Hello Guys, silent reader po ako dito. Sana ma-post tong ise-share kong kwento (mahaba-haba po ito).Itago nyo nalang ako sa pangalang "Queenie", sa Manila na kami lumaki magkakapatid kasama parents namin, apat kami at nag-iisa akong babae, pangalawa ako sa panganay. Pero dahil sa isang pangyayari nalipat kami sa isang kilalang condo sa Makati. Actually yung condo na yun ay pagmamay-ari ng side ni Papa. Pero dahil 3 years ng walang nakatira kaya kami ang pinalipat dun.
Nasa pang-apat na palapag kami at ang condo unit namin nakapwesto sa may corner which is mas malaki kumpara sa mga katabing units. Pagpasok palang namin sa unit na yun e nakakataas na ng balahibo kasi biglang lumalamig at sa likod ng pintuan may napakalaking salamin.
May kusina, labahan, sala, dalawang CR at tatlong kwarto sa unit namin. Yung isang kwarto sa Panganay at sa pangatlo kong kapatid mga binata na kasi sila nung time na yun. Sa katabing kwarto nila yung Master's bedroom, dun sila Mama, Papa, bunso kong kapatid at yung anak kong babae natutulog. Yung katabi naman nung sa kanila e yung kwarto ko.
Nung mga pangatlong buwan namin dun nakaka-experience na kami na habang nagkwekwentuhan kami bigla nalang kami may maririnig na nagbubukas ng doorknob sa may labahan tapos biglang bubukas yung pinto. So lahat kami napapatingin dun. May isa sa amin na maglalakas ng loob na tignan kung may tao ba dun. Pero pagtingin naman e wla namang tao sa loob pero sobra yung hangin sa loob ng labahan na yun, ang nakakapagtaka dun e kulob yung lugar. Kaya isasara ulit maigi yung pinto tapos kapag nagkakasiyahan na naman kami ganun na nanan mangyayari kaya kinikilabutan kami.
Yung sumunod naman sa kwarto nung kuya ko at nang sumunod sa akin na kapatid. Si kuya nagkwento sa amin na na-experience nya nung natutulog sya nakapatay daw yung ilaw sa kwarto nila at alam nya na yung kapatid ko madalas nang inuumaga sa harap ng pc namin na nakapwesto sa may sala. Pero nung gabing yun sabi nya may nagbukas daw ng pinto ng kwarto nila, so buong akala nya yung kapatid na namin yun kasi double deck yung kama nila naramdaman nyang may umakyat na dun sa ibabaw. Pero nagtataka sya kung bakit habang nagkwekwento sya hindi sumasagot yung kapatid ko kaya naisip nya tulog na. Kaya lumabas nalang muna sya ng kwarto nila pero nagtataka sya kung bakit nakabukas pa yung ilaw sa sala pagtingin nya nandun yung kapatid namin. Tinanong nya kung pumasok na sya ng kwarto nila ang sagot ng kapatid namin hindi pa daw. Kaya nagtaka na sya.
Nung una hindi ako naniniwala pero nung ako na mismo naka-experience dun ako naniwala. Umaga nun, nagwawalis ako sa kwarto ko, habang nagwawalis ako daan ng daan yung anak ko kaya nainis ako kasi hindi ko mawalis ng maayos pero ang huling pagkakatanda ko yung huling daan nya papasok ng kwarto ko pero paglingon ko walang tao. Kaya ginawa ko tinignan ko yung mga tao sa sala. Nanonod mga kapatid ko at andun din yung anak ko. Kaya tinanong ko sila kung pumunta ba yung anak ko sa kwarto hindi daw kanina pa daw nila yun kasama nanonood kaya nagtaka na ko. 3 yrs old palang sya nung time na yun. Yung reason din kung bakit dun sya natutulog kila mama kasi everytime na pumapasok sya sa kwarto ko lalo na't umaga lagi sya nala-lock-an ng pinto mag-isa, siguro mga 4x nangyari yun. Imposible kasing i-lock nya yung sarili nya kasi hindi nya abot yung doorknob nun at wala syang kahit anong masasampahan sa kwarto ko. E una palang alam na namin na walang susi yung kwartong yun. Hindi mahanap-hanap kung saan nailagay dahil nga 3 yrs ng walang nakatira dun at ang huli pang tumira dun e nag-rent lang pero hindi rin nagtagal. Everytime na nala-lock-an yung anak ko ng pinto dumadaan ako sa kwarto nila mama papuntang CR at tumutulay ako dun sa bintana, nakakatakot lang kasi medyo makitid yung daanan.
Nagtitinginan sa akin yung mga gwardya sa baba kasi akala yata akyat bahay ako e kababae kong tao. Pero hanggang sa nasanay nalang sila na nakikita ako na ganun. Pero pagpasok ko ng kwarto makikita ko yung anak ko na parang may kausap kasi nagbe-baby talk sya. laging ganun. Pero hinahayaan ko lang.
Nung minsan pa na bumili kami sa tindahan sa G/F ng condo naging kakwentuhan na namin yung mga nagtitinda. Nagtanong yung isa sa amin, Saang unit po kayo? Sinagot naman namin sa 4** po. Nagkatinginan sila kaya nagtaka kami. Sabi nung isa dun po sa may pinakagilid? Yung paglabas po ba ng elevator kakaliwa ka tapos yung pinakadulong unit? Di ba matagal na bakante un? Sabi namin, Opo. Bakit po? Kilala daw yung unit na yun na may nagpapakitang iba't ibang elemento. May katabi daw kasi kaming unit ang kwento daw may nakasabay syang matandang babae na bumaba din sa 4th floor. Pero dahil nauuna yung matanda sa kanya nakatingin sya sa matanda tapos nung narating nya na ung unit nya habang binubuksan nya yung pinto ng unit nya paglingon nya dun sa matanda biglang tumagos sa pintuan. Kaya dali-dali syang pumasok sa unit nya. Kaya natakot kami lalo.
Siguro dahil matagal hindi natirhan yung condo unit na yun, at nabulabog namin sila kaya panay ang paramdam samin. Hanggang sa nasasanay nalang din kami at binabalewala nalang namin sila. Pero dahil laking Maynila kami nag-decide kami na bumalik nalang sa bahay namin dun. Pero bago kami umalis nakapanaginip si Mama ng batang lalaki nakangiti sa kanya, matatalas yung ngipin at yung tenga nya. Mukha daw elf. Hinahatak daw syang pilit nung bata pero dahil sa takot nya sa itsura nito kaya itinulak nya. Tapos bigla nalang sya nagising. Nakwento nya yun sa amin nung nakauwi na kami sa Manila. Mukhang ayaw na daw kami paalisin nung mga engkantong nandon kasi pinipigilan syang pilit. Dun ko lang din naisip na baka yun din yung batang panay ang lakad sa harapan ko nung nagwawalis ako sa kwarto ko gusto siguro magpapansin. Dun ko din na-realized na mukhang sya din yung dahilan kung bakit nala-locked sa kwarto yung anak ko mag-isa kasi gusto nya ng may makalaro.
- JQFH
Manila
BINABASA MO ANG
Scary Stories 2
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! Highest Rank : #3 in horror (03/20/2018) Consistent Rank : #6 (2018-Present) ciao /sheree