Karanasan sa Dorm

1.5K 23 1
                                    


Medyo di naman sya ganun ka-creepy at mahaba pa kaya pagpasensyahan nyo na. Gusto ko lang dumagdag sa listahan ng mga true Horror/spooky Story teller.

Karamihan sa kwentong kababalaghan kung hindi man sa bahay nagsisimula ay sa mga boarding house o dorm naman. Tama ba? Nung nagdo-dorm pa ako, dalawa lang kami sa isang kwarto.
Nung unang mga buwan wala pa naman akong nararamdaman pero may naririnig na kong kwento-kwento about multo raw sa dorm namin. Ako kasi yung taong di basta-basta naniniwala (kahit may mga experiences din ako sa kababalaghan). Hanggang sa ilang gabi na kapag tulog ako ay tila magugulat ako at maihahampas ko ang kamay ko o paa ko dahil pakiramdam ko na may humawak o dumampi. May time na nagigising ako ng walang dahilan at parang may nakatingin sakin, hindi sa tinatakot ko sarili ko ha. Baka may scientific explanation pero ganyan ang naranasan ko ng ilang gabi. Yung nagigising nalang ako kasi parang may humawak sa akin o kaya may nakatingin. Naikukwen­to ko pa ito sa roommate ko pero di ko naman masyadong binigyan ng pansin o meaning. Sensitive kasi ako nun konting ingay lang madali na akong magising. Matalas ang pakiramdam ko dati.

Hanggang sa isang araw narinig ko ang usapan sa kabilang kwarto ng mga dormmates namin. Dingding na plywood lang kasi ang pagitan. Ang usapan nila ay yung tungkol sa bigla ka raw nagigising na maihahampas (yun ba ang tamang term? yung feeling na may humawak sayo tapos umiwas ka ganun) mo kamay o paa meaning daw may humawak talaga sayo. Pati yung nagigising ka raw ng walang dahilan tapos pakiramdam mo may nakatingin sayo--Tama sya ganun talaga pakiramdam ko. Coincidence na yun ang topic nila.

Isang gabi nagising na naman ako dahil may narinig akong naglalakad ng paikot-ikot sa loob ng kwarto namin, di ko makita kasi sobrang dilim ng kwarto. Alam kong sa loob mismo ng kwarto namin dahil na rin sa ingay ng yapak nya sa bagong floormat. Syempre dahil takot ako, pinilit ko na lang bumalik sa pagkatulog kahit gusto kong sigawan yung tulog mantika kong roommate ko na di man lang magising eh ang lakas ng ingay dahil na rin sa sobrang tahimik ng paligid. Ikinuwento ko yan sa kanya at napagdesisyunang palagyan ng additional lock ang pinto. Dahil baka may nakapasok lang na magnanakaw. Isang gabi nagising ulit ako dahil sa nangawit kong mga binti. Napa-aray nalang ako sa sakit kaya nagising ang roommate ko at tinulungan akong ibaba nakataas na paa ko, nakasandal naman paa ko sa deck. Double deck kasi yung kama. Di ko alam kung matatawa o matatakot ako nun. Imposible namang itaas ko paa ko habang natutulog, di komportableng posisyon. Never ako natulog na ganun. Yung mga katabing kwarto namin ang hilig din kasi magkwentuhan, kung hindi love life, multuhan. Syempr­e basta ganung usapin eh interesado ako kaya nakikinig ako sa usapan nila about panaginip daw na nakita nya sarili nyang nakahiga ganun, mga karanasan nila sa dorm namin. Meron yung nakakita ng pugot na babae, napasukan sa loob ng kwarto mga ganun.

Sabi nila isa raw dahilan kung bakit may mga nagpaparamdam dun sa dorm ay dahil sa mga namatay dito at dahil na rin daw sa religion ng landlady namin which is Saksi, na di naniniwala sa pabasbas. Sabi nila may nagpakamatay daw na boarder noon at sa mismong karpintero dito ang nagsabi na may fetus na nakabara nuon sa bowl na kinailangan nilang alisin. Nabanggit ng landlady namin na di palakwento at di naniniwala sa multo na pinapalayas nya ang mga di sumusunod sa rules nya, pinalayas nga raw nya yung mag-jowang babae pati na yung naglaglag ng sanggol sa bowl. Maging kami rin ng kasama ko ay nakasaksi ng abortion sa dorm na ito pero hindi na namin nagawang isumbong sya sa landlady. At lumipat na rin ako ng dorm sa bagong tayong dorm. Ang naranasan ko lang naman dun ay nung mag-isa lang ako na naiwan dahil umuwi mga roommates ko. Hinagilap ko ang cellphone kong katabi kong matulog na biglang nawala at di ko mahanap sa ilalim ng higaan ko, nung makitawag ako sa babaeng nakatambay sa labas ay natagpuan ko nalang itong naisiksik sa ilalim ng kama ng roommate ko na parang sinadyang itago.

Di ko man lang namalayan na nahulog ito o ano gayung di naman malalim tulog ko at wala pang isang oras akong nakahiga. Alangan naman ako ang naglagay don para lang lokohin sarili ko, ni hindi nga ako pumupunta sa kama nila. Sa takot ko lumabas ulit ako ng kwarto at naka-kwentuhan ko yung ateng pinagdial ko. Natulog na lang akong bukas ang ilaw. Nung ikwento ko ito sa roommates ko biniro pa akong baka hinila ng daga ang cellphone ko. May karanasan din ang isang roommate ko sa dorm pero di ko na isasali dahil mahaba na..

Sabi sakin ng isa sa mga napagkwentuhan ko. Baka di raw yung lugar ang haunted,kundi ako raw mismo ang Haunted. Hindi dahil sa mukha akong gurang hahaha kundi sa mga katangian ko.

----ate mo

Scary Stories 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon