His Intention

1.4K 22 3
                                    


Ako yung tao na sinasabing nabiyayaan ng kakayahan na makakita ng mga bagay o nilalang na di nakikita ng iba. Opo, mula pagkabata sanay ako na nasa mundo ko sila. Kung tutuusin kaya ko sigurong bumuo ng mga libro pag nag-compile ako ng mga horror stories na naranasan ko mismo, pero eto po magkukwento ako ng isa. Medyo mahaba po.

Way back February 2015. Kakauwi ko lang galing sa office at dumiretso ako sa computer shop na malapit lang sa bahay namin dahil nandun ang buong tropa at nagdodota (Kahit po babae ako, kalaro nila ako). Kalagitnaan ng game ng naramdaman ko na ihing-ihi na talaga ko pero nagkataon na walang tubig sa cr ng shop kaya yung isa kong barkada isinuggest na dun na lang ako mag-cr sa cr ng boarding house nila. Malapit lang naman sya sa shop na pinaglalaruan namin, pero yung cr na yun is a common cr para dun sa boarding house kaya nasa labas sya at may papasukan na parang eskinita at may nakaparadang side car sa may bukana nun. Dahil no choice kasi ihing-ihi na ako nanakbo na ko papunta dun sa cr, habang nasa loob ako may naramdaman akong mga yabag sa labas. As in madami at maingay, akala ko that time sinundan ako ng mga tropa ko at tinatakot ako kasi medyo creepy yung cr na yun. Ang naririnig ko e mga yabag ng paa na parang nag-uunahan o nagtutulakan pabalik-balik sa harapan ng pinto ng cr at tagiliran kaya sumigaw ako "Hoy mga bwiset! Mga nanakot pa. Takutin nyo lelang nyo!" Pagsigaw ko nawala bigla yung mga yabag at ako naman eh dahan-dahang binuksan yung pinto ng cr dahil huhulihin ko sila pero pagbukas ko malakas na hangin lang sumalubong sakin. Nagkibit-balikat na lang ako at bumalik sa shop, tinanong ko sila pero sabi nila walang sumunod sa akin kahit isa sa kanila dahil nga kalagitnaan ng game sa dota.

After 2 days nakaramdam ako ng masakit sa paa ko tapos mamula-mula sya, di ko pinansin. Akala ko kasi normal na bugbog lang ng paa. Nung gabi ding yun di ko alam kung anong nakain namin at yung tropahan namin e nagkwentuhan ng nakakatakot. Usually ako ang bangka sa kwentuhan kasi ako nga ang maraming nakikita at nararamdamn pero during that time tahimik lang ako. Iba na kasi nararamdaman ko. Di ko ma-explain pero iba talaga hanggang sa nagkayayaan  ng mag-uwian at kanya-kanya na kaming direksyon. I was with my boyfriend pero ako liliko at sya didiretso at sabi ko huwag na akong ihatid. Habang magkasabay pa kami dadaan kami dun sa eskinita papasok dun sa may cr, nakatingin ako sa kanya tapos sya napalingon dun sa may nakaparadang side car tapos bigla kong nakita yung reaction nya na gulat at takot sabay sabing "Nakita mo yun?!" "Pula mata, mahaba tenga nakangisi sa akin!" Takot na takot sya nun kasi kitang-kita ko din talaga sabi ko na lang "ano ba, huwag mo na masyadong pansinin." Hanggang sa dumating na yung likuan papunta sa amin at nagpaalam na ako sa kanya. Madaming aso sa amin at sanay na akong na tinatahulan ako pero pag patuloy naman ako na naglalakad sila yung naatras. Ayun, habang naglalakad ako tahulan yung mga aso ang ipinagtataka ko lang naglalakad papunta sa akin tapos biglang ring ng phone ko pagsagot ko yung boyfriend ko pala tapos sabi nya "Hindi nga, nakangisi sa akin ____, nakakakilabot." At pinaulit-ulit nya yung nakita nya sumigaw na ako na "Ano ba?! Tigilan mo nga yan!" Tapos pinatay ko yung tawag. Hindi ako matatakutin pero that time nakaramdam ako ng takot tapos tinatayuan ako ng balahibo. Yung mga aso galit na galit yung talagang pag tinignan mo nagngangalit at palapit unti-unti sa akin dahan-dahan ako naatras hanggang sa napatapat ako sa street lights and shit, 6 yung anino ko. oo. Anim. Alam ko sa sarili kong may kasabay na ako nun pero di ko sya nakikita pero nararamdaman ko. Naatras lang ako ng naatras kasi baka pag tumakbo ako habulin ako nung mga aso hanggang sa may padating na side car na nagkataon kapatid ko yung sakay kaya nakisakay ako dahil dulo pa yung bahay namin.

After 1 week mas lumala yung maga ng paa ko, this time abot na hanggang tuhod tapos 2 paa na. Pagdating ng mga 6 pm di ko na sya mailakad talaga. Gustong-gusto ko ng pumunta sa albularyo kasi dumating sa point na di na ako nalabas ng kwarto kasi di na ko makababa ng hagdan. Ang ginawa ni mama pinapunta yung tito ko sa albularyo at sabi nung albularyo namatanda daw ako at may pinapahid na oil sa paa ko, pagkapahid nakalakad ako medyo di na masakit. Akala ko okay na, na ilang araw pa di na talaga masakit pero pagdating na naman ng gabi mas dumoble na talaga yung sakit. Sa kwarto na lang ulit ako nung gabing yun at di ko namalayan na nakatulugan ko yung tv. Nagising ako ng mga 1am at ang palabas pa nun e Walang tulugan - Yung tv nasa tabi ng bintana at wala lang sa akin kung bukas yung bintana kasi mas presko - paupo akong lumapit sa tv kasi di nga ako makalakad, pag naman kasi nakaupo sa dulo ng kama ko e abot na yung tv. Pag pindot ko ng off sa tv napalingon ako sa bintana at may nakita akong lalaki, naka-white tapos nakangiti sa akin. Nagtaas pa nga ng kamay na parang nakaway at tumango, ako naman e tumango din tapos nakita ko na paatras sya palayo sa bintana. Nung nakahiga na ko ulit at napatingin sa bintana bigla akong kinilabutan, Sino ba naman kasi yun e ala-una ng madaling araw, punuan yung likod bahay namin and worst, 2nd floor yung kwarto ko kaya paano ko sya makikita dun? That time nagsisigaw ako hanggang sa marinig ni mama sa kabilang kwarto at inalalayan ako papunta sa kwarto nya kasi takot na takot na ako. Mula nung gabing yun, lagi kong napapanaginipan ang lalaking yun. Kahit tanghali ako makatulog o gabi pero nakangiti pa din sya sa akin.

Hanggang sa si mama e nakahanap na ng magaling na albularyo at pahirapan pa bago ako makarating dun, yung parang pinipigilan ka talaga as in di ako makalakad na parang may nakadagan na mabigat na mabigat na bato sa paa ko kaya binuhat na ako. Nalaman namin na tikbalang pala yun at gustong-gusto akong kunin. Yung nakita ng boyfriend ko na nanlilisk na pulang mata, mahabang tenga na nakangisi bago ko makita yung lalaki is yung tunay na anyo nya at pag ako naman e lalaki ang nakikita ko. 2 linggo din akong pinahirapan nun pero I'm glad na hindi na sya ulit nagpakita sa akin.

SL
Calamba Laguna

Scary Stories 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon