Kumusta Spookify Readers? kahit Pagod ang katawan ko sa ngayon Ay mag a Update ako para sa inyo. Simulan na natin ang Karugtong ng Kwentong maraming nagaganap na mga mysteryo...
Natapos namin ang aming inuman ni bong nong gabing yun mga 1am na. Marami kaming mga napag usapan na may kaugnay sa mga pangyayari. mga Tungkol sa Samahan nila, at napag usapan din namin ang mga milagrong naranasan nila. Hindi ko nalang isisiwalat ang napag usapan namin kasi sinisikreto daw ito ng Samahan at iilan lang ang nakaka alam. Pagkatapos non natulog na si Bong sa Kwarto nila ng Asawa niya. una na kasi natulog yong asawa niya, (hindi ko na sasabihin kong anu pangalan ng asawa niya,). Magdamag akong hindi nakatulog kahit non, kasi napaka ingay pa rin ng mga asong umaAlulong sa labas. kaya naman tinetx ko na lang sina buddy at partner, moi, erwin,tina at iba pang mga kaibigan ko. kung sino lang mag reply at gising pa. Buti nalang nagising si buddy non at nag reply sa mga mesage ko, 3am ng bihira na mag reply si buddy nakakatulog yata at npwersa lang mag reply sa akin. kaya pinilit ko nalang matulog, nakakadisturbo ako sa bangungot niya. ah i mean sa pananaginip pala, Habang pinilit kong makatulog mayamaya pa nakakarinig na ako ng mga may mga Naglalakad na mga parang Mga Naka Combat na hukbo na Sundalo. at bumangon ako para tingnan sa bintana na glass, Parang Nagsisi tuloy ako na bumangon pa dahil nakikita ko ang mga Naka itim na hukbo andami nila nag rorobing sa boung Compound. Hindi ko makita ang mga mukha nila kasi puro naka Sombrero ng tulad sa mga Sundalong hapon (japanese). Nahalata yata nila na minamasdan ko sila mula sa loob ng bahay ni bong at nasa glass ng bintana ng Bigla silang papunta sa direction ng Bintanang kinatatayuan ko. Nag panic syempre ako, naalala ko kasi na wala akong laban dito kaya agad kong tiningnan kong naka lock ba yong bintana. Huminto sila sa harap ng bintana pero nasa labas parin sila. alam kong tinititigan din nila ako kaya napalunok ako sa nararamdaman kong kaba, pero alam kampanti akong hindi nila ako mapapahamak dahil nong kanina sa pag uusap namin ni bong Sinabi niyang Hindi basta basta napapasok ng mga Anumang elemento, demonyo o espirito ang mga bahay dahil may nakasabit daw sa labas ng pinto na Pangontra para sa mga ito, Basta wag mo lang bubuksan ang pinto o lumabas ng bahay, safety ka na sa loob. pero kahit ganun kinabahan pa rin ako, napaka wierdo kasi nilang tingnan. mga kamay nila ay kalansay pero di mo nakikita ang mukha, hindi ko alam kong bungo rin ba ang mukha nila. Nakatitig sila sa akin at biglang humakbang yong nasa gitna (15 yata sila lahat sa pagkakatanda ko) nong umabanti ang nasa gitna nila bigla nitong itinaas ang kanang kamay niya at inilagay sa kanyang dibdib at sumunod na sumabaysabay ang mga kasama nito, at dahil nagulat ako sa ginawa nila ay bumalik na ako sa sofa na hinigaan ko. Nagtataka ako kung ano ang ibig sabihin non, gusto ko pa sana silang tingnan ulit. pero nagdadalawang isip na ako baka iba na naman makita ko sa Ground ng Compound. Mayamaya nakakarinig na ako ng may nag pipito(whistle) sa labas. Ngunit hinayaan ko na. ayaw ko na talaga bumangon, lagi kong tinitingnan celpone ko kung may nag tx ba sa akin. 5am na yata ako naka idlip at nong mga 6am ginising ako ni pinsan Bong. Grabi ang hapdi pa ng mata ko para bang may mga buhangin dahil sa puyat. Masasabi kong na stress talaga ako sobra. "Hindi ka nakatulog Couz ? Marami ka kasing nakita kagabi. Kami nasanay na lahat dito sa ganun." Sabi ni bong sa akin na may hawak na Puting Tshirt na may print. "Sa tingin ko namamahay lang siguro ako insan, o dahil siguro sa ingay ng mga aso kaya di ako nakatulog maayos.." Sagot ko kay bong. "Oh Couz, isoot mo