Ang Babae sa Open Canal

1.1K 22 2
                                    


Hi readers! Ise-share ko lang sa inyo itong istoryang naikwento sa akin ng Papa ko not so long ago. Sa Makati kasi siya nagtatrabaho at araw-araw siyang dumadaan sa kahabaan ng "Open Canal". Isa itong mahabang kalsada sa Imus, Cavite na extended hanggang Daang Hari Road na papunta namang Molino Cavite.

Nung araw na yun, maagang umalis sa bahay yung Papa ko kasi kailangan daw nasa Makati na siya ng 6 am. Tandang-tanda ko non 4:30 am siya umalis sa bahay. Kinagabihan pag-uwi niya, kinwento na niya sa amin ang naranasan niya sa Open Canal nung bumiyahe siya ng umaga. Medyo mabilis daw ang pagpapatakbo niya nung umagang yun. Pero hindi daw niya alam kung bakit napatigil siya sa babaeng pumara sa kanya. Nagmamakaawa daw yung babae na isakay siya hanggang sa highway. (Take note nakamotor lang si Papa). Nakaputing bestida daw yung babae pero akala mo daw talaga eh tipikal na babae lang. Naghesitate daw ang Papa ko kasi bukod sa nakabestida siya, sabi daw ni Papa eh wala siyang extra helmet para dun sa nakikisakay na babae. Humingi na lang siya ng pasensiya at humarurot na daw.

Kinagabihan, dun daw uli dumaan si Papa pauwi naman. Habang nasa kalagitnaan daw si Papa ng Daang Hari - Open Canal Road naramdaman daw niya ang biglaang pagbigat ng motor niya na para bang may sumakay. Medyo napagewang pa nga daw siya kasi na-distract siya at tumaas na daw bigla mga balahibo niya. Tiningnan niya side mirror ng motor niya, wala naman daw nakasakay pero bumigat daw talaga. Nagpray daw siya ng paulit-ulit. Paglagpas niya sa madilim na kahabaan at maliwanag na ang daan, bigla daw gumaan ang motor niya. 2 weeks after niyang ikwento sa amin yun, may aksidente ring naganap sa parehong lugar na dinaanan ng Papa ko. Mga grupo ng magbabarkada naman daw ang namatay at ang kwento daw, may humarang din sa kanila na babaeng nagpupumilit sumakay. Pero sa kasamaang palad, naaksidente silang lahat.

Mula noon, hindi na dumadaan sa kalsadang yun ang Papa ko. Patuloy ang pagwa-warning ng karamihan sa Daang Hari Road na palaging mag-iingat pag napadaan sa lugar na yun. Samahan na rin natin ng dasal at pananampalataya.

Inhinyera

Scary Stories 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon