Hi Spookify! Im using a dummy account. I hope ma post tong story ko. Will send it here sorry masyadong mahaba.
"Just? Nakikita mo ba yang abandonadong bahay na yan?" tanong ko kay Justine habang nagpapahinga kame galing sa pagjojogging sa loob ng subdivision namen. "Annika alam ko yang mga ganang tingin mo ha. Tigilan mo yan papagalitan na naman tayo ni Lola dahil sa kakulitan mo" seryosong sagot niya. "Sige na Just nacucurious lang ako kung ano yung itsura ng house sa loob, tsaka gusto ko umakyat dun sa rooftop nung bahay" pagcoconvince ko sakanya pero tiningnan lang niya ako ng seryoso. Hindi ko na hinintay makasagot si Just, hinila ko na agad siya hanggang harap ng gate ng abandonadong bahay.
"NO TRESPASSING!"
"Annika ang laki ng sign dito sa gate na bawal mag trespass oh" pagpipigil ni Just saken. "Just naman eh, please saglit lang naman tayo" pagmamakaawa ko sakanya. "Hay Annika lagot talaga tayo neto kay Lola pag nalaman to." sagot ni Just na naiinis na. "Hindi naman malalaman ni Lola na pumasok tayo dito kung di ka magsusumbong eh".
Dahil makulit ako at nakukulitan na din siguro si Just saken napapayag ko na din sya na pumasok sa Abandonadong Bahay. Wala naman talaga sa plano ang pumasok sa Abandonadong Bahay na to, ang paalam kase namen sa Lola namen mag jojogging lang kame. Every 4pm kase nagjojogging kame ng pinsan kong si Just dito sa loob ng subdivision namen, nagkataon lang na sa araw na to sa tapat ng abandonadong bahay kame tumigil at nagpahinga.
"Wow! Ang laki naman ng bahay na to Just". Pagpasok namen sa loob mapapansin mo na talaga agad yung lawak ng bahay. May ibang gamit na nakakalat sa sahig katulad ng mga lumang libro, magazines, photo albums na walang laman na punong puno na ng alikabok at ilang sulat na galing pa sa ibang bansa. Kapansin pansin din ang mga painting na nakasabit sa pader pagpasok mo ng bahay. "Bakit ba kase gustong gusto mo pumasok dito eh wala ka naman makikita kase abandonado nga oh" tanong ni Just saken. "Na curious lang ako kase tingnan mo ang laki laki niya at mukhang ang ganda ganda pag natapos pero bigla na lang tinigil yung pagpapaayos." sagot ko kay Just.
Habang naglilibot kame sa loob nakaagaw ng pansin saken ang isang table sa isang side ng bahay na may lumang telepono na may katabing picture frames na nakataob. Inangat ko isa isa yung mga picture frames. Yung unang picture frame ay baby picture ng isang batang babae na siguro ay nasa edad 3-4, masasabe kong luma na to dahil kumupas na yung kulay ng litrato. Yung pangalwang picture frame naman ay graduation picture ng isang babae na may suot na mga medalya. "Ang ganda naman nya Annika, sino kaya yan?" sabe ni Just na di ko namalayan na nasa likod ko na pala. "Baka anak ng may ari netong bahay?" sagot ko kay Just. Yung pangatlo at huling picture frame ay si Just ang nag angat, basag na picture frame siya na may picture ng isang dalaga at binata na nasa early 20's ang edad. Yung babae sa pangalwang picture frame ay sya ding babae na nasa pangatlong picture frame. Kinuha ko kay Just yung picture frame at tiningnang maigi ang litrato. Hindi ko masabi kung magkasintahan ba sila or magkapatid. Binalik ko agad yung picture frame sa table at naglibot na sa ibang part ng abandonadong bahay.
"Annika nagdudugo ata yung kamay mo" sabe ni Just habang naglilibot kame. Tiningnan ko yung kamay ko nagdudugo nga. "Nahiwa siguro ako dun sa basag na picture frame" sagot ko kay Just. "Ikaw kase kung ano anong kinukutingting mo ang tigas talaga ng ulo mo, akina nga yang kamay mo". Buti na lang may dala si Just na face towel na pinangpunas nya sa kamay ko, habang pinapatigil ni Just ang pagdurugo ng kamay ko napansin kong parang may isang tagong pinto sa loob ng bahay. Hindi mo siya mapapansin agad dahil nasa pinakadulo at sulok siya ng bahay.
Tumigil na ang pagdurugo ng kamay ko. Pinuntahan namen ni Just yung tagong pinto sa pinakasulok at dulo ng bahay. Akala ko isa lang siya sa mga kwarto ng bahay pero pagbukas namen ay may hagdan pa pala ito pababa. "Wow underground!" manghang mangha ako dahil ngayon lang ako nakapasok sa bahay na may underground. Bumaba kame ni Just, di naman nakakapagtaka na halos walang laman yung underground na room bukod sa isang silya na nakatumba. Di kame gaano nagtagal dun at umakyat na ulit kame sa taas.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 2
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! Highest Rank : #3 in horror (03/20/2018) Consistent Rank : #6 (2018-Present) ciao /sheree