ito, mayamaya magsisimula na ang seremonya dyan sa labas. Sabay na rin tayo lalabas magbibihis lang ako.." Sabi ni bong sa akin na pumasok na ulit sa kwarto niya, Lumabas yong asawa ni bong na nakabihis ng White tshirt na gaya nong inabot ni Bong sa akin, pero nakaSaya ito ng Kulay Green. "Magandang umaga ate.." pagbati ko dito. "Magandang umaga rin, Maghilamos ka na at magbihis. magsisimula na doon sa labas." Sagot nito sa akin nito na nakangiti. Kaya agad akong tumayo at naghilamos sa Banyo nila. Isinoot ko yong Puti na tshirt na may printa ng Kapunongan. "Abah.. Couz bagay sayo ah. Mas lalo kang maputi pag Puti rin ang Tshirt na soot mo..Anu labas na tayo, Mamaya pagkatapos ng Seremonya punta tayo doon sa malaking bahay mag aagahan tayo doon." Sabi ni Bong sa akin. At lumabas na kami sabay sa bahay niya. Nilingon ko pa talaga ang nakasabit sa labas ng Pintuan na sinasabi ni bong sa akin kagabi. At Napansin kong kapareho ito nong panyo kong kulay green kaso nga lang naka frame na siya at isinabit sa labas ng Pinto. at nagpatuloy na kami ni bong sa Ground maraming mga membro na nandon Bukas ang Gate na maliit pero may nagbabantay na dalawa nakaputi rin tulad ng soot ko. Lahat ng nandoon magkakapareho ang Tshirt na puti. at ang mga babae ay lahat nakasoot ng Saya na Green. Lahat naka palibot sa gitna ng Flag pole sa ground at nakita ko si ate bening at kuya bobet at ang ina nila nakatayo sa gitna nito, lumapit din si bong doon sa kanila. Ako humalo lang sa mga naka palibot na mga membro din ng Kapunongan. Nong ipinasara na ang Gate, Nagsimula na ang Flag ceremony at pagkatapos non nong ang bandila na ng kapunongan na ang iwinawagayway ay kumanta ang lahat ng latin (Hindi ko sasabihin ang title non pero kabisado ko yun kasi nasa libro yun ng papa ni buddy.) Sumabay ako sa himig nito. At pagkatapos non Sabay sabay na Nagdadasal ng Latin para sa Kapunongan. At nong matapos ito lahat ay pumunta doon sa loob ng "Hall" at may mga pagkain na dinala doon ang ibang mga membro. Lumapit si bong at kuya bobet, ate bening sa akin at pinalapit nila ako sa mama nila at nag mano ako. Sabay sabay kaming pumasok sa malaking bahay. yong mga membro andun lang sa hall kumakain sila doon. May mga Katiwala na membro din pala sina Bong na sa umaga lang nagttrabaho sa malaking bahay at ito yong naghahanda ng pagkain. Kumain ako kasama ang Pamilya nina kuya bobet at bong. Ganun pa rin Tahimik at walang nagsasalita kong kumakain ang lahat. at napapansin ko rin na kahit isang butil ng kanin ay walang natitira sa pinagkakainan nilang plato. Sagrado talaga ang gracia ng pagkain sa pamilyang ito. kaya ayoko maiba at ganun din ginawa ko. Buti nalang at wala si buddy kundi didilaan niya yong plato siguro para luminis. Joke!, Balik tayo sa kwento. Pagkatapos namin kumain sabay sabay din kaming Pumunta sa Hall. First time ko pumasok doon. May mahabang lamisa sa Gitna, At may mga upuan din ito na mga pahaba. Sa bawat sulok ng Hall may mga pahaba din na Upuan kung saan doon umuupo ang mga membro. Doon kasi sa gitna ang mga opisyal at mga anak ng maestro ang pwedeng Umupo doon. Sa pinaka unang dulo ng lamisa may Upuan doon na Ang Sandalan ay Korteng Puso na piniturahan ng Pula. sa harap nito may Dalawang kandila na malalaki na nakasindi. Pinaupo ako ni Bong doon sa Gitna kung saan kasama ko ang mga Opisyal ng Kapunongan. nahihiya ako kasi Hindi ako opisyal at first time ko pa sa pagpupulong na yun. Nong sinimulan na ang pagpupulong o meeting Pinakilala ako ni Bong dahil siya ang Speaker ng Kapunongan. "Mga kapatid kong *** at **** pinapakilalala ko sa inyo ang Aming pinsan na Si ****** ******* isa din siya sa atin, at katulad din natin siya. E welcome natin bilang kaisa ng ating Pagiging kapatid ang aming pinsan." pagkasabi ni Bong ay Nagpalakpakan ang lahat. at ang mga lalaki ay nakipag shake hands sa akin sabay sabing "Welcome kapatid" at ang mga babae naman Yumayakap ganun din ang sinasabi. MapaBinata, Dalaga, Mga matatanda. Lahat sila nag Welcome sa akin. Sobra akong Natuwa At Hindi ko ma explain ang aking nararamdaman. Pagkatapos ng pagWelcome sa akin ng Kapunongan ay Nagsimula na si Kuya Bobet sa Kanyang Lecture about sa kapunongan (Hindi ko na sa sabihin ang mga nabangit na Discusion). si Kuya Bobet kasi ang Presidente ng Kapunongan. Pagkatapos ni Kuya bobet ay ang Ina na nila, Pinapatayo yong may mga Testimonya Tungkol sa mga Nararanasan nila at mga Kakayahan. At meron ngang nag bahagi ng kanilang kanya kanyang Testimonya, nag enjoy ako sa pakikinig. may mga nakakatakot namamangha. at bawat mag bahagi ng testimonya ay mga tumataas ang mga kamay para sa Comento at mga katanongan. Nagulat ako ng Bigla nalang akong pinapatayo ng ina nina bong. "I bahagi mo sa amin ang mga Nagawa mong kakayahan at mga naranasan mo, Nasasabik ang lahat sa mga e kkwento mo. sige na wag ka mahiya.." Napakalambing talaga magsalita ng mama nila tas sasabayan pa ng Matamis na Ngiti. Kaya tumayo ako at Ikenwento ko lahat sa kanila ang mga kababalaghang nangyari sa buhay ko. Lahat ay namangha at May mga nagtanong at nabibigyan ko naman ng Kasagutan. At dahil inaalalayan din ako ng mga magkakapatid na mga pinsan ko. Napaka Respetado nila bilang Anak ng Maestro. Pagkatapos ng Pagpupulong non sa Hall ay Nag inbita na si Bong at Kuya Bobet ng Tatlo na membro ng kapunongan na sasama sa Pag akyat doon sa Bundok ng Cabadbaran. Lima na kasi kami Ako, si Bong at asawa niya, kuya bobet, ate Bening. kaya nagsama pa ng tatlo na membro para maging Walo kami. Bawal daw kasi Pumunta doon na Hindi magkapares, sa bisaya "Bungkig" Kasi Malas daw. Agad naghanda ang magkakapatid ng mga Gamit at Baon para sa Dadalhin namin. Nagpapaalam kami sa mama nila at Sumakay na sa sasakyan ni kuya Bobet. Ganun pa rin kwentohan kami while na sa byahi. At ka tx ko si partner non, nagtatanong kailan ako uuwi. Si Buddy naman puro kalokohan mga tinitx sa akin kaya Natatawa ako bigla mag isa. Kaya nagugulat sila ng bigla akong mapahalakhak. Para tuloy akong nasapian ng Sumpa ni Buddy. Tinex ko siya na tama na dahil nagmumukha akong tanga, eh mas lalong lumala ang kalokohan niya kaya tawa na naman ako. At hindi pa siya nakontento tumawag pa ito kaya naka loudspeaker ang boses niya. "Saan Kayo pupunta ulit bayaw? sa toktok ng Bundok? Mag aala Tarzan kaba doon? Baka pag uwi mo Ikaw ay ignorante na.." Tawanan sila sa sinabi ni buddy. at may pahabol pa siya. "Bayaw Kapag Andon ka na Sa Toktok ng Bundok, Wag kang Maghuhubad At mag aakyat ng Puno At Magsisigaw ng Ahhhh...(gina gaya ang boses ni Tarzan) Kasi Mapagkakamalan kang Sira ulo, Hindi ka pa naman Mukhang Tarzan.." halakHakan ang lahat ng nakarinig sa loob ng Sasakyan. Kaya pinatay ko na ang Celphone ko at Hindi ko na ino On. Kasi alam kong Hindi ako Titigilan sa Pagka Ungas niya. Tawa ng tawa si kuya Bong sa kanya. "Sana sinama mo yun Pinsan, Para may kingkoy kang kasama.." Sabay tawanan lahat. Si Buddy isang Kingkoy akalain niyo yun.?. Nong marating na namin ang Paanan ng Bundok. Maraming Bahay nandoon At Lahat ng Nakatira dito ay halos Membro ng Kapunongan. May tindahan doon na Parang Nagpapasine sila. magbabayad ka lang ng 5pesos Dvd player lang naman gamit. Ang Lugar na yon ay malayo talaga sa Syudad. Pero may Kuryente, Meron silang Malaking Chapel na Para sa mga membro ng Samahan. May bahay si Kuya bobet doon na malaki at may caretaker siya, at doon kami Tumuloy, Bukas na daw kami aakyat dahil aabutan kami ng Dilim, Hapon na kasi yun.
Habang nandoon ako nagpaalam ako kung pwde ba akong magyosi sa Lugar, baka Kasi Bawal na naman. Ok lang daw sabi ni ate bening kaya bumaba ako sa bahay at Naglilibot sa Paligid habang nag yoyosi. Hindi pa naman Kasi madilim at may liwanag pa sa kalangitan pero nakabukas na ang mga ilaw sa mga kabahayan. Pumunta ako dun sa may puno na malapit sa Poso (dito lahat kumukuha ng Tubig ang mga naninirihan) Lahat nakakita sa akin Ngumingiti. Para bang kakilala ko na sila, Napaka Friendly ng mamayan na nandoon. Umupo ako sa Duyan na naka Tali ang Lubid sa puno at Kahoy ang upoan nito. Doon ako nagpalipas ng Oras habang nagyoyosi. mga 10 minutes yata yun may Lalaking Lumapit sa akin. Naka Sombrero ng Pang Cowboy. naka Polo Longsleve at Cowboy talaga ang dating. "Nakilala rin kita sa wakas at Natutuwa ako na nandito ka." Sabi nito sa akin na May hawak na Tabako. "Magandang Hapon Po sa inyo tay," Pagbati ko dito medyo halata kasi na may edad na yun siguro mga 60 plus mga ganun. "Aakyat pala kayo bukas doon anak, naku mag iingat ka doon, unang Beses mo pa naman na aapak ka sa Lugar na yon.." sabi niya sa akin na parang nagbibigay ng babala. "Oo nga po tay, Sinabi na po kasi nina Bong ang Tungkol doon sa bukid. kilala niyo po ba sina Pinsan bong?" Tanong ko sa kanya. Ngunit tinawanan ako... "Sino ba hindi makakakilala sa kanila..? eh Mga Opisyal yan mga yan..Basta paaalalahanan lang kita na Huwag kang Maglilihis ng Daan anak, Hindi biro ang Responsibilidad na hahawakan mo, Darating ang Araw na magagamit mo ang lahat ng Matutunan mo, Ito ang daan na magbubukas sayo sa Mga nakasaradong katotohanan dito sa mundo." at ipinatong ang kamay niya sa ulo ko. at pagkatapos ay umalis dumaan sa likod ko... "Pinsan andyan ka lang pala, na boring ka ba dito..?". Paglingon ko sa harap si Kuya bobet papalapit sa akin. " Kuya, may nakaUsap akong naka Cowboy attire at parang binalaan ako at may mga sinabi pa siya." sumbong ko kay kuya bobet. "Naka cowboy attire? Ang Maestro namin ang nagpakita sayo pinsan, Ang aking Ama." sabi nito na halatang nagulat siya sa sumbong ko.
Lumingon lingon si Kuya bobet pero hindi na niya nakita. at Nag sign of the Cross siya at may ibinulong sa Hangin.
Abangan niyo ang Kasunod nito Dahil ang Susunod na bahagi nito ay ang Mysteryong Lugar na tinatawag nilang "Bermuda Triangle".
Salamat sa mga Nagtiyagang nagbasa at nanatiling Sumusuporta sa aking Kwento.
God bless sa ating lahat Keep safe lagi mga Kaibigan.
Silent Rasta
Ps: May pahintulot ng Samahan ang mga isiniwalat ko dito, Pero Hindi ko na idinedetalye para narin sa siguridad ng Kapunongan. At Gusto ko lang ipaalam na isini share ko ito Hindi para magpasikat, Dahil hindi Ko nga Ini expose ang sarili ko ayaw ko nga magpakilala ng personal di ba?, So walang Rason para doon. Ibinabahagi ko ang kwento ko para Buksan ang kaisipan at ang Katotohanan sa nakatagong Mysteryo ng Mundo.
Dahil sa Sobrang Moderno na ng Panahon.
Nakakalimutan na ng iba na Meron Tayong Panginoon.
Respetohin po natin ang ating Pamilya at ang bawat isa.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 2
TerrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! Highest Rank : #3 in horror (03/20/2018) Consistent Rank : #6 (2018-Present) ciao /sheree