Bus

964 19 1
                                    


Hi! Nais ko lang ibahagi sa inyo ang nakakapangilabot na nangyari sa ate ko. Taong 2002-2003 ito nangyari. Grade 4 pa lang ako at nagtatrabaho na si ate. Anim kaming magkakapatid, pangalawa si ate ako naman bunso. Ayun na nga, dahil may work na siya kung kaya't madalas siyang umuwi ng hatinggabi.

Isang gabi, umuwi si ate ng tulala at namumutla kasama yung katrabaho niya (Hinatid siya pauwi kasi nga parang wala sa sarili si ate). Nagising lang ako nun kasi ang ingay nila sa sala. Paglabas ko ng kwarto, lahat ng kapatid ko, ung katrabaho niya at sila mama at papa nandoon. Sabi ng katrabaho niya, pauwi na daw sila. Habang naghihintay ng masasakyan na bus, nagkukwentuhan at nagtatawanan silang lima. Sa sobrang saya nila, sumakay na lang sila basta sa bus. Pag-akyat nila, kakaiba daw ang atmospera sa loob. Tahimik pero lahat ng pasahero mulat na mulat. Lahat nakatingin sa kanila at talagang sinusundan sila ng tingin. Umupo sila sa bandang dulo para makaiwas sa mga tingin ng ibang pasahero.

So tuloy lang ang kwentuhan at tawanan. Sila lang ang maingay kaya tumitingin sa kanila ng masama ang mga pasahero. Kaya sabi nung isa nilang katrabaho "Uy, tama na. Masyado na tayong maingay. Tinitignan na nila tayo oh." Kaya tumahimik sila. Lumapit naman yung konduktor para maningil sa kanila.  Maya-maya, nagpatawa ulit yung isa nilang katrabaho. Edi tawanan ulit. Sakto naman na biglang sigaw ng konduktor na, "******! Mga bababa ng ******, dito lang po ang babaan!" Bumaba sila ng bus ng tawa pa rin ng tawa ng hindi man lang tinitignan ung lugar kung yun na ba talaga.

Pagbaba nila, lahat ng pasahero sa bus, nakasilip sa bintana at nakatingin sila. Kahit umaandar na yung bus, nakasunod pa rin sa kanila ng tingin. Don na sila kinilabutan at nagsisihan na 'Maingay kasi sila'. At don din nila na-realized na mali ung lugar na binabaan nila. Ibang-iba daw. Walang mga sasakyan na dumadaan. Walang tao bukod sa kanila. Medyo madilim at mapuno ang paligid. Hindi sila pamilyar sa lugar kaya sabi ni ate "Nagalit yata sa atin yung driver kaya dito tayo binaba. Paano na?" Nagsimula silang maglakad kahit di nila alam kung saan sila pupunta.

Maya-maya may nasalubong silang medyo may edad na, at nagtanong kung saan ang daan palabas sa lugar na yon kasi naliligaw sila at doon sila binaba ng sinakyan nilang bus. Sabi nung ale "Naku! Walang dumadaan na bus dito simula nung may maaksidente na bus nung isang taon. Lahat ng sakay patay." Doon sila simulang kabahan. "Diretsuhin nyo lang ang daan na yan, palabas yan papuntang siyudad." Nagpasalamat sila at nagsimula ng maglakad. Tapos nilingon nung isa nilang katrabaho yung ale, wala na, hindi na niya makita.

Dahil sa takot, nagtakbuhan sila. Wala pa daw 5mins, nasa siyudad na sila. Marami ng sasakyan, tao, maingay at maliwanag. Nilingon nila yung lugar na pinanggalingan nila pero nandoon pa rin sila sa lugar kung saan sumakay sila ng bus kanina. Sobrang takot nila kasi para silang napaglaruan. Mas nakakakilabot pa, dumaan ulit yung bus na sinakyan nila kanina at lahat ng pasahero nakatingin pa rin sa kanila.

Dahil si ate ang #1 na matatakutin, siya yung natulala. Kinabukasan, nilagnat ng bongga si ate. At nirequest niya sa pinagtatrabahuhan niya na pang-opening na lang ang shift niya.

Ayun, bata pa ko nun pero tandang-tanda ko mga nangyari kasi ako man nung panahon na nakikinig ako sa kwento ng katrabaho niya, takot na takot ako.

Chismosang bata

Scary Stories 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon