Pinili ang Kadiliman (Part 9)

2.8K 27 4
                                    


Kumusta na mga Kaibigan...? Humihingi ako ng Pasensya kung natagalan tong pag Update ko sa aking Kwento. Marami kasi akong inaasikaso.. Tinulongan ko yong mga Nangangailangan ng Tulong. alam ng ibang nagbabasa dito yan lalo na sa mga nakakakilala na sa akin. Hindi ako nagpahinga, dahil pinili ko muna tulongan sila Spiritual at isinama ko sila sa aking mga dasal. Hindi ako binigo sa aking Panalangin dahil natulongan ko na ang mga nangangailangan... Anyway simulan na natin ang Karugtong ng Aking kwento...
Maraming isiniwalat si Apong Golden Yaweh tungkol sa Buhay ni Totax. Kung Bakit siya Tumalikod sa Pagiging Puting Tupa niya.
Pagkatapos ng aming pag uusap ay agad na kaming Kumilos lahat, Nagready para sa pag akyat sa Bukid ng Cabadbaran para Puntahan ang Bermuda Triangle. Tanghali na kami naka alis lahat. Ako, si Buddy, kuya Bobet, Bong, ate Bening, si Apong Golden yaweh at ang kasama niyang si Janbo (isa ding Moises Deciples)ang Umalis papunta sa Bukid ng Cabadbaran. yong ibang kasama ni Apong Golden ay pinauwi na niya. kasi 8 lang talaga dapat ang makakapasok doon sa Bermuda Triangle.
Sumakay kami sa Sasakyan ni Kuya Bobet at Habang nasa Byahe kami nakaidlip ako at si Buddy sa likod. si Kuya Bobet at Apong Golden ay Nagkkwentohan lang driver seat, Habang nagmamaneho si Kuya Bobet.
Biglang Sumungit ang Panahon at Umulan ng Malakas. Napahinto si Kuya Bobet sa tabi ng Highway. kaya naman Nagising kami ni Buddy kasi Sobrang lakas talaga ng Ulan at hangin. Zero Visibility talaga ang Daanan. "Bakit kaya ang Lakas ng Ulan at hangin wala namang Binalitang may Bagyo ngayon..." Sabi ni buddy na Lumingon sa Bintana ng Kotse. "May Sinyales to mga Kasama... Maghanda kayo... Dala niyo ba ang mga Saliko niyo?" Tanong ni ate Bening sa Amin. "Oo ate nandito sa Loob ng Bag. isosoot ba namin to ngayon...?" sabi ko kay Ate bening na binuksan ko ang zipper ng aking Traveling Bag na dala. "Isoot niyo yan... at magpahid na rin kayo ng X7... maging Alerto tayong Lahat...." Isinoot din ni ate bening yong Saliko na dala niya at ganun din sina bong at kuya bobet. Si Apong Golden at ang kasama niyang si Janbo ay Nag labas ng medallion na naka sabit na kanilang leeg. "Mga Puting Tupa at Kasamang Moises Deciples... manatiling mahinahon lang kayo...." Sabi ni kuya Bobet na pinaandar ulit ang Sasakyan. Nagdasal na si Ate bening ng Oracion para sa Byahe ganun din kami ni buddy... Kahit Zero Visibility ang Daan Pinag patuloy ni Kuya bobet ang pagmamaneho, ramdam namin ang Bilis ng Takbo ni Kuya Bobet... para bang nakasakay kami sa Isang Barko na may malalaking alon ang humahampas sa aming sinasakyan.. Nakarinig din kami lahat ng Mga Dumadagundong na Mga gumugulong na Bato. pero wala kaming nakikita di namin alam saan ito nagmumula. Hindi naman ito kulog magkaiba ang Tunog ng Kulog at Mga Nagugulongang bato.. kasi naalog talaga ang sinasakyan namin. ilang minuto lang. Humupa ang ulan at nakakapagtaka dahil hindi nabasa ang sasakyan at kahit isang patak lang ng tubig ay wala itong bakas sa mga bintana. "Bayaw bakit hindi nabasa itong sasakyan? Water proof ba ito?... ano kaya yung mga Narinig natin kanina na pakiramdam ko sa atin babagsak yong parang malalaking bato.." Bulong ni Buddy sa akin. "Hindi ko rin alam buddy... basta isa lang ang nasa isip ko... May Gustong makipaglaro sa atin.." Sagot ko kay buddy. "Laro? bayaw kung ano man laro yun di nakaka tuwa. gusto niya ata makipaglaro ng Tumbang Kotse? naalog pati utak ko bayaw... sarap na sarap na ako sa pagkakatulog. naudlot tuloy yong panaginip ko kissing scene na sana yun napurnada pa ganda pa naman ng babae sa panaginip ko kamukha ni kiray.." kalokohan ni buddy na hindi ko na pinatulan napailing na lang ako sa mga pinagsasabi niya. "Pinsan mukhang sinusundan yata tayo ng Traydor na kasama natin dati..." Sabi ni Bong na ikinagulat ko. "paano mo nalaman na siya yun pinsan?" Tanong ko kay Bong. "Nararamdaman ko ang Presencia niya pinsan.." sabi ni bong na umiiling iling...
(Fast Forward)
Pagkarating namin sa ibabang bahagi ng bundok ng cabadbaran. Sinalubong kami ng mga Kasama naming mga Puting Tupa na nakatira doon at Pumasok kami lahat sa Chapel at Nagdasal. Pagkatapos ay Hindi na kami nagsayang ng Oras nagpaalam kami sa mga kasama namin na taga doon lang din at agad tinahak ang paanan ng Bundok. Gaya ng Nakagawian. Pinaalalahan muli kami sa mga bawal gawin kapag nasa Little village na kami. alam ko na yun kaso si buddy ang inaalala ko madalas pasaway kasi.
Lumuhod kami sa Lupa at nagdasal ulit kami bilang pagpapakita ng respeto sa mga naninirahan sa bundok. Humalik kami lahat sa lupa at pagkatapos ay sinimulan na ang aming paglalakbay. "hindi ba tayo masusundan dito ni Totax bayaw?" Tanong ni buddy sa akin habang naglalakad kami. "Hindi makakapasok ang Traydor na yun dito buddy... Subukan niya lang alam na niya ang aabutin niya dito...walang lugar ang mga traydor dito sa Bundok ng Cabadbaran... may kalalagyan siya dito..." Si Kuya bobet na ang sumagot kay buddy. "ah bayaw yong lupa na hinalikan natin, malas ata yong area ko. amoy Dumi ng Pusa.. gusto ko sana lumipat kaso parang bawal na gumalaw kaya i force to kiss the Smelly Land... may tubig ka ba dyan makapamumog lang bayaw...." natawa ako sa sinabi ni buddy ko kala ko joke niya lang yun kaso kinuha niya talaga ang tubig na naka sukbit sa gilid ng travelling bag ko at nagmumog siya.
ilang oras pa ang lumipas nagkaroon kami ng pagkakataon na magkasabay sa paglalakad na kami lang dalawa ni Apong Golden nasa hulihan kami. sila kuya bobet na una ng konti at si ate bening si bong at janbo nag uusap magkasabay sila. si buddy busy sa mga prutas na pinipitas niya kapag nadadaanan.
