Hi Admin(s) Siguro Mga 1 or 2 weeks palang nang ni-like ko 'tong Spookify. Nalaman ko na may ganitong page nung ni-invite ako ng cousin kong i-like ang page niyo. So sisimulan ko na.Yung father ko kasi tricycle driver 1pm - 12mn ang byahe niya at dun niya sa operator ginagarahe yung trike na pinapasada niya. So Mahihirapan syang umuwe sa bahay namin eh tutal naman may motor ako napagpasyahan kong sunduin na lang si papa. Habang nasa daan ako medyo malamig at ako lang yung bumabagtas ng daan minsan may part na sira yung street light yung iba naman color red pero karamihan orange. Meron part ng daan na pa letter S at walang ilaw, yung tanging liwanag lang yung head light ng motor ko tinaas ko yung ilaw dahil mababa ito at nung nasa part na ako ng Letter S na road may nakita akong babae na nakatayo sa street sign, binalewala ko na lang yung nakita ko. Tapos medyo straight na yung daan ng kinilabutan ako ewan ko kung bakit pero iba yung tindig ng balahibo ko unang-una yung tayo ng balahibo ko putsa pagtingin ko sa side mirror ko nakita ko talaga yung babae naki-joyride sa akin, bigla kong tinapakan yung kambyo ginawa kong trisera yung takbo ng motor ko at bigla akong sumemplang. Buti na lang may dumaan na kotse at tinulungan ako bumangon. Nagtamo ako ng mga Galos at pilay pero tinuloy ko pa rin yung pagsundo sa papa ko. Nung pauwi na kami sinabi ko sa kanya na baka pwede sa shortcut na kami dumaan. Pag-uwi namin sa bahay tinanong ako ni papa at mama kung ano nangyari sa akin. hindi ko inamin na nakakita ako ng babaeng multo dinahilan ko lang na nasemplang ako at napagpasyahan ko ng matulog.
Kinaumagahan ang taas ng lagnat ko at sobrang sakit ng katawan ko, dinala ako ng mama ko sa Center para sa check-up binigyan lang ako ng gamot at sabi magpahinga na ako. Pero masama pa rin pakiramdam ko at napagpasyahan nila mama na dalhin na ako sa kilalang manghihilot sa compound namin hinilot at tinawas ako at nakita ng manghihilot yung babae.
Manghihilot: Dumaan ka ba sa paliku-likong daan?
Ako: opo bakit?
Manghihilot: alam mo bang pili lang yung pinapakitaan ng babaeng yun?Kinuwento ng manghihilot yung story ng babaeng yun. Namatay sya ng minsan masagasaan sya ng motor at yung suspek nakakulong na pero di pa rin matahimik yung babae. Habang nagkukwento yung manghihilot tumatagaktak yung pawis ko hanggang sa nawalan na ako ng malay. Paggising ko nasa bahay na ako at medyo okay na pakiramdam ko. Sinabi nila mama na nagtirik sila ng kandila sa daan na yun.-Magdalo
Parañaque
BINABASA MO ANG
Scary Stories 2
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! Highest Rank : #3 in horror (03/20/2018) Consistent Rank : #6 (2018-Present) ciao /sheree