Hi Spookify admins and readers. First time ko pong magpo-post dito kaya sana po ay mapost ito. Gusto ko lang mai-share ang aking karanasan. Thank you!This is a true story.
Let's do this! Ako si Jeje (not my real name). Share ko lang ang pangyayari ko nung OJT pa ako sa isang hotel dito sa cebu. Maraming nagsabi sa amin na meron daw bata o pamilya ng bata na palaboy-laboy lang sa hotel na yun. Pero di kami naniniwala kasi alam ko tinatakot lang kami kasi baguhan kami na ojt pero bawat sakay namin ng elevator ay babantaan kami na "meron bata ha or mama o papa sa bata". Pero di ako natatakot kasi sanay na ako meron kasi akong third eye, namana ko yata kay mama. Nakakaramdam ako o nakakakita pero mostly nakakaramdam lang talaga ako. *fast forward* eto na nga, nagse-set up kami mga co-ojt ko para sa function bukas, nagre-ready kami para hindi na kami masyadong busy bukas. Yung iba nagse-set up ng tables at kami ay nabibilang nga chairs kasi 150 pax bukas at kailangan din naman maghanda ng 150 chairs so ayun nga nagbibilang ako pero sakto pag kuha ko sa upuan ay saktong-saktong nakita ko yung bata na naglalaro at nagpatago-tago ito at nagpalusot-lusot sa upuan tapos biglang nawala. Kinabahan ako pero di ko sinabi sa kasamahan ko maliban sa isa kong kaibigan. Natakot siya pero sinabi ko lang na nawala na yung bata. Di lang ito ang aking karanasan sa hotel. May isa pa, naka-assigned ako sa isang function room sa hotel at ako lang mag-isa ang magha-handle nito kaya maaga ako nag-login. 6AM ang in ko sa hotel, fastforward na, yun nga nagpe-prepare na ako ng mga highball glass, coffee cups at underliner, hinugasan ko nung oras na yun ang underliner at tsaka ang mga coffee cup sa bar. Pero nang biglang may nakita ako sa may left side ko na paa nang isang lalaki, ang laki nang paa niya, parang nakatingin siya sakin pero binalewala ko lang at di ko siya tinignan at naglaho sya. Hindi ako natakot kasi kapag natakot ka mas lalo ka niyang tatakutin. Kaya pagkatapos ko maghugas ay pumunta ako sa kusina para maghanap nang underliner kasi kulang pa. Pero pagpasok ko sa kusina ay bilang umandar ang machine na panghugas ng plato. Hindi naman yun automatic na aandar kasi kailangan pa yun pindutin para umandar yun. Kaya nagtaka ako at binalewala ko nalang pero deep inside natakot na ako. Kaya nung nagsimula na ang function o seminar, merong public attendant na naglinis ng cr at kinuwento ko yung pangyayari at sinabi lang nya sakin ay "pinaglaruan ka ng tatay nung bata". Kaya di nalang ako nagtaka. At meron pang isa, lumipat na ako nang ibang department which is pastry naman, kasi banquet ako dati eh. *fastforward* ako lang mag-isa sa pastry bandang 4:30PM kasi yung ibang kasama ko ay tumulong na mag-set up nang desserts sa baba para sa dinner buffet at yung pastry chef namin ay may dinala sa office ng executive chef. Kaya ako lang naiwan dun kasi may ginagawa ako para maka-out nang maaga pero nung nag-mix na ako nang mixture ay may nakita akong babaeng nakatalikod sa chocolate room at nakayuko lang. Kaya natakot ako at sakto na dumating yung baker kaya nawala yung takot ko at nawala din yung babae. Para sakin feel ko na nanay yun nung bata. At hindi lang ako ang nakakakita sa babae pati din yung kasama ko sa pastry ay nakita din yung babae at dinescribe ko yung babae at yun din ang nakita nya.
At yun lang ang experience ko sa hotel nayun. Maraming mga employees na ang nakaranas ng kababalaghan sa hotel nayun at binalewala lang nila dahil sanay na daw sila lalong-lalo na sa bata na pinaglalaruan daw sila kapag maglilinis sila sa room bigla nalang daw susulpot ang bata sa kwarto at magpapakita at bigla lang din mawawala. Hanggang sa natapos na ang aking ojt ay di ko pa rin alam kung bakit nadoon yung pamilya sa hotel nayun.
Salamat sa pagbabasa. Pasensya na sa grammar ko.
Jeje
Cebu city
BINABASA MO ANG
Scary Stories 2
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! Highest Rank : #3 in horror (03/20/2018) Consistent Rank : #6 (2018-Present) ciao /sheree