Naitanong ni Apong Golden sa akin ang Tungkol sa Gustong kasunduan ni Totax. "Ano ba ang kapalit na ino offer ni Totax sayo kapag nalagdaan mo ang kasulatan ng demonyo?" Napabuntong hininga akong naglalakad habang naalala ko si Tito Bem. "Kapalit ng ibabalik niya daw ang Asawa ng Tita Gina ko na namatay.. Kawawa naman kasi yong mga anak nilang naiwan kung pati ang ama nila ay Wala na... Naiipit ako sa Sitwasion dahil sabi ng Lolo Maestro ko Hindi ko kayang labanan si Totax, napaka tuso ng Traydor na yun kasi Hindi siya nagpapakita kapag nandyan ang Lolo ko. Kaya naisip kong Humanap ng paraan at humingi na ako ng Tulong sa Mga Pinsan ko na sina Kuya Bobet.." Sa Narinig ni Apong Golden Tungkol sa Lolo Maestro ko. Nagulat siya ng Malaman niya na isa Akong Apo ng Archanghel. (Hindi ko na sasabihin ang pangalan ng aking Lolo Maestro) "Kayo pala yung napapabalita noon na nagkaroon ng Anak ang isang maestro gaya ng ginawa ng Ama din nina Bong. Kayo ay Sinadya ng mga Maestro na ilagay dito sa mundo. Dahil sa May Kadahilanan... (Sinabi ni Apong Golden ang tinutukoy niyang Kadahilanan, pero mamarapatin kong itago muna yong dahilan... at sanay Respetohin niyo ang pasya ko...) Nakita ko na yong lolo mo noon na kasakasama ang iba pang mga Maestro.. Kaya pala lakas ng pakiramdam ko sayo dahil ikaw pala ang Sumunod sa mga yapak niya. Ikaw din ba yong nabalitaan namin noon na nilusob ang kuta ng mga Kulto doon sa Lanao del Norte...? ang sabi kasi Apo daw ng Maestro at Isang Anak din ng Puting Tupa ang nag Lakas loob na Buwagin ang mga kampon ng Kadiliman." Tanong ni Apong Golden sa akin na halatang sabik siyang marinig ang kasagutan ko. "Tama po kayo Apong Golden.. at yong sinasabi mong Anak ng Puting tupa ay yong Bayaw ko. siya po yun (tinuro ko si Buddy na busy sa pag ngatngat ng Manggang hilaw na napitas niya na saktong paglingon niya sa amin at hinagisan ako ng mangga na nasalo ko naman) Paano po umabot sa inyo ang Balita na yan Apong Golden...?" Tanong ko kay apong Golden na inaalok ko ng mangga na hawak ko pero umiling siya. "Marami kasi akong kaibigan na Mga puting tupa at kapag nakakasabayan ko sila nag kukwentohan kami. at yung Tungkol sa inyo ang narinig kong nakapag bigay sa akin ng interesado na malaman kung sino kaya kayo..? alam mo sa totoo lang, ngayon nalaman ko na kayo pala yun... Hindi ko lubos maisip na Hindi pala to mga Basta Basta ang Kasama ko sa pag akyat ng Bundok patungong Bermuda Triangle... Sila Bobet, Bong, Bening ay mga Anak mismo ng Maestro At Alpha ng Lahat. tapos ikaw na Apo din ng isa pang Maestro... Natutuwa akong Mangyari ito at maranasan na mga Bagong Generation na Dugo ng mga Maestro ang Nakasama ko sa paglalakbay nato..." Nagagalak na sabi ni Apong Golden na halatang naiiyak siya mga Nalaman niya. "Pero alam kong kahit ikaw po Apong Golden ay Hindi basta Ordinaryong Tao lang... kaya nga po kayo ang naging Leader ng Moises Desciples dahil sa may Basbas din kayo ng Samahan niyo. Mas Nakakamangha kayo kasi may Nagagawa din kayo na Hindi namin nagagawa... bakit po ba ganun? ....may conection po ba ito sa mga Maestro na Nag gagabay sa atin kaya iba iba ang Mga Kakayahan na ating nagagawa...?" Tanong ko kay Apong Golden sabay kagat ko ng Hilaw na mangga na ang Asim kaya tinapon ko. salbahi tong si Buddy kaya pala nag share ng kuha niyang mangga kasi daig pa ang Sampalok at suka sa sobrang asim... "Tama ka sa sinabi mong Yan kapatid. Dahil sa mag kaiba ang Responsibilidad ng mga Archanghel na Maestro. kaya magkaka iba ang Ating mga Kakayahan at natutunan... pero iisa lang ang Ating Layunin. ang Pangalagaan, protectahan Ang Mundo Laban sa mga kaDiliman
at tumulong sa oras ng Pangangailangan sa Ngalan ng Liwanag. mga Spiritual Warriors tayo kaya Wala Tayong pinipiling Tutulongan. kapag nasa paligid tayo at nagkataon na may dapat tulongan. Huwag natin talikuran dahil Hindi natin tinangap ang ating Responsibilidad para sa pansarili lamang. pero tulad niyo mga Puting Tupa kami rin ay maingat sa bawat galaw namin at pananalita dahil nasa Panganib tayo at banta ng mga Masasamang nasa Kadiliman... Tayo ay Hadlang sa Gusto nilang pagbabago na sakupin ang Boung mundo at ipakalat ang Kasamaan.. yun yong Tinatawag nilang New World Order.... na sinusuportahan ng Mga Illuminate, mga 666, mga Kulto...basta Mga alagad lahat ni Taning (Satanas)"
revealation na sinabi ni Apong Golden sa akin, Kinamayan ko si Apong Golden at Sinabi kong "Makaka asa po kayo Apong Golden...Mananaig sa akin palagi ang pagiging Puting Tupa..." pagkatapos non ay
Binilisan na namin ang paglalakad para hindi kami maabotan ng Paglubog ng Araw dahil bawal na bawal yun doon sa Bukid ng cabadbaran.
Pagdating namin sa Little Village. Nag sibukasan ang mga bintana ng mga Naninirahan doon na mga Puting Tupa din. Dumungaw sila sa kani kanilang mga bintana para tingnan kung sino ang Mga Dumating. bakas sa mga mukha nila ang tuwa ng makita nila ang mga Royal Family ng mga Puting Tupa na sina kuya Bobet, Bong, at Ate bening. Nagsilabasan sila at sinalubong ng mga yakap at pakikipagkamay. ito ay nakagawian na bilang Respeto at Welcome. Si Buddy naninibago na naGulat siya ng bigla siyang Hinalikan ng mga Babae, matatanda at mga Dalaga na mga puting tupa. Halatang tuwa tuwa ang Mokong. Alam ko takbo ng isip niya, Sakay sa panahon kasi tong si Buddy hindi lang minsan kundi madalas talaga.
Pag akyat namin sa Bahay na pag mamay ari nina Kuya Bobet. Napagpasyahan nilang magpahinga na. "Bukas na Tayo ng Umaga makaka Punta ng Bermuda... Aabotan na tayo ng Dilim pag pumunta pa tayo doon ngayon. Pinagbabawal na pasukin yon pag gabi masyadong Mapanganib at baka may mapahamak pa sa atin." Sabi ni Ate Bening na Umupo sa Upoan na nagpapaypay at Hinihingal sa Pagod ng Aming Paglalakad paakyat kanina. "Bakit po mapanganib? ano po ba ang Nandoon?" Seryosong tanong ni Janbo, (kasama ni Apong Golden.) "Dahil maraming mga Elemento ang Naninirahan sa loob ng Bermuda, kahit dito sa paligid ng Little village ay sakop pa nila ito. At hindi lang mga Basta elemento ang naroroon, pati mga Mababangis na Hayop na hindi normal ang Laki na Nangangalaga rin ng kanilang Terretoryo. Bago pa natin marating ang Sagradong lugar na Kinaroroonan ng mga Maestro ay marami tayong madadaanan kaya Sobrang Mapanganib kung Maabotan na tayo ng Dilim." Si Bong na ang Nagpaliwanag kasi hinihingal pa si Ate Bening. Si Kuya bobet Naman Nag bihis sa loob ng kwarto.
Lumabas kami ni buddy muna para makalanghap ng Sariwang hangin at dahil hindi pa naman lumulubog ang araw. nagpasyal pasyal kami sa paligid. itong si Buddy panay pa cute sa mga Dalaga na nasa labas din nag uusap. feeling close talaga kasi nilalapitan niya ito at kinakausap. tinawag ko si Buddy at pina aalalahanan na may Mga Bawal sa lugar na ito kasi baka maparusahan siya ng mga Nangangalaga na elemento sa paligid baka makalimutan niya yong mga babala. Hinayaan ko siyang makipag usap sa mga Babae na mga Nakatira sa little village. Ako naman papunta sa may Malaking Pipe ng tubo na May malakas na Tubig na dumadaloy dito..medyo distancia na ito sa kinaroroonan nina buddy.. naghugas ako ng kamay at naghilamos. ang sarap ng tubig kasi malamig ito na parang may yelo. malinis, kaya safe inumin. Pagkatapos kong maghugas at uminom doon, pabalik na sana ako sa kinaroroonan ni buddy ng Biglang napansin ko ang isang Batang Babae na Maputi ang balat, Sobrang Haba ng Buhok. Bilog na bilog ang Mata niya... Nakatitig lang ito sa akin. Nginitian ko ang Bata at Lumapit ito Dahan Dahan sa akin. Parang nag iba ang pakiramdam ko... may nararamdaman ako sa Batang babae na papalapit sa akin dahan dahan. Hindi siya kumukurap titig na titig talaga siya...
pagkalapit niya sa akin ay Nakatingala lang siya sa akin na nakatingin. Kaya Umupo ako para magkasing level kami at di siya nakatingala sa akin. "Ano pangalan mo?" Tanong niya at seryosong seryoso siya na nagtanong sa akin. para bang malaking tao na ang kumausap sa akin. "Secret... ikaw muna ano pangalan mo? bakit mo ako tinititigan?" Nakangiti kong tanong sa kanya. pero ang nararamdaman ko nong mga oras na yun ay Kaba. Napaka mysteryosang Bata kasi, hindi siya yong katulad ng ibang bata na Ngumigiti o mahihiya kapag may bagong tao na kumakausap. siya kasi parang Matanda na at seryoso pa ang mukha kong magtanong. "Ikaw muna... ako nagtanong sayo bakit mo binabalik ang tanong ko... ano pangalan mo?" Nakasalubong na ang kilay niya at unti unting lumalaki ang bilog na itim ng mga mata niya. May naalala ako sa kanya...
oo katulad siya ni Diwata Necay... Bigla nalang nag laro sa isip ko na hindi kaya siya yong... pero kailangan ko muna makasiguro kaya nagpakilala na ako.
"Ako si G****** at isa akong Puting Tupa... ikaw ano pangalan mo?" Ngumiti ito at hinawi niya ang mahabang buhok niya na nakalugay lang. para bang dalaga na kung kumilos, kung titingnan parang nasa 3years old lang naman siya. "Bakit nakangiti ka lang..? ano ba kasi pangalanan mo at itali mo yang mahaba mong buhok...." Sabi ko sa bata na nakatitig lang sa akin na naka ngiti. bigla kasi lumiwanag yong mukha niya at masayang masaya siya. "Teka nasan ba mga magulang mo? mag gagabi na bakit ka hinahayaan gumagala... paano kung mawala ka? tara ihahatid na kita sa inyo saan ba bahay niyo...?" kakargahin ko na sana siya pero umatras ito na tila ba makikipag laro siya sa akin ng habulan, naka ngiti pa rin ang mysteryosang batang babae. "Halika na at ihahatid na kita sa inyo..
hindi ako nakikipaglaro sayo bata..."
Pero hindi ito umiimik nang aasar pa kasi nilalabas niya dila niya na parang gusto niya habolin ko siya. "Ang Mag ama nga naman... isang makulit na Bata at isang Masungit na Lalaki.. Sino kaya ang susuko sa inyo...?" Biglang may nagsalita sa likod ko at Familiar ang Boses. isa lang Ang nasa isip ko, at lumingon ako kaagad.
"Necay... ikaw nga. ? Ano ulit yong sinabi mo? Mag Ama? ibig sabihin siya ang Anak ko...?" Gulat na naitanong ko kay Diwata Necay. "Oo yan na nga si Baby Rich... ang makulit mong anak... Nakita ka namin kanina pagdating mo at sinabi kong Nandito ang magaling niyang Ama. kaya itinuro kita, at dahil na tiempohan ka niyang mag isa kaya nilapalitan ka niya ngayon.. at tinanong ang pangalan mo.. matagal na niya alam ang pangalan mo dahil kinukulit niya ako kung ano daw ba ang pangalan ng papa niya..." Napabuntong hininga ako Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Nagulat ako na natutuwa dahil nakita ko ulit si Baby Rich ang Anak namin na Half puting tupa, Half Engkanto. Sininyasan ko si Baby Rich na lumapit sa akin, nong una ayaw niya lumapit pero dahil si Necay na mismo ang suminyas na lumapit sa akin. tsaka pa ito lumapit sa akin at Niyakap niya ako. Niyakap ko ang anak ko at kinarga... "Kumusta ka na baby? namiss kita anak, kaya pala iba talaga pakiramdam ko sayo kanina, ikaw nga pala talaga si baby rich..." Niyakap ko ito ng mahigpit. "Ikaw ang Papa ko... sabi ni mama.." tiningnan niya ang mukha ko at humalik ito sa aking pisngi. "Ako maari din ba akong humalik sa mahal kong Bana... na miss din kaya kita... di na ako Pumunta sa inyo kasi alam kong aawayin mo lang ako.... masaya na akong kasama ang anak ko.. parang ikaw din kasi siya.." Sabi ni Diwata Necay na Naka cross arm na alam kong nagtatampo kasi sa lupa lang nakatingin. "Tumigil ka nga Diyan Engkanto ka pero ang Drama mo..." Sabay kiss ko kay baby Rich. Lumapit si Diwata Necay sa akin at Kinukuha niya si Baby Rich. kaya ibinigay ko na sa kanya. Pero isang biglaan na paghalik ni Diwata Necay sa akin ang hindi ko naiwasan. Sa labi at hindi ako nakagalaw para bang hinayaan ko lang siya na gawin yun.
Biglang may nagsisigaw na papalapit sa kinaroroonan namin. Si buddy ito, "Bayaaaw... Kaya pala nawala ka bigla nakikipag tuka.an ka na pala dyan.. para kang Manok na kung saan makadapo nakaka tuka kaagad..." Agad akong lumayo kay Diwata Necay dahil kinakantyawan at pinagtatawanan kami ni Buddy.. "Sorry..." tanging nasambit ko kay Necay. "Anong Sorry ako humalik sayo... na miss kita Bana ko..." Sabi ni necay na pagkatapos niyang magsalita ay nakakagat labi na.
"Hi snow white... Long time no see but now see now...kaso wrong timing pa... nakaka inggit naman kayo, pero bayaw hinahanap ka nga pala ni Kuya Bobet... papalubog na daw ang Araw kailangan mo na pumasok sa loob. baka ma Enkanto ka dyan madagdagan na naman yan kinakarga ni Snow White.." Pang aasar ni Buddy na Nakatawa pa. "pupunta nga pala kami ng Bermuda Triangle bukas.. may Sadya kami sa Sagradong Lugar.... So Papano bukas ulit, Bye Anak ko.. " Humalik ako kay baby rich ulit bago tumalikod at papaalis na sana ako ng nagsalita ng pahabol si Diwata Necay. "Pababantayan kita bukas
kay Kenta at sa mga kawal ko para safe ang Pagpasok niyo sa Bermuda Triangle... hindi ka naman dapat matakot at mag aalala kahit dito sa little village kasi kami naman nagbabantay pero Sundin mo na lang ang Mga kasama mo..." Nahahalata ko na masaya Si Diwata Necay na nakita niya ako muli. Agad na kami umalis ni buddy at Umuwi sa bahay nina Kuya bobet. Abala sila sa pag hahanda ng aming Haponan. kaya tumulong na rin kami ni Buddy.
(FastForward)
Pagkatapos namin maghaponan. Nagkwentohan kami lahat sa Sala ng mga kung ano ano. Dahil sa na banggit ni Buddy na nagkita kami kanina ng Diwata at ng Anak namin. Nagulat si Apong Golden sa nalaman niya, at sinabing Mali nga daw talaga yun nagawa ko noon na nagkaanak ako sa isang maharlikang diwata. Pero Tinulongan naman akong e Explain ng mga Pinsan ko ang tunay na nangyari. kaya naintindihan ni Apong Golden kaagad. (Para sa Mga Hindi pa nakaka alam ng Boung storya about sa amin ni Diwata Necay Basahin niyo yong "MYSTERYOSONG SAMAHAN AT
KAKAIBANG DIMENSION" para maintindihan niyo.)
Pagkatapos namin magkwentohan ay Maaga kaming natulog.
Sumapit ang Oras ng 12am Nakakarinig na kami ng yabag ng paa na may Hinihilang kadena na paakyat sa Hagdanan sa labas. Narinig namin lahat yun dahil itong si Buddy di napigilan ang takot at Nag salita "Ano yan aakyat yata dito? bayaw ano ba yan naririnig natin?" Nanginginig na inaalog ako ni buddy na nakahiga. "Matulog ka na huwag mo pansinin yan... hayaan mo hindi yan pumapasok sa loob ng bahay...." sabi ko kay buddy na nakapikit ang mga mata. Mayamaya pa iba na naman narinig namin. Sumisitsit na nasa Siwang ng Bintana na kahoy... "Bayaw Tingnan mo may nakasilip na Aswang yata yan ang pula ng Mata... gumising ka muna bayaw..." Inaalog alog na naman ako ni Buddy. kaya Bumangon ako tiningnan ito, Nanindig ang Aking balahibo ng makita ko na patulis na Dila na ang nakita ko at pilit pumapasok sa siwang ng Bintana. Babangon na sana ako ng Biglang nauna ng Bumangon si Apong Golden at Binuksan ang Bintana. Nahawakan niya sa ulo ang Nilalang na mabalahibo na mukhang Paniki at napakalaki nito. Dinasalan at hinipan niya ito at Binitawanan saka pinalayo ang Nilalang na yun. Naririnig pa namin ang pagaspas ng mga Pakpak nito. Nagising na rin ang Lahat pati ang Mga Pinsan ko. nong malaman nila ang Nangyari ay Pinapabalik na kami lahat sa pagtulog. Hayaan na daw kung may maririnig kaming mga kababalaghan dahil ganun nga talaga kapag may dayo sa lugar.
Abangan muli ang Karugtong ng kwento.. At Marami pang magaganap na Mysteryo, kababalaghan, na Mahirap paniwalaan. pero ito ay Hindi kathang isip lamang... Wala akong pinipilit na maniwala at nirerespeto ko ang bawat individual na saloobin.
Salamat Muli sa inyong Pagtatyagang paghintay sa Mga Kwento na ibinabahagi ko... Lalo na sa Mga SR and Buddy Believers. Masaya akong Nandyan kayo para suportahan kami. Love you all...
-SilentRasta
Ps: Respeto sa kapwa tao at Respeto sa Diyos ang Ating Ipairal...
Salamat At God Bless sa Lahat.  

Scary Stories 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon