Ambulance

1.1K 23 0
                                    


Magandang gabi. Sabi ko nga nuon, isa akong ER Nurse noong sa Pilipinas pa ako nagtratrabaho. At bilang isang ER Nurse, ikaw ang sasama sa mga byahe ng ambulance kung may ihahatid kayo na pasyente sa ibang mas malaking ospital. Maliit lang kasi ang hospital namin at hindi kumpleto sa gamit. Wala rin kaming ICU kaya kadalasan nire-refer namin ang mga malulubha sa ospital sa syudad. 2 hours pa ang byahe ng ambulance bago mo marating ang syudad kaya minsan pag inatake ang pasyente sa loob ng ambulance, mahaba-habang CPR din ang gagawin mo kaya di talaga maiiwasan na may mamatay sa loob ng ambulance.

Isang araw, mga bandang 2am na, may isinugod sa ospital namin na wala ng malay at wala ng pulso. Pero na-revive naman namin si tatay at nag-stable na ang kanyang vital signs, dali na namin syang binyahe papuntang syudad sakay sa ambulance at ako ang medical escort nun. Malapit na kami sa destination namin ng biglang inatake na naman si tatay kaya nag-CPR na naman ako, buti na lang buhay sya nung dumating kami sa ospital. Pagkatapos kong ma-endorse si tatay sa mga doktor at nurse dun ay umalis na kami. Dalawa lang kami sa ambulance nun, ang driver at ako. Syempre nasa front seat na ako nun katabi ng driver nakaupo kasi wala ng pasyente.

Kalagitnaan ng byahe, bigla kong narinig na may umiiyak sa likod, babae at papalapit ng papalapit ang iyak sa gilid ko. Wala akong nakita kasi nga close na ang third eye ko that time, pero nararamdaman ko talaga na mayroon kaming kasama. Napansin ko ang driver na nanginginig at pawis na pawis kaya tinanong ko sya kung anong problema. Sabi nya may nakikita daw sya sa rear view mirror na babae na duguan sa likod, lumalapit daw ito at sa kasalukuyan ay nasa gitna naming dalawa.

Tinanong ko sya kung namumukhaan ba nya, sabi nya di nya makita ang mukha kasi puro dugo ito. Pero nakikilala daw nya ang damit, ito raw yung babaeng sinugod namin nuong nakaraang linggo sa ospital na naaksidente sa daan. Di na kasi umabot ng buhay sa ospital ang babaeng yun. Sabi ko na lang na mag-concentrate na lang sya sa pagmamaneho at wag na nyang pansinin ang babaeng yun. Di pa rin natigil ang iyak hanggang sa nakabalik na lang kami sa ospital namin.

raptours

Scary Stories 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon