Kumusta Spookifyers? Namiss niyo ba ang Story namin ni Buddy...? Pasensiya na kung medyo natagalan ako sa pag Update. marami kasing nangyare na kinaharap ko. naging abala ako this pass few weeks. kaya heto na babawi na ako...
Marahil nabasa niyo yong Huling Kwento ni Buddy, tungkol sa Tikbalang? Yan ang Tampok natin ngayon sa kwentong ito... Kaya ihanda ang Sarili sa isang NakakaTakot at nkakapanindig balahibong bahagi ng Kwentong ito...
Nasa Cagayan de oro pa lang ako non ng panay Txt ni Buddy sa Akin dahil nga sa Kailangan na niya ng Tulong ko. Alam kong Seryoso na si Buddy sa Pagkakataong ito dahil ramdam ko kung Nagbibiro siya o Seryoso...
Kaya Naman Bumiyahe na ako papuntang Lanao del Norte para Tulongan si Buddy sa kinakaharap niyang Pagsubok.
Pagdating ko doon sa bahay nina Buddy tanging sina Moi, Erwin, Tina, Karla at Partner lang ang naabotan ko sa sala na nag vivideoke.
"Brod napasyal ka, Di ka manlang nagtx na dadating ka ngayon. nasurpresa kami na nandito ka ulit.." Salubong ni Moi sa akin na niyakap pa ako. "Paano kasi itong si buddy panay pangungulit sa akin na pumasyal daw ako dito paminsan minsan, eh since vacant time ko kaya pinagbigyan ko na, anyway asan nga pala si buddy?" Pagsasalita ko at naitanong ko sa lahat. "kanina pa umalis yun kuya, pupunta daw ata siya sa inaanak niyang nagkasakit malala na daw kasi yun..." Sagot ni Karla sa akin. "Kumain ka muna, ipaghahanda kita sa lamesa..." Pagyayaya ni partner sa akin. "No thanks kumain na ako sa terminal sa iligan city kanina.. susundan ko nalang si buddy kasi may sadya ako sa kanya." sagot ko kay partner na naka upo na naka titig lang sa akin. "Alam mo ba kung saan naroon si buddy?" Tanong ni partner. "Hindi pero sigurado akong madali ko siyang mahahanap..." sagot ko na may kasama pang kindat sa kanya. pero sinungitan ako ni partner kasi nagsalubong kilay niya nakatingin sa akin. Tumalikod na ako at nagpaalam sa kanila lahat na aalis para sundan si buddy na ayun kay karla nasa Kumpare daw niya.
Habang tinatahak ko ang Daan naramdaman ko ang panganib sa paroroonan ko, at nong marating ko ang isang maliit na kubo na pinapalibutan ng mga puno ng niyog at kawayan, napansin kong masyadong Tahimik ang kubo naramdaman ko na ito na nga yon dahil sa kakaiba na ang pakiramdam ko habang palapit ako ng papalapit.
pagkatapat ko sa Kawayan na pintuan na nakasarado ay kumatok ako. Binuksan ako ng isang Lalaki na Namumugto ang mga mata bakas sa mukha niya ang kalungkutan. at napansin ko rin ang isang babae na nasa loob na may karga kargang bata na namumutla at di na gumagalaw.
"Anu po ang sadya mo?" Tanong ng lalaki sa akin. "Andito po ba si Buddy? Bayaw niya po ako..." Sabi ko sa lalaki pero yong paningin ko nasa bata na karga karga ng ina. Nakaramdam ako ng pagka awa at lungkot habang minamasdan ko sila. Naalala ko yong baby ko noon na Nasawi dahil sa kulam. "Nandito siya kanina pero umalis siya, doon siya dumaan sa may mga kawayan.. di ko alam saan yon pupunta..." Sabi ng lalaki sa akin na itinuro ang mga kawayan sa di kalayuan. "Pasensiya na po kung nadisturbo ko kayo. susundan ko nalang yung bayaw ko..." sabi ko sa lalaki na agad na isinara ang pinto kaya umalis na rin ako at tinahak yong may mga puno ng kawayan...
Habang Papalapit ako Puno ng Kawayan ay pasimple akong Nagdasal, Humiling din ako na sana alalayan ako ng Maestro kapag kinakailangan ko na...
Natagpuan ko kaagad ang Secretong Lagusan (Portal). napasok ko ito ng walang kahirap hirap, kahit alam kong mali ang intrada ko dahil dapat nagsindi ako ng kandila bago pumasok ay di ko ginawa dahil wala naman akong dalang kandila. pero malakas ang loob ko na ipagpatuloy pa rin ang pagpasok sa Lagusan.
Pagpasok ko ay Bumungad sa akin ang mayayabong na damo, Mga Nakapaligid na malalaking Bato na may lumot. Malangsa ang amoy sa paligid, Dahan dahan akong naglakad habang minamasdan ko ang paligid at pinapakiramdaman ko ang lugar na ito...
Isang Kweba na Nababalot ng Lumot ang nakapag agaw pansin sa akin. May naririnig akong iyak ng isang Bata, Kaya tinahak ko kaagad ito. Dahan dahan akong nagmamasid sa Paligid, kumukubli ako sa mga Bato na malalaki, habang papasok na ako sa kweba narinig ko ang isang malaking boses ng lalaki.
Nagdadasal ito ng ritwal na Pagkakaintindi ko ay Pag aalay. Narinig ko din si buddy na nag sisigaw na itigil ang ritwal...
Kaya mabilis ko sila sinisilip mula sa pinagkukublian kong malaking bato. Nakita ko si Buddy sa gilid naka salampak sa lupa. pailing iling siya na naiiyak, sa tingin ko parang naparalyze ang katawan niya. Tiningnan ko rin ang Boung Paligid at Nakita ko ang Limang Nilalang na may Mukha ng kabayo pero Katawan ng Tao. Napansin ko ang batang umiiyak sa harap nila na nakabitin patiwarik at sa ibaba nito ay may mga pangatong na mga kahoy na hindi pa nasisindihan. "Itigil niyo yan... maawa na kayo sa inaanak ko, ako nalang ialay niyo... Handa akong maging alay sa Panginoon niyo Pakawalan niyo lang ang inaanak ko... maawa na kayo...!" Sigaw ni buddy na parang namamaos na ang boses niya. Patuloy pa rin sa pagdadasal ng Ritwal ang mga Tikbalang, at dahil maiingay si Buddy ay sininyasan ng isang Tikbalang ang kasama niya na patahimikin si Buddy kaya. Sinipa nito sa dibdib si buddy na napa aray pa si buddy at siyang dahilan para mawalan ito ng malay.
"Mahina ka lang na Puting Tupa kaya manahimik ka...! Dahil pagkatapos nito ay papatayin ka rin namin...!"
Sabi nong Tikbalang na sumipa kay Buddy.
Nagdasal na ako non at Tinawag ko ang Maestro na Kailangan ko ang Tulong niya. pero napansin kong Sisindihan na sana nong isang Tikbalang ang Mga Pangatong na nasa ibaba ng Bata na nakabitin patiwarik.. Kaya naman..
"Pag itinuloy niyo yan Lahat kayo ay Magiging Abo at sisiguradohin kong mabubura na ang lahi niyo, Hindi ko akalain na may natira pa pala sa inyo Mula nong Digmaan Na umanib kayo sa Itim na Hari ng Engkanto...!" Sigaw ko para matigil ang Ginagawa nilang Ritwal. Lahat sila ay Nakaharap sa akin pero di gumagalawa tiningnan lang nila ako ng masama. "Pakawalan niyo yong Bata at ang Bayaw ko para Lilisanin namin ang lugar niyo ng payapa at walang Masasaktan sa inyo.." Patuloy kong pagsasalita. "ikaw yong Puting Tupa na Asawa ng Prinsesa... ang naging dahilan ng halos maubos ang lahi namin...! bakit ka ba nakiki alam ikaw na nga tong may kasalanan sa amin ikaw pa to may gana lumusob sa aming kuta...! kahit ikaw pa ang Supremo ng mga Itim na Engkanto ay Hindi mo kami mapipigilan..." Nag silundagan sila papalapit sa akin. napakabilis ng mga galaw nila. kaya naman hinipan ko sila ng discomonyon na dasal. Nagsi atrasan sila at namilipit sa sakit, Napaluhod at iniinda ang sakit sa Ulo at katawan nila. "Binalaan ko na kayo pero di kayo nakinig.. Pinapaalala ko lang sa inyo, Hindi ko gagamitin ang pagiging Supremo ko ng mga itim na Engkanto dahil kung tutuosin kalaban ko rin sila.. Isa akong Apo ng Archangel at ako ang Puting Tupa na Magpaparusa sa inyo. Sa ngalan ng Diyos ama. Andito ako Para kunin ang Inocenteng Bata na inaalay niyo sa Demonyo nyong panginoon...!" Mabilis ko nilapita ang Kinaroroonan ng Bata at kinalagan ko ito sa pagkakatali, Hindi pa rin ito Tumitigil sa kakaiyak.
(Marahil napapaisip kayo Tungkol sa bata, isa ba siyang tao na katawan o Kaluluwa lang ng Bata. Kaya ipapaliwanag ko lang isa po siyang Katawan talaga. at Yong nasa kubo ng magulang ng Bata ay Pinalitan lang yun. Hindi yun ang totoong Katawan ng Bata..)
Matapos kong kalagan ang bata ay karga ko ito at pinatahan ko naawa talaga ako sa bata na namumugto ang mga mata tapos humihikbi hikbi pa. naalala ko na naman ang anak ko. kaya nag init ang ulo ko sa mga Tikbalang na nasa paligid. "Apo ako na bahala sa kanila, Ibalik mo na yong Bata sa mga magulang niya. baka kasi ilibing nila yong peke na katawan at di na makabalik ang totoong katawan ng bata. " Boses ng Lolo maestro ko na bigla nalang lumitaw sa may Pasukan ng Kweba. Nilapitan niya si Buddy at hinipo ang Dibdib at nagkamalay ito kaagad. "Maestro? Bayaw? Nandito kayo..? Salamat at di niyo ako pinabayaan... salamat at iniligtas niyo ang inaanak ko..." naiiyak na sambit ni buddy sa amin. "Pasensiya na buddy medyo nahuli yong pagdating ko. napahamak ka pa tuloy." Paghingi ko ng despensa kay buddy. naigagalaw na rin ni buddy ang katawan niya at nakakatayo na siya. kaya kinuha niya sa akin ang inaanak niya.
"Sige na mga Anak Lumabas na kayo dito. bilisan niyo at marami ng oras ang naaksaya niyo sa mundo natin..." sabi ng Lolo maestro ko. Ang mga Tikbalang ay Halatang kinabahan dahil nakita nila na Hindi basta Puting Tupa lang ang Dumating para tulongan kami. Pagkalabas namin sa kweba ay narinig namin ang pag iyak ng mga Tikbalang na tila namimilipit sa sakit, isang Matinding Pagpapasakit. Hindi ko man nakita anong ginawa ng Lolo maestro, Alam ko na Pinarusahan niya ang mga Tikbalang.
Bakit nga iaalay ng Mga Tikbalang ang Bata? para saan? Ito yong Sagot diyan, Kasi Sa pamamagitan ng Unang Anak na Babae mas mabisa itong iaalay nila para makuha ang Lakas ng mga Namayapa na nilang mga ninuno noong Digmaan. di man nila maibabalik ang mga ito pero hihilingin nila ang kapangyarihan para sumanib sa kanila ang lakas. May Ganyang Ritwal din ang mga Engkanto pero mas madalas gumawa niyan ang mga Tikbalang.
Balik tayo sa kwento... Tagumpay namin na naibalik ang Bata sa mga magulang niya, Nagpapasalamat si Buddy sa akin dahil di ko daw siya binigo sa hiling niya. sabi ko dapat maging aktibo na siyang Puting tupa. at sinabi ko ang mga gagawin para lumakas siya bilang isang kawal ng Diyos.
Namuhay na ng Payapa at tahimik ang Pamilya ng kumpare ni buddy,
tsaka na meet ko na nga pala si Alata, Mabait siyang dwende At yong hitsura niya ay totoo yong discripsyon ni buddy.
Hanggang dito na lang At abangan niyo ang Sunod kong Ikukuwento. Tungkol ito sa Salarin sa mga Bangungot....
Ano ba sila? o Sino kaya sila? Malalaman niyo dahil Nakaharap ko na ang mga nilalang na ito...
Maraming Salamat sa Pag hintay niyo at Pagtangkilik pa rin sa mga Kwento ko dito sa Spookify.
God Bless sa Lahat,
Silent Rasta
PS: Respect the Story, Coment lang sa Naayon sa Kwento. Kung walang magandang sasabihin wag ka na mag coment.
Thank you...
BINABASA MO ANG
Scary Stories 2
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! Highest Rank : #3 in horror (03/20/2018) Consistent Rank : #6 (2018-Present) ciao /sheree