Kumusta Ulit mga Spookify Readers? MagpapaAlala lang ako Ulit na Ang mababasa niyo Sa Kwento na ito, Totoong Lugar, Totoong Nangyari, At Totoo ang Mga Tauhan at ang Mga elementong Mababangit ko. Base on Real Experience. Yun nga lang may mga Part na Hindi ko pwede Bangitin. Lalo na sa Part na may Sacred and Secret na ng Samahan.
At Gusto ko lang din ipapaAlala na Hindi ko to Ginagawa para Takotin o Baguhin ang Paniniwala niyo. Basta Wag lang Natin Kalimutan ang Salitang Pakikipagkapwa Tao at PagreRespeto. Now Start na tayo...
Matapos ko MakaUsap yong Lalaki na naka Cowboy attire na Bigla nalang nawala at Tiempo pa na Dumating si Kuya Bobet. Sinabi niya na yun daw ang Ama niya. Bumalik siya sa Bahay non at Nagpa ewan lang ako non sa kinauupoan kong Duyan sa may Puno. At nong tumayo na ako Pumunta ako doon sa May tindahan, yong Sinabi kong nagpapaSine sa Labas kasi ng DingDing ng Tindahan na yun May BlackBoard na May nakaSulat na Chalk lang ang Gamit, Now Showing Tas Title nong ipapalabas. at dahil tindahan nga iyon ay Bumili ako ng SoftDrinks at Napakabait ng Mag asawang May ari. Napansin ko rin maiingay yong Loob dahil sa palabas at mga Bata halos ang mga nanood. Nakipag kwentohan yong may mga ari ng tindahan sa akin, Tinatanong nila kung taga saan ako. Nagulat sila nong sinabi kong Pinsan ko sina Kuya Bobet. "Kamag anak ka pala nila? Ang swerte mo dahil tinuturing ng samahan na mga Royal blood ang Pamilyang yan. Ikaw ba naman maging Anak ng isang Maestro, teka baka kakilala ko mga Magulang mo kasi lahat ng Kamag sa ama nila Bong ay kilala namin, Anu ba mga Pangalan ng mga magulang mo, Kapatid..?" Tanong nong Babaeng may Ari. at nong sinabi ko ang mga Pangalan ng aking mama at papa. Kilala nila Mama ko, Dahil ang Ama ng aking ina ay Dati daw Membro ng Samahan Nahirapan akong paniwalaan yon pero nong Binangit niya ang pangalan ng Lolo ko ay Naniniwala na ako, at mas natuwa ako nong pinangalanan pa ang mga kapatid ng mama ko kilalang kilala nila ang pamilya nina mama kasi Noon daw buhay pa ang Lolo ko lagi daw active ito sa kapunongan at close na close pa sila ng Maestro bata pa daw ang mama at mga kapatid niya ay naglalaro sa lugar na ito. Dahil doon Naisip kong Alam ng mama ko ang samahan na ito. Pero bakit Hindi niya ito Naekwento sa amin, Tinatago yata ng mama ko ang Tungkol sa lihim na samahan na ito. Siguro may Dahilan si mama bakit niya nilihim ang tungkol sa Samahan na kinabibilangan pala ng Lolo ko dati.
"Isa sa mga kanang kamay ng Maestro ang Lolo mo, Naalala ko pa dati Nong Tinambangan sila sa butuan Taong 1950's Isa ang Lolo mo sa mga taohan ng Maestro na nakipag Laban sa mga Rebelde. BaLa laban sa Kawal ng Diyos, Napaatras nila ang Mga Rebelde dahil Gumamit ang maestro ng mga Mababangis na Hayop at mga Insekto ang Ginamit. at ang nakakaMangha pa doon ay Lahat ng Sibilyan na Nadamay at nasugatan ay pinagaling ng Maestro, kaya Dumami ang Mga taga Suporta niya at nag pasa pasa na ang mga Membro sa pamilya na patuloy pa rin ang pagsunod sa Kanya." kwento ng May ari ng Tindahan sa akin. "Wala po bang Nakaka Alam kung paano Gamitin yong Pagtawag sa mga insekto at mga mababangis na hayop? Kasi sa Panahon ngayon Marami ng mga Rebelde sa mga kabukiran na nanghahasik ng Krimen," Pagtatanong ko sa May ari ng Tindahan. "Meron iilan sa mga membro ang nakaka alam noon, At nanatili itong Lihim. Hindi na kasi ito itinuro mag mula nong may nag aklas sa Kapunongan at Gumawa ng kanilang Sariling Samahan. Alam mo ba ang mga 'ilaga' sa lanao del norte? yong mga kumakalaban sa mga Milf? na usap usapan na may mga anting anting. Ang Leader nila dati (hindi ko papangalanan.) ay isang membro ng kapunongan. Nong Namatay na ang maestro ay nag Aklas ito at Gumawa ng sarili niyang mga Tauhan. Ginamit nila ang mga dasal na may basbas ng Diyos. Pero Hinayaan na ito ng mga kasama ng Samahan Dahil Hindi naman nila ginamit sa kasamaan, Sila pa nga ang mga tumutulong sa mga Sundalo sa pakikidigma Laban sa mga Rebelde.."' Pagpapaliwanag ng may ari ng Tindahan, Sinabi rin niya na ang Pangalan ko (real name ko talaga..) ay kinuha sa pangalan ng isang Kawal na Anghel kaya pala hindi Common yong Real name ko dahil ang Tama ang sinabi ng may ari ng Tindahan yong Lolo ko ang Nagbigay sa akin ng Pangalan . Marami pa kaming napag usapan non pero ito lang ang isisiwalat ko. Kasi ito yong nagbigay ng Highlight sa Usapan namin. Maraming Marami akong mga natuklasan na mga napaka hiwaga sa aming kwentohan. Naputol lang yong kwentohan namin Dahil bumaba ang pinsan kong Bong at tinawag ako para sa Kumain ng Haponan. Hindi ko namalayan ang Oras antagal pala naming nag kwentohan napasarap kasi ako sa topic namin. at masasabi kong Nabuksan ang aking kaalaman. Nong Nasa haponan na kami, Tahimik kaming kumain at nong matapos kami ay nagpahangin kami sa labas nina Kuya bobet, Bong at ate bening pati ang tatlong membro ng Kapunongan. Naitanong ko sa kanila ang mga sinabi ng May ari ng Tindahan. Baka kasi imbento lang ang iba doon. pero Confirm Totoo lahat yun, at naging Topic sa aming kwentohan Bakas ang pagka mangha ng tatlong membro na nakikinig at lalo na ako. syempre tinuturing palang royal family ito ng mga kapunongan ang mga nagsiwalat na ng kwento. Pagkatapos non natulog na kaming Lahat. Dahil maaga pa daw kami bukas sa paghahanda sa pag akyat ng Bundok.
(fast forward)
Maaga kaming nagising at naghanda na kami sa Pag aakyat ng Bundok. Nag agahan kami at pagkatapos ay Pumasok muna kami sa Malaking Chapel, Habang papalapit pa lang kami nagsilabasan ang mga naninirahan sa boung comunidad at sumunod ito sa amin pagpasok ng Chapel, Doon ko Napatunayan at Naramdaman na ang mga pinsan ko ay Respetado at Tinuturing talaga na Royal Family. Nagdasal kami doon lahat at hiniling na Gabayan sa aming Tatahakin. Pagkatapos non Habang papalabas kami ay pinatunog ng isang Membro na taga doon lang din. ang nakasabit Na Metal parang ginawang kampana ng Chapel tatlong Beses itong pinatunog. Hudyat na papalabas na ang mga anak ng Maestro. Sa paglabas namin Binati kami ng lahat ng membro na kapunongan. May Magandang dalaga pa don na Kinindatan pa ako tas nag biso pa sa akin. sabay bati "Magandang Umaga kapatid". at gumanti rin ako sa Pagbati. May nagbigay pa sa amin ng isda na nakasilid sa selopin at mga prutas. Baonin daw namin sa pag akyat, Ganun daw talaga doon Nagbibigayan ang mga nakatira napakabait talaga ng mga naninirahan sa lugar na yon. Papunta na kami sa pinaka paanan na talaga ng Bundok at Bago pa kami magpatuloy sa pag akyat, Nag Orientation muna si Kuya Bobet sa amin, Tungkol sa mga bawal at Babala. " Huwag kayo magtatapon ng basta basta ng Basura doon. Kapag may basura ibaon niyo sa lupa huwag itatapon sa kung saan saan. Huwag mag iingay at Respetohin natin ang katahimikan ng lugar. Walang Signal sa lahat ng Network sa celphone doon, bawal kumuha ng picture, Kapag Oras ng Alas 6 ng Hapon Dapat nasa loob na tayo ng Bahay. May Small village doon na ang mga naninirahan ay mga kasama natin sa kapunongan. Walang Kuryente doon. pero may maliit na generator sa bahay ng Maestro. Kung may katanungan kayo, itanong niyo na." Sabi ni Kuya bobet. "Kuya bakit kapag alas 6 ng hapon ay Dapat na sa loob lang ng Bahay.?" Pagtatanong ko. "Dahil hindi lang Tao ang nandodoon, May mga Fairy din o mga diwata na naninirahan sa paligid, Kapag nagpakita ito sayo at nakaUsap mo ito Ay Malilinlang ka Dahil kaya nilang Kopyahin ang Hitsura ng Mahal mo o Pamilya o mga kaibigan mo, Yayayain ka nilang Sumama sa kanila o kayay Mag oofer sila sayo ng mga Kayamanan, pera , ginto. Pag tinangap mo ito at sumama ka sa kanila. Hindi ka na mahahanap pa kahit kailan. Walang makakatulong sayo. Di ba pinaaalalahanan ka na ng Maestro mo nong nasa Reunion tayo? Kaya Sundin mo pinsan lahat bawal at babala pag nandoon na Tayo. dahil kahit kaming mga anak ng Maestro ay Hindi ka matutulongan. IpinaAlam na yan sayo di ba. Kaya sundin mo yun."
Sagot at pagpapaAlala ni kuya Bobet, Dahil sa sinabi niya Parang gusto ko ng mag back out, Tinablan ako ng Kaba sa dibdib, pero Hindi ko na naman nararamdaman na May Panganib na paparating sa akin kaya medyo kalma ng konti. "Ah kuya yong Little village ba ay Part na ng sinasabi niyong 'Bermuda Triangle' ?." Agad kong Naitanong. "Hindi pa kasi ang Little Village ay para sa Pagdadausan lang ng 'Offering' yun yong may i Aalay na Puting Hayop at Susunugin sa Apoy at Dadasalan ng mga Membro." Sagot ni Kuya bobet. "Bakit maglalakad lang tayo kuya, Diba pwede sumakay tayo sa sasakyan mo?" Tanong ko kasi parang naramdaman kong malayo ang Lalakarin namin. "May Madadaanan kasi tayong Maliit lang na daanan at sobrang Tarik ng bangin na yun, at tanging tao at motorsiklo lang ang makakadaan." Sagot ni kuya Bobet sa akin. At Hindi na ako nagtanong kasi ako lang naman ang baguhan na aakyat doon yong tatlong membro alam na yata ang patakaran sa ibabaw ng Bundok. Bago pa kami mag simula mag lakad Nag dasal ulit ang Lahat..at nong lumuhod sila sa lupa ay lumuhod na rin ako. At Hinalikan ang Lupa. Na ang pagpapahiwatig ay Rerespitohin namin ang Kanyang Lugar at Tangapin kami na walang Problema na sasalubong sa amin. Pagkatapos non Nagsimula na kami sa aming paglalakbay. Tahimik namin tinahak ang daanan na paitaas. Nong halos mag 2 Hours na kaming naglalakad Hindi man lang ako nakakaramdam ng Pagod. Mararamdaman mo talaga na kakaiba ang Bundok na ito. Malamig na para bang nasa ibang bansa ka. May Nadadaanan kaming Mga strawberrys sa gilid ng Daan at syempre nagpapaAlam ako Bago pumitas at kainin. Hindi ako nakapagyosi kasi Baka makalimotan ko at maitapon sa daan pag maliit na. Nong mag 3Hours na kaming naglalakad , Huminto kami nong nakatapat na kami sa Mga puno ng Kawayan. May itak si Bong sa bag niya at kumuha siya ng Kawayan at nilagyan niya ito ng Bigas at tubig. Ako naman nautusan mag siga ng mga tuyong kahoy na nasa mga gilid gilid lang ng daan. Nagsaing kami, at yong isdang binigay sa amin ng taga doon sa ibaba. Niluto rin namin "Sinugba". Nong maluto na lahat. kumuha kami ng Dahon Talisay at yon ang ginawa naming plato. Nagdasal at kumain kami na nagkakamay lang sa lilim ng puno. 30minutes na pahinga. Nagpatuloy na kami ulit sa paglalakad, At nong Marating na namin ang little village. Napakagandang tanawin. kaya pala tinawag na little village kasi Sampu lang ang bahay na nakatira dito, Kabilang na ang bahay ng Ama nila. at may malaking Chapel din. Doon muna kami sa chapel Dumiretso nagdasal kami ng pasasalamat dahil nakarating kami ng matiwasay at maayos. Pagkatapos namin doon papunta na kami sa bahay ng Maestro. At Sinalubong din kami ng mga taga doon sa little village. Napakabait din nila, Wene Welcome nila ako at ang mga pinsan ko. At may mga Magkakaibigan doon na mga binata at dalaga. Binibiro pa nila ako, Si Bong ang tinawag nila at Gusto daw sila makipagkilala sa Bagong dayo. At may nirereto yata sila sa akin, ngunit natatawa lang ako kasi tinutulak nila yong babae. Nong Nakapasok na ako sa bahay. Simple lang Ang nasa loob, Nakita ko rin na may maliit na generator sa may balkonahi, naka hang kasi yong bahay, may silong ito na ang nasa ilalim ay mga pangatong na kahoy. Nagpaalam ako kay Bong kong pwede ba akong mag yosi pero di ko itatapon ang sigarilyo pagkatapos ibabaon ko nalang sa lupa. Pumayag naman siya basta wag lang ako magkalat., Habang nasa balkonahi ako at si Bong. ang ibang kasama kasi namin nagpapahinga sa loob. Kami ni bong Kwentohan sa labas habang nagyoyosi ako. naitanong ko saan banda ang Bermuda triangle. At itinuro niya ang daan papunta doon, at makikita ko mula sa balkonahi ang kinaroroonan nito. Habang tinititigan ko ang lugar na kinaroronan ng Bermuda Triangle ay Ramdam ko ang Mysteryong nakabalot sa lugar na iyon. Sa balkonahi pa lang Mahahalata mo ng Masukal at Natatakpan ito ng mga malalaking Puno. At may Mga ulap na nakapalibot dito.
Pagsapit ng alas 6 ng hapon, Pumasok na ako at wala ng tao makikita sa Paligid, Tahimik at tanging mga langikngik ng mga insecto ang iyong maririnig. Lalong Lumalamig ang Paligid, Napaka aga namin kumain ng Haponan at Nagpahinga sila lahat. Pina andar na ni Kuya bobet ang Generator na nilalagyan ng gasolina para Gumana. ang ingay nito ang pumapaibabaw sa boung little village. ayos lang naman daw ang ingay nito kasi makina naman ang bawal lang ay ang magsisigaw ka at Magmumura doon. Ngunit dahil sa talagang binigyan ako ng pagsubok at nakalimotan ko ang babala. Nag yosi ako sa balkonahi non at naitapon ko ang yosi sa ibaba. at nong maalala ko ay dali dali akong pumanaog para kunin ito. Pero nagulat ako dahil may Magandang dilag na babae ang Pumulot dito. Napakaputi niya at maamo ang mukha, Nakakaakit talaga ang Hitsura niya. Hindi ako naka imik at natulala lang ako. "Sayo ba to?" Tanong ng Magandang babae. "Pasensiya na nakalimutan ko lang na bawal magtapon dito ng basura." Agad kong naisagot. "Isa ka pa naman sa Mga kawal ikaw pa tong Pasaway.." Nagalit ang Magandang Babae at Nagsalubong ang mga kilay niya. pero imbes na Matakot ako sa kanya, lalo siyang gumaganda. at Humingi nalang ako ng Patawad, Pero bigla itong nag iba ng Anyo Ginaya ang Mukha ng Mama ko. "Tara at umuwi na tayo.." Sabi niya sa akin. pero naalala ko ang sinabi ni kuya bobet na may mga Fairy na gumaya daw dito ng anyo. kaya Hindi ako nagpadala sa kanya kahit sino pa gayahin niya. At hindi ko inexpect ang sunod niyang ginaya ay ang mukha ni partner na. kaya Natakot na ako at dahan dahan na umaatras pero nakatingin parin ako sa kanya, at dahil natalisod ang paa ko sa bato na naapakan ko ay sa lupa na ako nakatingin. at dali dali ko ibinalik ang pagtingin sa kanya, Ngunit nawala na siya. kaya Lumingon na ako para umakyat ng Biglang...
Nasa Harap ko na pala at yong magandang Babae na mismo ang Hitsura niya. "Bakit mo ba ako tinatakasan? ikaw pa tong may kasalanan, ayaw mo pa akong samahan..Pagbabayarin kita sa kalapastanganan mo.." pagkasabi niya ay nilalapit niya ang mukha niya sa mukha ko na para bang hahalikan niya ako sa labi. Hindi ako makagalaw at tila ba may humahawak sa Mga kamay ko. pero may Sumigaw mula sa itaas ng Balkunahi. "itigil mo yan sa ngalan ng aking Ama..!" si Ate bening ang sumigaw.. Tumakbo ang Babae papalayo sa akin. At nakahinga ako ng maluwag tsaka ko naibalik sa pagalaw ang katawan ko. Dali dali akong Umakyat at Humingi ng patawad kay ate bening sa pagsuway ng Mga babala at patakaran. Agad naman akong inintindi ni ate bening at pinapasok na sa loob ng bahay.
Abangan ulit Ang karugtong ng Kwento. Pasensiya na kung nabitin kayo ulit, Nalalapit na ang Finale nito kaya Wag na kayo Magtampo. Salamat ulit sa Pagttyagang pagbabasa kahit sobrang taas ng kwento. Para sa inyo idedetalye ko, Salamat at hanggang sa muli,
God be with Us Always..
Silent Rasta
Ps: Respeto sa lahat ng magbabasa at sa admin ang ating pairalin.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 2
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! Highest Rank : #3 in horror (03/20/2018) Consistent Rank : #6 (2018-Present) ciao /sheree