akong pinipilit na maniwala sa inyong nababasa. nasa sa inyo na yun.
God bless sa lahat.. Hanggang sa muli natin pagsasama sa mga susunod pang mga Kwento na Puno ng kababalaghan, Mysteryo na nakabalot sa ating Mundo. Keep safe at lagi po kayong magdadasal..
-Silent Rasta
Ps: To God Be the Glory.

Scary Stories 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon