Sta. Mesa Station (Part 2)

1K 26 0
                                    


Ang kwento ko ngayon is yung kwento ni Manong Guard. Bukod daw kasi sa dalawang batang multo na nakita ko sa riles na nakikita niya rin, may ibang multo pa daw ang nagpaparamdam/­­nagpapakita sa Sta. Mesa Station. Tuwing umaga daw bandang 5am to 6am, minsan daw ay makakarinig ng batang lalaki na umiiyak sa may bandang mga upuan. Kahit daw yung ibang nagtatrabaho dun ay naririnig din daw yun pero di nila alam kung san nanggagaling, dahil kung sa may mga bahay daw galing ay masyado nang malayo para marinig ng ganun kalakas. Isa din sa mga nagpapakita bukod sa dalawang bata na nakita ko sa riles ay yung white lady na nasa riles din, sa riles na patungong tutuban sa may bandang dulo daw siya madalas nakapwesto, madalas tanghali daw siya nagpapakita. Katulad sa dalawang bata, pag nadaanan na daw siya ng tren dun lang din daw siya biglang mawawala. Walang may alam kung anong dahilan ng pagkamatay ng white lady, sabi nila baka nasagasaan din daw ng tren. At ang pinaka kinatatakutan niya daw ay yung lalaking duguan yung mukha. Construction worker daw yun na nahulog sa tinutungtungan niyang kahoy matapos aksidenteng mahulog habang nire-renovate yung bubong sa may platform. Una daw yung mukha niya nung nahulog kaya siya duguan. Dead on the spot yung construction worker after niyang maaksidente. Sikreto lang daw yun ng Sta. Mesa Station, wala daw ibang nakakaalam nun bukod sa mga nakakita ng aksidente. Sobrang madalang lang daw magpakita ang lalaking duguan ang mukha, pero pag nagpakita daw ay sobrang nakakatakot, puro dugo daw talaga ang mukha niya tapos tabingi yung ilong. Minsan di mo daw aakalain na multo siya dahil nakikisabay pa sa mga pasahero. 2 lang daw silang nakakakita sa lalaking duguan dahil may third eye daw sila.

JC

Scary Stories 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon