I'm Kevin, avid reader ako sa page na to since (2016).At gusto kong ibahagi ang kwentong nagpapagimbal sa buong bayan namin, lalo na sa mga tricycle driver na inaabot ng gabi sa pamamasada.Bakasyon na at dahil wala naman akong magawa sa bahay, napagpasyahan kong sumama na lamang sa Tiyo Berto ko sa pamamasada ng tricycle.
Maayos naman ang aming pamamasada, maliban lamang sa gabi noon March 19. Gabi na at wala ng mga pasahero sa daan. Tinahak na namin ang daan pauwi. At sa madilim na parte ng kalye ika-siyam may babaeng nagpapara sa amin. Di na nakatanggi si Tiyo Berto dahil malapit lamang daw ang paghahatiran ng babae. Nakasuot ng lumang puting bestida ang babae na tila nanggaling pa sa isang kasalan. Mahaba ang kanyang buhok, ngunit di ko maaninag ang kanyang mukha sa kadahilanang nakayuko ito sa buong byahe.
Umakma na ang dilim at nagpapara ang babae sa isang bakanteng lote, madilim at walang kahit na ano dito, bukod sa isang malaking puno ng akasya. Natulala si Tiyo Berto sa kakatitig sa lugar na yun, habang nagtataka kung bakit doon siya bababa. Naka-upo ako sa likod ng tricycle ni Tiyo berto. Nilingon ko ang babae sa aking likuran lamang. Ngunit wala ni isang bakas akong nakita. Malalaman ko naman agad kung lalabas man siya. Nakita ko din ang reaksyon ni Tiyo Berto na halatang takot na takot sa karanasang iyon. Di na nag-atubili at kumaripas na ang tricycle namin at tinahak agad ang daan pauwi.
Ayon sa ibang tricycle driver na nakaranas din nito. Tumakas daw ang babaeng ito sa kanyang kasal. Ngunit nahantong siya sa pagkagahasa ng isang tricycle driver sa bakanteng lote na kung saan daw nagpapahatid ang pasahero sa kalye ika-siyam. Marahil ay nanghihingi ito ng hustisya sa kanyang pagkamatay.
Paumanhin kung masyadong mahaba at magulo ang pagkakwento. Hinahasa ko pa lamang ang aking sarili sa pagsasalaysay.
Kevin
Iloilo
BINABASA MO ANG
Scary Stories 2
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! Highest Rank : #3 in horror (03/20/2018) Consistent Rank : #6 (2018-Present) ciao /sheree