Narinig ko lang ito sa isa kong kaibigan/katrabaho sa company last year. Wala akong idea sa date na ito pero iyon nga since nagkwento sya na malas nga daw ang petsang ito.Naalala ko tuloy yung na-experience ko dati habang nagtatrabaho kami.
Dahil nga na-open-up na nya about friday the 13th, so tuloy-tuloy na yung sharing namin ng nga kwentong katatakutan na lagi naman namin ginagawa. Iyon nga lang napapansin namin bakit natatapat lagi sa araw ng biyernes o martes kapag nagkukuwentuhan kami ng mga creepy.Tatlo kami magkakasama lagi sa department namin. Yung pwesto namin nasa labas ng building. Yung ibang department naman nasa loob.
Dahil isang warehouse ung pinagtatrabahuhan namin, nakapaligid sa amin ung mga nagtataasang nakasalansan na mga carton ng items.Napapalalim na noon ang kwentuhan naming tatlo at syempre kapag feel mo yung kwento ay hindi mo maiiwasan yung panindigan ka ng balahibo kahit nakikinig ka lang o ikaw na yung nagkukwento.
Nandiyan ung feeling na parang nanlalaki ung head mo at feeling mo may kakaibang presensya na nakikinig o naroroong kasama nyo.
Sa kaseryosohan ng kwento ng kasama ko (si Marlon) may biglang nagsilaglagan na mga carton sa bandang likuran namin, mga 6 meters ung layo sa amin. Kasabay ang kalansingan ng mga items na nabasag. Sa parteng un medyo madilim-dilim kasi pundido ung bumbilya na nakatapat doon. Pareho kaming nagulat pero idinaan na lang namin sa tawa dahil sa kagagawan ni Atong - isa mga ksama namin na napatakbo palapit sa amin dahil sa pagkagulat, sya kasi un mas malapit sa bumagsak, sya ung matatakutin sa aming tatlo kasi sya mahilig magkwento sa amin ng kung anu-anong imahe na nahahagip ng paningin nya sa warehouse namin.Totoong may kwento ang warehouse na malimit kong naririnig about sa bata na nasa ikalawang palapag, sa mga yabag na maririnig kapag nag-iisa kang maglakad sa gabi sa malawak na loob nito, pero di ko pa nakita o naramdaman mga sinasabi nila kahit mag-isa lang ako maglakad sa mahabang pasilyo nito, nararamdaman ko lang yung katahimikan at konting fear na pumapasok sa isip dahil sa kwento na khit yong ilang ka-work ko n bukas ang third eye ay nagpapatunay na nakikita nila iyon kung saan malimit naroon.
5:00 pm pa lang noon nang magpaalam si Atong sa akin na uuwi na siya kasi may lakad sila ng asawa nya dahil wala naman gaanong gagawin. Sumabay na siyang umuwi sa ibang department. Kami naman ni Marlon ang naiwan at patuloy lang kwentuhan namin pero mga 6pm nagpaalam na rin siyang uuwi kasi daw aabutan na naman siya ng traffic sa daan, that time ay nag-aagaw dilim na. Ako naman nagpasyang 7pm pa uuwi dahil alam kong yung nasa department 1 ay di pa nag-uuwian at doon na ako sasabay.
Mga 5 minutes ng nakapagpaalam sa akin si Marlon pero maya-maya nagulat ako ng bumalik siya. Napansin ko na lang siya mga dalawang dipa na lang ang layo niya sa likuran ko habang papalapit sa akin. Tinanong ko kung bakit siya bumalik,sagot nya dahil daw wala akong kasama, wala daw kakuwentuhan. Sabi ko naman na ok lang ako, sanay naman ako na nahuhuling umuwi lagi. Ang katwiran niya lang mag-o-ot na rin daw siya. Napangiti na lang ako dahil nakita ko na siya knina na papalabas na ng gate habang chini-check ung bag niya ng guard.
Ayon patuloy ang kwentuhan naming dalawa, horror pa rin ang topic habang patuloy na gumagawa. Hindi naman kmi matatakutin masyado pero kapagkaminsan umiiba rin ung pakiramdam namin lalo't napag-usapan namin yung tungkol sa nagpaparamdam sa warehouse namin. Naulit na naman ang nangyari kanina, may isang kahon na namang bumagsak pero mababa lang naman kaso sa kbilang side naman ito. Sabay kong naramdaman ung tila ba may presensyang umiikot sa amin na sumasagi sa katawan ko at sa may side ng pwesto namin na gustong titigan ng mga mata ko pero di ko magawang tingnan ng matagal. Tinanong ako ni Marlon kung may nararamdaman daw ba akong kakaiba. Natawa ako ng bahagya at ibinalik ko sa kanya ang tanong niya, napangiti nalang siya sabay sabi,
"hayaan mo lng sila...wag kang matakot,hindi nman sila nang-aano."
Seryoso nitong sabi tapos maya-maya nagpaalam na naman sa akin na mauuna na sya.10 minutes pa bago mag 7pm inimis ko muna mga kalat bago ko nilisan ung pwesto namin habang inaabangan ko ung nasa ibang department sa paglabas nila ng warehouse. 1 minute na lang pumunta na ako sa guard house para mag-logout. Bago ako nakarating doon nasalubong ko ang supervisor namin galing office na kalapit lang ng guard house. Nagulat siya ng makita ako, tinanong kung bakit nandoon pa daw ako eh knina pa daw 6pm nagsiuwian mga kasama ko maging ung nasa ibang department.Nagtaka ako sa sinabi ni boss sabay silip sa loading part ng warehouse kung saan makikita ang loob nito. Patay na nga ang mga ilaw tanda na wala ng tao sa loob. Nakita ko si boss patungo na sa bahay nila, kaya dumiretso na ako sa guard. Tinanong ko kung wala ng workers na naiwan.
Ganun din sagot niya, 6pm pa daw nagsilabasan na. Kanina pa daw niya ako tinitingnan ba't daw di pa ako umuuwi eh mag-isa na lang daw ako sa pwesto ko. Kinatwiran ko na may kasama pa naman ako gumagawa - si Marlon nga at kakaalis lang niya. Sabi ng guard nag-out na daw ito ng 6pm kasabay ng karamihan. Sabi ko na bumalik siya. Ayon nga sinamahan pa ako tapos umalis kani-kanina lang. Natawa ang guard sinabi niya na di na bumalik si Marlon, kung bumalik man dapat alam nya. Ipinakita niya pa sa akin ang log book, my time out nga ni Marlon. Kung pumasok man ito ulit dapat na-i-record niya. At wala naman daw lumabas kahit sino simula ng i-lock nya ang gate ng 6:15pm, ako na lang daw hinihintay nya na lumabas.Hindi ko na naikuwento sa gwardya na totoo ang sinasabi ko at di ko ipinilit na kami pang dalawa ni Marlon ang gumagawa ng magkasama.
Kinaumagahan, agad kong kinausap si Marlon tungkol sa time ng pag-uwi niya at pagbalik. At doon ako nagulat nang sinabi nya na umuwi na siya ng 6pm at di naman na siya bumalik pa. Ikinuwento ko sa kanya yung nangyari nung gabi na yun na hindi niya rin mapaniwalaan. Tanging sabi niya baka daw pinaglalaruan ako ng mga eapiritong nandoon lalo na't malakas daw ung presence nila kapag Friday.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 2
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! Highest Rank : #3 in horror (03/20/2018) Consistent Rank : #6 (2018-Present) ciao /sheree