Haunted University (Part 2)

240 5 0
                                    


Hello, Spookify! It's me again, Marga. Thank you so much, Admin Chai, for posting my story. So eto na nga po yung kasunod.

After nung mga naging experience ko sa dorm, madalas akong magkaroon ng panic attack. Lalo na nung second sem dahil panggabi ako sa pinag-transfer-an kong school. Pero sobrang thankful ako sa family ko dahil hindi nila ako pinabayaan. Dahil mas marami akong free time, naging active ako sa mga activities namin sa church. Lumaki po ako sa isang Christian home pero aminado akong weak ang pananampalataya ko before. Lagi na akong sumasama nun kapag may mga fellowship at Bible studies. Dun din nag-grow ang faith ko. Unti-unti, naging mas matatag ako at dumalang na yung mga panic attacks ko hanggang sa wala na at all.

Fast forward natin the next school year, wala pa ring available slot para makalipat ako ng day classes. 9:30pm ang uwian ng mga panggabi kaya sobrang hassle talaga lalo na 9pm yung last trip ng mga jeep sa bayan namin. So tinanong ako ng tita ko if ayaw ko daw bang bumalik na lang sa dati kong school. Yun din ang initial plan ko. Marami kasi akong mga naiwang opportunities doon na pinanghihinayangan ko. Nung una, ayaw ni Mommy pero sa huli ay pumayag na rin siya. Sabi ko sa kanya, "Greater is He that is within me, than he that is in the world." It's a line extracted from 1 John 4:4 na naging favorite line ko lalo na noong mga panahong meron akong panic disorder.

Last day na ng enrollment nung pumunta ako sa University kaya sobrang haba ng mga pila. Yung tipong darating ka na fresh pero pagdating mo sa picture-an ng ID, mukha ka ng zombie haha! Nakita ako nung mga dati kong classmates at tuwang-tuwa sila na bumalik ako. Sinamahan nila akong mag-enroll dahil tapos na sila. Then naitanong ni Camille (not her real name) kung saan ako mag-i-stay. Sabi ko di ko pa alam (balak ko kasing mag-uwian na lang araw-araw) kaya niyaya nila ako na sumali na lang sa kanila ni Sheila sa Camia Dormitory. Ito yung isa pang ladies' dorm na katabi ng Lotus Dormitory. Apat lang daw sila sa room kaya sobrang spacious. Pumayag naman ako (wrong move ka, Teh!) kahit may bad experiences na ako sa mga dorm na yan dahil parang mas madaling umoo na lang kesa magpaliwanag kapag tumanggi.

Nagpunta na kami sa dorm para magpalista. Una mong madadatnan ang Lotus Dorm bago ang Camia kaya medyo kinabahan ako nun habang papalapit na kami. Nakalampas na kami sa Lotus at wala namang kakaiba so nakahinga na ako ng maluwag. Nagulat lang ako nung pagpasok sa Camia at nalaman kong si Ma'am Len pala ang bagong dorm matron dito. Nag-asawa na kasi yung dating matron kaya inilipat siya. As usual masungit pa rin siya, pero yung tingin niya sakin parang marami siyang gustong sabihin.

Nagla-lunch kami sa cafeteria nung nakita ko si Ate Verns. Nakatingin rin siya sa akin at saka ngumiti. Umiwas ako ng tingin na kunwari di ko siya napansin. Pero nung palabas na kami sa cafeteria, tinawag ako ni Ate Verns at niyaya ako sa library. Ayun, kumustahan kami at dahil hindi naman kami ganun ka-close, hinayaan ko lang na siya magdala ng usapan. Then, bigla siyang tumahimik saglit at sumeryoso. "Marg, pasensya ka na sa lahat ng mga nangyari," sabi niya. Nagtataka naman ako kaya ang naisagot ko lang ay, "Ha?" Dun na siya nagsimulang magkwento.

Mayroon daw ate si Ate Verns. Hindi ganun katalino pero mabait at maganda yung ate niyang yon. Dito rin sa University namin siya nag-aral at nag-dorm. Ang ate niya ay Marcel ang pangalan. Nung second year na si Marcel, napansin daw ni Ate Verns na parang tumalino raw ang ate niya. Yun bang dati, lagi raw itong nagrereklamo dahil mahirap ang mga lessons, di niya gets, kesyo ganito ganyan. Pero that time pag umuuwi raw si Marcel sa bahay nila galing sa dorm, lagi itong nagbibida na siya ang highest sa mga tests nila, quizzes, ganon. Nung una, kiber lang kasi iniisip daw nila na meron naman talagang ganun, na baka late bloomer si Marcel or baka sadyang mas sumipag na itong mag-aral. Naging sakitin silang magpapamilya at ilang beses na na-ospital ang tatay nila na isang pastor. Pero si Marcel, never daw nagkasakit kahit konting ubo lang. Then, dun nila napansin yung pagbabago kay Marcel. Una, sa itsura niya. Unti-unti itong pumayat at nalalagas ang buhok kada magsusuklay siya. Ang pinagtataka lang nila ay malakas naman itong kumain to the point na para na siyang patay-gutom. Tapos, kapansin-pansin din ang mga mood swings niya. May mga pagkakataon daw na lagi itong galit at bugnutin ng wala namang obvious na dahilan. One time nga ginamit daw ni Ate Verns yung pantali ng buhok ni Marcel. Sanay naman daw sila na maghiraman ng gamit at nakakalat lang naman daw yung pantali kaya kinuha ni Ate Verns. Nung nakita raw iyon ni Marcel, nagsisigaw daw ito sa sobrang galit at hinablot yung pantali kahit nasa buhok pa ni Ate Verns. Takot na takot daw siya that time dahil parang ibang tao ang kaharap niya at hindi ang ate niya.

Scary Stories 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon