Siesta

1.1K 20 0
                                    


Sa bahay namin, iisa lang ang kwarto. Kaya kung gusto kong makatulog ng walang istorbo doon ako sa kwarto namin.

College palang ako ng mangyari ang mga ito. Kadalasan kasi half day kami kaya pagkauwing-pagkauwi ko sa bahay namin, magbibihis lang ako at dire-diretso sa kwarto para matulog. Wala ng kain-kain kasi, sa sobrang pagod ko mas gusto ko pang matulog nalang. Laging ako lang ang tao sa bahay nun kasi nasa school pa mga kapatid ko. 12noon lagi ang time ng pagtulog ko. Nakahiga ako sa kama namin na nasa gilid ng kwarto. Hindi rin ako nagsasara ng pinto para alam ko kung may taong papasok ng kwarto. Madali rin akong magising kung may maramdaman man akong kakaiba.

Noong una, may naririnig akong footsteps sa loob ng kwarto na para bang naglalakad ng pabalik-balik sa kama kung saan ako nakahiga. Nagising ako dahil dun pero hindi ako lumingon sa lugar kung saan nanggagaling yung tunog, nakaharap kasi ako sa pader kapag natutulog, nakatapat ang likod ko sa pinto. Syempre, hindi ko ito pinansin, iniisip ko nalang na guni-guni ko lang yun dala ng sobrang pagod at isa pa it's 12noon, feeling ko noon walang multo kapag tanghaling tapat hahaha. Ilang beses ng naulit ang pangyayaring yan pero kinasanayan ko nalang ito yung para bang sanay ka na sa footsteps na naririnig mo and sobrang liwanag sa bahay nun e kaya hindi ako takot. Ok na sana kung footsteps lang e pero kinilabutan ako ng matulog ulit ako sa kwarto namin isang araw, the usual naririnig ko na naman yung footsteps, ready na sana akong matulog nang maramadaman ko na para bang may isang tao na humiga sa tabi ko. Yung talagang mararamdaman mo yung bigat nya at yung kama na hinihigaan mo, mararamdaman mo na may konting paggalaw dito. First time kong maramdaman yun kaya naglakas loob ako na lingunin kung sino man yung tumabi sa akin nagbabakasakali na si Mama lang yung tumabi sa akin but no. Walang tao sa kama kundi ako lang. Tumayo ako at lumabas ng kwarto pero wala talagang tao sa bahay namin nun, ako lang.

Nagpaulit-ulit ang pangyayaring ito. Kung dati, footsteps lang, ngayon may humihiga na rin sa tabi ko. Pero may isang pangyayaring hinding-hindi ko malilimutan. 12 noon, oras na naman ng pagtulog ko sa kwarto kaya humiga na naman ako sa kama at humarap sa pader. Alam kong nasa mahimbing na pagtulog na ako ng marinig ko na naman ang footsteps, para bang paikot-ikot lang sya sa kwarto namin. Mabibigat at dahan dahan na yabag ang naririnig ko at gaya ng inaasahan, humiga ulit sya sa tabi ko. Ramdam na ramdam ko ang presensya nya sa likod ko. Nararamdaman ko rin yung pagbaling nya sa kama, yung nagpapalit sya ng pwesto sa paghiga samantalang ako naman ay parang bato. Hindi ako makagalaw that time parang paralisado buo kong katawan. Hindi ko alam kung gising ako or nananaginip lang ako. Ang gusto ko lang mangyari nun ay gumalaw at lingunin yung nilalang na nasa tabi ko. Nagdasal ako at pilit na ginagalaw mga daliri ko sa kamay at paa. Pinilit ko ding sumigaw pero walang hangin na lumalabas sa akin. Nananalangin ako na sana may dumating sa bahay at puntahan ako. Hindi ko alam kung nasa nananaginip ba ako o hindi dahil aware ako sa mga nangyayari sa akin. Bumaba ang kilabot at kaba ko ng may narinig akong maliliit na footsteps sa labas ng kwarto. Footsteps ng isang bata na tumatakbo sa labas ng kwarto, pamilyar ako sa tunog na yun dahil may pamangkin ako na nakatira rin sa amin, sya si Manuel. At hindi sya mag-isa dahil may isang pares rin ng paa na naririnig kong naglalakad sa labas ng kwarto, iniisip ko na baka si Mama ito. Nakauwi na sila ni Manuel galing ng school. Ang sabi ko sa sarili ko "Buti nalang nandito na sila." Pero biglang bumalik ang kilabot ko nang maalala ko na isang linggo na palang wala sa amin si Manuel dahil nagbabakasyon sya sa ibang lugar. Ibig sabihin hindi sya ang batang tumatakbo sa labas ng kwarto. Kung sino at ano man sila ay hindi ko alam.
Simula noon, hindi na ako natutulog sa kwarto namin kapag siesta time. Mas gugustuhin ko pang sa sala natutulog, sa mahabang upuan kung saan ako lang ang kasya at walang sinuman ang makakatabi sa akin. 😂

PS. Hindi pa kami nagpa-house blessing kaya siguro maraming entities sa amin.

LPT.29
Pampanga

Scary Stories 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon