May outing kami magkakatropa at nagpasya kami na sa private resort sa Pansol, Laguna kami magpunta. Bukod kasi sa malapit sa Manila, maganda rin ang view kitang-kita ang Mt. Makiling.Ako, sila Maj, Trish, Mher, Yella, parents ko at dalawang batang kapatid ko ang magkakasama. Pagpasok ko palang sa resort, iba na yung pakiramdam ko. Around 4pm yun, yung mga tropa ko at kapatid diretso na sa pagsu-swimming habang kami ng parents ko ay nagluluto.
Around 8pm, may nagdo-doorbell, pinagbuksan ko agad dahil akala ko siya yung may-ari ng resort. Pagbukas ko, nakita ko isang matandang babae. Mukha naman siyang mabait, maayos naman yung itsura niya. Tinanong niya ako kung pwede bang makigamit ng banyo, pumayag naman agad ako. May kalahating oras na, hindi pa rin lumalabas yung matanda kaya sumigaw nalang ako "Nay, pagtapos nyo po diyan pakisara nalang po ng gate" tapos dumiretso na ako sa 2nd floor ng resort para magpalit. After that nag-swimming na ako agad, kasama ko sila Marj at Mher. Habang lumalangoy ako, may naramdaman akong humila sa mga paa ko. Akala ko isa lang sa mga kasama ko kaya di ko inintindi. Pagkasisid ko, kinilabutan ako nung may nakita akong parang isang babaeng nakaputi na sumasabay sa akin sa paglangoy. Dali-dali akong nagpunta sa may videokehan. Habang nangangatog ako sa takot, natanaw ko sila Marj at Mher na aktong magda-dive mula sa 2nd floor hanggang sa pool. Patalon na sila nun pero hindi nila itinuloy. Tumabi sila sakin, at pinatay nila yung videoke. Tahimik kaming tatlo nang biglang bumaba yung kapatid kong 6 years old galing sa 2nd floor at sinabing, "Ma, hindi ako makatulog sa taas, may kumakanta sa kabilang kwarto. Parang may hinehele." Kinilabutan kaming lahat dahil lahat kami ay nasa baba nung oras na yun. Dahil sa takot, ikinuwento ko na sa kanila kung ano yung nakita ko. Ikinuwento rin nila Marj at Mher na kaya hindi sila tumuloy sa pagtalon dahil may nakita silang babaeng nakatingin sa kanila sa pool. Nanlilisik ang mga mata nito na tila ba hinihintay ang kanilang pagtalon.
Hindi na kami natulog at sama-sama kaming nagdasal. Kinaumagahan, dumating yung caretaker ng resort. Agad-agad kong ikinuwento sa kanya ang pangyayari. Tumawa siya at sinabing napaglaruan na naman daw kami ng engkantong naninirahan sa resort na yun.
Maluha-luha kaming lahat dahil sa nakakakilabot na pangyayaring yun. Sana sa mga may-ari ng resort diyan, kung alam niyong may kababalaghan na nangyayari diyan, pakibendisyunan nyo o sabihan nyo ung mga magre-rent. Hindi biro yung takot na naramdaman namin nung gabing yun.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 2
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! Highest Rank : #3 in horror (03/20/2018) Consistent Rank : #6 (2018-Present) ciao /sheree