Beat the summer heat

1.2K 19 0
                                    


It's been a month since nangyari tong paranormal experience ko. Hinding-hindi ko talaga to makakalimutan kasi nga muntikan na talaga ako. Me and my friends went out of town to find some good and relaxing beach resort out there for us to spend our summer. Pero imbes na kasiyahan ang pinuntahan namin dun, eh may katatakutan pala na magaganap, so eto na nga.

Kumuha kami ng room na good for 4 persons, pagkatapos eh nag-check-in na kami. After that we go beaching na. Ligo there, ligo here, ligo everywhere. And after namin maligo we decided to chill, yesss! We drink. Paubos na yung iniinom namin nang namalayan ko na hindi pa rin bumabalik si Karl eh jumingle lang naman yun. So syempre ako na si good citizen eh pinuntahan sya to check if he's okay, kasi medyo may tama na siya kanina ng alak. I looked for him inside our room pero wala siya, binalikan ko rin yung spot sa dalampasigan na tinambayan namin habang naliligo pero wala ding Karl ako na nakita, dun na ako na-alarma kaya bumalik ako sa mga kaibigan ko to tell them na nawawala si Karl.

Hinanap namin siya nang for almost an hour, nakarating na kami sa katabing beach resort sa kakahanap sa kanya pero walang Karl. We decided to report na sa pulis (kasi malapit lang naman ang police station) na nawawala ang kaibigan namin, but then sabi nila hindi pa siya mako-consider na nawawala siya kasi nga wala pang-24 oras. It's unusual for Karl na umalis nang walang paalam. Kaya alam namin agad na may mali. Bumalik kami sa beach resort to look for him again and luckily, nakita namin siya, nakatayo si Karl paharap sa dagat. Agad kaming napatakbo papunta sa kanya.

"Hoy! Ikaw Karlito hah! Pinag-alala mo kaming lahat. Leche ka." birong sabi ni Sheena.

Humarap siya samin at ngumiti. Then he spoke. Hindi ko talaga malilimutan lahat ng salita na sinabi niya.

"Hindi ba kayo sawang mabuhay? Gusto niyo ba akong samahan?" nakangiti niyang sabi. Ang creepy nun mga bes.

"Hoy! Karlito. Hindi ka naman siguro napapasama sa mga totokhangin noh?" sabi ko sa kanya.

I saw his eyes twitch even if it's dark outside, yung parang lumuwa tapos umikot-ikot. Shiiiit talaga! Nagulat ako dun, ganun din sila Sheena at Mike. So I asked him if he's okay but then I heard his bones cracked! Tangina mga beeeees! Napaatras kaming tatlo dahil dun.

"Karl! Hindi magandang biro ito!" sigaw ko sa kanya.

"Hindi na si Karl yan!" sigaw ni Miko.

Papalapit siya nang papalapit sa amin and kami paatras naman ng paatras sa kanya. I can't believed what I had seen! Nababali yung mga buto niya sa binti at braso yung tipong mala-walking dead ang datingan. Hindi na ako nagdalawang isip na tumakbo pabalik sa room namin, ganun din sina Miko at Sheena. Pero shiiiiiiiiiit talaga mga beeees! Hinahabol niya kami! Kaya binilisan namin ang takbo. Nang malapit na kami sa medyo mailaw na part ng resort eh hindi niya na kami hinahabol, nag-stay lang siya dun sa madilim na part, ini- report ulit namin sa mga pulis ang nangyari pero pag dating namin  dun sa police station eh nandun si Karl mga beeeees! Tgna talaga! Pero this time wala siyang malay.

"Nakita namin itong kaibigan niyo na walang malay dun sa madilim na daan habang nagroronda kami." sabi ng pulis.

Nang magising si Karl ay tinanong namin siya kung anong nangyari sakanya, pero sobrang takot nalang ang nadama namin ng magkuwento.

May nakita daw siya na kamukha niya pagkalabas ng cr, kaya sinundan niya ito. Papunta daw sa madilim na part yung kamukha niya. So dahil nga curious siya eh sinundan niya. Ikaw ba naman? Malaman mo na may kamukha ka na hindi mo kakilala hindi ka maku-curious? Pero habang naglalakad daw siya eh unti-unti siyang nawawalan ng malay and yun nga.

Sinabi din namin sa kanya ang nangyari at agad naman siyang namutla at hindi makapagsalita dahil sa ikinuwento namin.

-Xxx

Scary Stories 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon