May estudyante ba akong ganito?

1.3K 33 0
                                    


I am always reading the stories posted here in spookify every time I'm done doing all my lesson plan. Ni-recommend kasi ito ng isang estudyante sa akin that time na nahuli kong hindi nakikinig sa akin while nagle-lecture ako. Funny siyang pakinggan pero basta ganun na.

This is a real life story na nangyari sa akin last 2014. I am a college prof. sa isang University dito sa negros. (I will not mention the name of the school na lang for the sake of the reputation) Part time ko lang kasi ito dahil sa gabi lang ako nagtuturo at sa umaga naman sa isang public school dito malapit sa amin.

I was assigned na magturo sa third floor class na malapit sa Psych Lab tas nasa pinakadulo kami na room magle-lecture. Yung subject kasi na tinuturo ko is World Literature. It was my first meeting at Tuesday siya. Nagtuturo ako from 5:30pm-7:00pm nun. Bali yung students ko mostly IT na puro regular at may kaunting mix ng Commerce at Education na irregular.

So parang nakasanayan ko ng magpa-introduce ng mga pangalan nila isa-isa kapag first meeting. Hindi pa talaga ako nagle-lesson nun kasi gusto ko pang makilala mga students ko. So ayun, iniisa-isa ko silang tawagin at tinuturo ko lang sila dahil nga hindi ko pa sila kabisado. In the middle of introducing their names, may isang babae na naka-uniform na pumasok. She was late for almost 35 mins na yata nun (sa pagkakatanda ko lang) umupo siya sa pinaka-corner dahil may bakanteng 4 na silya. Bali nasa malapit siya sa may pader nakaupo sa may corner malapit. Tas bigla kong pinahinto yung lalaki na magpapakilala na sana dahil nagsalita ako.

NV na po ito:

Ako: You're late already dear. Pasan mo ba ang mundo bakit ka na late?
Students: *Tumingin sa likod*
Ako: Di joke ko lang yun, Hija. Yung iba kasi parang inaantok na. Next time don't be late ha? Mamaya ikaw naman magpapakilala.

And she nodded while creating a half smile. Medyo ang weird niyang tingan na ang lamya-lamya niya. Tas pag first year kasi wala pang naka-uniform mostly sa amin dahil puro naka-civilian tas hindi ko inaasahan na may mali talaga. Tas hanggang naging regular na yung klase ko at palagi na lang late yung estudyanteng babae. Hindi ko lang pinansin dahil 6 out of 9 pa lang yung absences niya pag umabot na ng pito dun na ako magwa-warning, I consider her absences dahil ang 2 lates ang equavalent nun ay 1 absent na at may napagtanto ako bigla.

It was Thursday. Maaga akong pumasok ng room. Advance yata ako ng mga 15 mins. It was 5:15pm nun. Sinet-up ko na yung mga kailangan para sa projector dahil magpa-powerpoint ako. Tas biglang namatay yung ilaw at yung tanging liwanag is yung laptop ko lang. Biglang bumukas ang pintuan dahil slightly open siya makikita ko talaga ng napakadilim sa labas dahil kami na lang kasi yung nagle-lecture dun sa floor ng building every TTH. Tas pumasok yung weird girl na naka-uniform na naman. I asked her na tulungan ako. Tumango siya at pumunta malapit sa akin. Sinabihan ko siyang hawakan nya ang phone ko dahil I turn on the flashlight. Hinahanap ko kasi yung seat plan ko. Tas umandar na yung mga ilaw dahil pinaandar na nila yung generator ng school. Tas sabi niya lalabas lang muna siya dahil may gagawin lang siya. So ayun nagsipagdatingan na yung mga students ko. Nagsimula na akong magturo blah blah. Tas ayun, late na naman yung babae. Medyo nainis ako kasi nga kanina unang-una siya dumating tas siya naman yung late. Nagsalita ako.

NV ulit:

Ako: Hija.. Late ka na naman?! Ano ba naman yan! Kanina ikaw yung unang dumating dito tas ngayon ikaw na naman yung late?! I told you not to be late. We have classroom regulations here. So please follow my rules. If next time you will be late again, look for another class and I will drop you from my class. Are we clear?!
Babae: *tumango lang*
Nagsipagtinginan lahat ng mga estudyante ko sa akin at lumingon silang lahat tas nagsalita yung isang estudyante.

NV:

Sir: Wala naman pong ibang estudyante sa likod maliban sa amin dito. Last time nung first meeting nagbiro ka tungkol sa babaeng late dahil baka pasan niya ang mundo akala namin biro mo lang yun tas ngayon may kinakausap ka at nakikita na parang wala naman. Sir, tinatakot mo talaga kami.

Tas tumingin ako sa likuran wala na yung babae at nagtahimik bigla. Para bang may anghel na dumaan at nagsimula na lang akong mag-discuss sa kanila. Doon ko na fealize na multo na pala yung babae. At ako lang ang nakakakita sa kanya.

I checked her files sa registrar's office. I was shocked sa nalaman ko. Nakuryente pala siya dati sa room na kung saan kami nagle-lesson at sabi ng staff, kinabukasan pa nakita yung katawan niya sa loob ng room. I decided na mag-transfer kami ng ibang room para hindi na matakot yung mga estudyante ko at hindi ko sa kanila sinabi yung tungkol dito.

Maraming salamat sa pagbasa. Mag-ingat tayo palagi sa paaralan hindi kasi natin alam yung history nito.

Prof OhH
Negros

Scary Stories 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon