A/N : kung may kababalaghan sa 3rd floor, syempre meron din sa 4th floor hehe. enjoy reading!
***
Good day mga readers ng kwentong nakakatakot, tawagin nyo nalang akong Rico 23 yrs. old, itong kwento ko ay nangyari sa bahay na inuupahan namin. Naghanap kami ng mauupahang bahay swerte namang may nakita kaming apartment bali hanggang ikalimang palapag yung apartment na nakita namin. At yung bakante ay doon sa 5th floor, bali dalawang kwarto dun at sa kabilang kwarto ay may mag-asawang nakatira at bihira lang andyan.
Yung 4th floor ay walang nakatira at hindi rin nila pinauupahan dahil may nagmumulto daw dun. Nung lumipat na kami ay syempre dumaan kami sa 4th floor tahimik dun at walang ilaw sobrang dilim at walang kurtina.
Ilang linggo na rin kami dito sa inuupahan namin ng minsan ay gabi na ako umuwi. Nang mapadaan ako sa 4th floor ay may narinig akong kalabog na parang nalaglag.
Akala ko ay may tao pero nang tingnan ko ang bintana na sliding window ay wala namang katao-tao.
Kaya nagtaka ako at naalala ko yung sinabi ng caretaker sa amin na may nagmumulto daw sa 4th floor.Gabi nun lumabas si mama ng bahay para bumili ng katol. Nang pagdaan nya sa 4th floor ay may nakita daw syang parang kabaong sa loob ng isang kwarto dun.bNagulat si mama kung panong nagkaroon ng kabaong dun, maya-maya ay may lalaking sumilip daw sa bintana at yung lalaki ay sobrang puti daw at kalbo.
Sa takot ni mama ay napatakbo sya pababa ng hagdan.. At di na nakaakyat sa sobrang takot nya, hinintay nalang nya ako kung kailan ako darating.Sabado nun at bumisita ang mga officemates ko sa bahay namin at nagkainuman kami. Nang biglang may tumawag sa cellphone ng ka-opisina ko at maya-maya ay nagpaalam yung ka-opisina ko na bababa sya saglit kasi magpapaload. Kaya bumaba sya. Maya-maya ay humahangos at pawis na pawis sya na bumalik at putlang-putla, tinanonh namin kung anong nangyari sa kanya. Sabi nya ay nang bumaba daw sya ay may nakita daw syang isang babae na naka-gown na puti sa ikaapat na palapag at pumasok daw ito sa isang pintuan at nang bumalik na sya ay yung babaeng nakaputi ay nakatingin sa kanya sa loob ng bintana at nang tingnan nya ay sobrang pangit daw ng mukha nito at nakakatakot. Sa takot nya ay nagmamadali syang umakyat dito sa 5ft floor. Kaya nang matapos na kami ay sinamahan namin ng kuya ko ang mga officemates ko.
Minsan pa ay may naririnig kaming parang may naglalakad sa baba kahit na wala namang tao.
Rico ng makati
BINABASA MO ANG
Scary Stories 2
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! Highest Rank : #3 in horror (03/20/2018) Consistent Rank : #6 (2018-Present) ciao /sheree