Clinic Nurse

1.1K 28 0
                                    


Hi spookifiers! Hi admins. Silent reader ako dito sa spookify. First time ko rin mag-send ng story dito gamit account ng kaibigan ko. kasi natatakot ako at hanggang ngayon eh kinakabahan pa rin ako baka magparamdam sya ulit sa akin. Medyo mahaba 'to. Thru messenger ko lang ise-send 'to kasi chrome lang kasi gamit ko. Hehe sana ma-post 'to. Itago nalang natin ang pangalan ko sa Jay, babae. 17 taong gulang at nakatira dito lamang sa isang lugar dito sa North Cotabato. March 11, 2016 7:50pm, ito yung eksaktong araw at oras na nakaranas ako ng nakakatakot na karanasan. Sa paaralan namin konti lang ang mga estudyante, sguro mga 300+ lang ang students sa HS kasali na ang senior high students. Medyo wala sa isip ng mga estudyante dito ang kababalaghan na kadalasan eh nararanasan ng ibang school, lalo na sa public school. Catholic school po yung paaralan namin. Konti lang naman. ang usap-usapan dito sa school, sa guardhouse namin na meron daw nagbigti na estudyante, sa faculty room, meron daw doong bata na namatay di ko alam kung ano ang dahilan, sa big CR, may tatlong bata rin daw na nagpaparamdam at sa convent meron daw madre na nagpapakita sa terrace na walang mukha. Di ko alam kung totoo ba lahat ng yun o hindi. Kasi ako? Nakaranas na ako ng kababalaghan dito sa school, at wala dun sa nabanggit ko. Sasabihin ko mamaya kung nasaan. Sisimulan ko na ang kwento.

March 11, 11am, nakaranas ako ng pananakit ng tiyan, parang tinutusok-tusok dahil sguro sa sobrang lamon. Gusto ko sanang umuwi pero di ako payagan ng Teacher namin kasi may station of the cross daw sa hapon mga 3:00pm. Tapos wala pang nurse. Absent daw. Aabsent sana ako after ng last subject namin sa morning kaso bawal kami lumabas ng gate every lunch, di rin ako pinayagan ng guard na lumabas kasi wala akong excuse slip. Eh wala na yung teacher namin, lumabas na kasi naglunch. So ayun, nag-stay nalang ako sa room. Di ako makalakad ng maayos sa sobrang sakit kaya binilhan nalang ako ng mga barkada ko ng pagkain at gamot. So ayun fastforward, 2:30pm, nag-ready na ang mga students sa labas ng room para sa station of the cross, eh ako namimilipit pa rin sa sakit ng tiyan, so di na ako sumali ng activity, tapos naghanap nalang ako ng matatambayan sa labas ng room nakakatakot sa room kasi nakakabingi ang walang ingay kasi nga ako lang yung tao sa loob. So ayun, naisipan kong pumunta sa clinic, nagbabakasaling bukas at makapagpahinga ako dun. So ayun nga di ako nagkamali bukas nga at ang pinagtataka ko eh may nurse na eh akala ko absent so ayun...

Nurse: ano kelangan natin, langga?
Ako: pwede po bang magpahinga muna dito ate? Sobrang sakit po kasi ng tiyan ko.
Nurse: ah ganun ba? Sige dito ka muna (may binigay na gamot) inumin mo 'to at matulog ka muna diyan at paggising mo di na sasakit tiyan mo. magpahinga ka.
Ako: ay, thank you po ate ha. ano po ulit pangalan nyo ate?

At di na ko narinig kasi nilagay nya na yung headphone nya sa tenga nya. So ininom ko nalang yung gamot at humiga na. Mga trenta minutos na akong nakahiga dun ng makarinig ako ng kabog sa kisame ng clinic, di ko pinansin at kumabog ulit. So tumayo ako at magtatanong sana kay ate kung ano yung kabog na yun ng wala na palang tao dun at sarado na ang pintuan, so kinuha ko yung bag ko at dali-dali akong lalabas sana ng naka-lock ang pinto, di ko mabuksan, pinaghahampas ko ang pintuan at sigaw ako ng sigaw pero walang nakakarinig sa akin, binuksan ko yung kurtina upang sumilip at makahingi ng tulong pero wala ng estudyante medyo makulimlim na rin. kaya takot na takot na talaga ako. may napansin akong parang may umiiyak sa likod ng clinic. So kinakabahan na talaga ako nun ng sobra, di na ako mapakali, pinuntahan ko ang likod sumilip kung ano yung umiiyak, alam kong di na normal ito, yun yung nasa isip ko. Nang sinilip ko ang bintana ng clinic sa likod, may nakita akong babaeng nakaupo at umiiyak sya na parang humihingi ng tulong "Ate? Buksan mo ko dito please. Ano po bang nangyari? Napano po kayo ate?! Anong nangyayari?!" maluha-luha na ako nun ng i-angat nya yung ulo nya, di ako makagalaw sa nakita ko, putlang-putla na parang yung dugo ko pumunta lahat sa ulo ko. Nakita ko si ate, bugbog sarado sya, dumudugo yung labi at ulo nya tapos basag yung salamin nya. At sa di kalayuan may sumigaw di ko maklaro kung ano yung sigaw pero parang pangalan yun ni ate. Yung sigaw na parang galit na galit. Pagtingin ko shit talaga, may lalaking nagmamadaling lumalakad patungo kay ate tapos may hawak-hawak na martilyo. Yung damit nya may dugo. Nagmamadali akong nagtago. "ate takbo!" Iyak na ako ng iyak sa sobrang takot, di ako makagalaw, di ako makatakbo umupo nalang talaga ako. Pagkatapos narinig kong umiiyak na ng malakas si ate nurse, yung parang takot na takot talaga. "TULOOOOOOOONG! TULUNGAN NYO AKOOOOOO!!!!!" yun na lang yung huli kong narinig sa kanya. tapos may narinig akong kalabog ng likod sguro hinampas na nung lalake si ate, sinilip ko. para na akong mabaliw sa nakikita ko. hinahampas ng martilyo si ate ng lalake. Yung mukha ni ate di na maklaro yung mukha kasi puno na ng dugo, yung kamay nya bali na, yung tuhod nya bali na rin. Awang-awa na talaga ako nun gusto kong tumulong pero wala akong magawa. Natatakot ako sobra, di rin ako makagalaw. Sumilip ako ulit, laking gulat ko nung may mata akong nakita. Shit talaga yung lalake nagkatitigan kami tapos sumigaw na ako, di ko na alam anong gagawin ko. Naka-lock yung pinto sa labas. Di ako makatakbo, parang may pumipigil sa mga paa ko. Tumakbo yung lalaki naglibot, halos mabaliw ako ng marinig kong hinahampas nya ng martilyo ang pintuan sa harap ng clinic. Tapos nabuksan na. Di ako makagalaw, di ako makasigaw, parang mawawalan na ako ng hininga, nilapitan nya ako at hinampas ng martilyo sa mukha, yung dugo ko tumalsik sa noo nya. natumba ako, sigaw pa rin ako ng sigaw ng tulong tapos hinampas nya ulit ako ng upuan. Nawalan na ako ng malay. May naririnig akong sigaw, parang malayo "JAAAAAAAAAAY! GISING JAY! GISING!" tapos nagising ako. Nagising ako sa kama ng clinic, pawis na pawis at madilim na ang paligid. Niyakap ko ang mga kaibigan ko, di ko alam anong gagawin ko. Iyak lang ako ng iyak. Tapos sila umiiyak rin sa sobrang kaba. Panaginip lang ang lahat. Hinanap pala ako ng mga kaibigan ko kaya nila ako nahanap dito sa clinic. Tumatawag na daw ang mga magulang ko sa kanila kasi di pa ako nakauwi. Kaya nagtaka sila. Kasi di nila ako nakasamang umuwi kanina. Akala daw nila eh nakauwi na daw ako nun. Bumalik daw sila ng school namin para hanapin ako, tapos may naririnig daw silang sumisigaw parang humihingi ng tulong ako di nga daw sila nagkamali, ako daw iyon. Naabutan daw nila akong sumisigaw, binabangungot kaya ginising nila ako. Almost 10minutes daw ng ginigising nila ako pero di ako gumigising sigaw lang daw ako ng sigaw. Tinatawagan na nila yung teacher namin, yung mama at papa ko na nandun daw sila sa school binabangungot daw ako di ako gumigising. So ayun nga di nagtagal dumating na sila mama at papa tapos yung mga teachers. Isa lang tinawagan pero lahat pumunta. Alalang-alala daw sila. Yung unan ko basang-basa ng pawis at luha. So dahil panaginip lang lahat, hinanap ko si ate na nurse. Pero wala sya. Di ko alam kung bakit, tinanong ko mga kaibigan ko kung nakita nila ang nurse pero wala daw silang nakitang nurse pero sabi ko kasama ko yung nurse kanina at sya nagpapasok sa akin dito. Sabi ng teacher namin walang nurse na pumasok ng araw na yun. Pero pinipilit ko talaga silang meron at binigyan pa ko ng gamot, pinakita ko sa kanila ang plastic na nilagyan ng gamot. Pina-explain nila sa akin kung ano daw ang mukha so in-explain ko, di sya pamilyar sa akin akala ko nga bagong nurse, maiksi ang buhok, matangkad at morena. Tapos tinanong ng teacher ko kung may nunal daw ba sa gilid ng mata, so ayun nga eksakto, meron iyong nunal sa gilid ng mata. Ang ibang teachers shock na shock at parang di makapaniwala. Patay na daw iyong nurse na iyon. Pinatay ng kanyang boyfriend sa likod ng clinic. Pinukpok yung katawan at mukha ng martilyo 7years ago. So ako iyak na naman sa sobrang takot, yung isang teacher umiiyak rin kasi kaibigan nya daw yon. Yung mga magulang ko yakap pa rin ng yakap sa akin sa sobrang kaba, yung mga kaibigan ko umiiyak rin, sobrang pasalamat sa maykapal. Sobrang pasalamat ko sa kanila kasi kung di dahil sa kanila siguro patay na ako ngayon dahil sa bangungot na yun. So ayon umuwi na kami, yung mga kaibigan ko sa bahay na natulog baka daw balikan ako nung nurse at magparamdam na naman sa panaginip. After nung pangyayaring iyon, pina-bless yung clinic na yun. Di pinaalam sa mga estudyante yung mga nangyari sa akin at baka matakot daw sila. So mga kaibigan ko lang at mga teachers ang mga nakaalam nun. Wala rin namang nagpaparamdam ulit sa akin nun, always lang magpray kay God, yun lang. Humingi ng proteksyon, at higit sa lahat magpasalamat sa kanya dahil buhay pa tayo hanggang ngayon. Minsan nalang din kami dumadaan sa clinic na iyon kasi kinikilabutan pa rin ako.

Sorry if sobrang mahaba. First time ko kasi mag-send ng story.
Ps: may third eye po ako. Ngayon ko lang din nalaman.
Pps: na-send ko na po 'to sa ibang page pero di na-post. I hope ma-post po dito. Thank you!

Jay
North cotabato

Scary Stories 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon