3rd Floor

1.1K 21 1
                                    


I am from Pureza, Sta. Mesa, Manila. This month (Jan 2016) lang ito nangyari. Wala pang pasok sa UST Law nun. Since nocturnal ako, tulog sa umaga, gising sa gabi. So around 1AM-2AM usually nagpapasama ako sa Kuya ko sa Jollibee Pureza kasi bored, pagkain ang solusyon ko. Every time dumadaan kami sa Dorm na katapat lang ng likod ng Pureza Station, lagi kong nakikita itong si Girl (Est. 16-17y/o) sa window room sa 3rd flr ng Dorm, sinusundan kami lagi ng tingin habang naglalakad. Papunta sa Jollibee at pabalik ng bahay, lagi ko siyang nakikita every 1AM-2AM pag nalabas kami ni Kuya. Pag may araw at papasok ako sa school, di ko naman siya nakikita every time nadaan ako. Nangyari siya hanggang January 19 (may pasok na kami) ng ganung oras din. Mga 3AM na yun nung lumabas kami ni Kuya para mag-Jollibee din. Dumaan din kami dun and as usual, napatingin na naman ako sa taas. I told Kuya "Grabe yang girl na yan sa 3rd flr, ganitong oras nakadungaw pa rin sa bintana. Di ba marunong matulog yan? *laughs* he answered, "asan?" Then tinuturo ko while naglalakad pa-Jollibee pero di daw niya makita. Pero yung girl nakatingin talaga sa amin. So I assumed na baka ibang bahay tinitignan ni Kuya kaya di niya makita. Nung pabalik na kami, tinuro ko ulit pero di niya pa din daw makita.
The night after, pauwi na 'ko from School, bumaba ako ng taxi sa may Jollibee Pureza, nakasabay ko maglakad yung laging bumibili ng BBQ malapit sa bahay namin. Nung nasa may Dorm (kung san yung may girl sa 3rd flr) na kami, sinabi niya na dun daw siya nag-do-dorm. So ako naman, "Oh? Talaga?" Sabay tingin sa taas. Then nag-aya siya pasok daw muna ako. Eh medyo may napag-usapan na di natapos, so pumayag ako pumasok din. Habang naglalakad paakyat, napansin ko yung picture frame sa may karton na nasa tabi ng hagdan, I asked her "Sino 'to? Ano name niya?" Sabay turo sa picture frame. She smiled and said "Mamaya, sa taas." (Meaning sa taas niya sasabihin). Nung nasa kwarto na kami nila, sinabi na niya. She said "Yung sa picture frame, si Abby yun. Anak ng may-ari." Sagot ko, "Pretty niya. Lagi ko yun nakikita sa 3rd flr ng madaling araw. Ilan taon na ba yun?". She answered, "Huh? Patay na yun! 2 years ng patay yun. Nalunod sa Batangas!" Nagulat ako. Sanay na 'ko na sa mga ganyan kasi di naman yun yung first experience ko. In fact, isa lang yun sa MARAMI kong nakita. May third eye kasi ako. So para di siya matakot, sabi ko nalang "Jooooke! Ay ganun?" Then changed topic. But still, nakwento niya pa rin na sa 3rd flr daw room ni Abby nung nabubuhay pa yun.
January 22, 2016; Friday. While writing this down, kakadaan ko lang sa Dorm na yun. 3AM, nakita ko na naman siya, so instead na magpatuloy ako maglakad, I stopped. And looking up to her in the window, I said loudly "Hi, Abby!" then tumalikod siya na parang naglakad palayo sa window hanggang sa nawala na sa paningin ko. Inisnob niya 'ko, friend. Ang sakit.

PS: Pero promise, ang pretty niya and maputi. Nakakatibo. (Pero di ako tomboy.)

Third Eye

Scary Stories 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon