Apato (Apartment)

530 12 0
                                    


I dare you to read this alone, in your dark room, read it out loud. And vividly imagine that you're just right beside me.

Tatlong buwan lang ako nagtrabaho sa Haneda Airport. Eto yung panahong ang toxic ng life ko. Nawalan ako ng trabaho, nag-break kami ng girlfriend ko, I lost my scholarship, my mom and I always having an argument about small things. I just wanna disappear.

Pero isang araw, nakatanggap ako ng invitation galing sa mother ni Bud. Malapit na yung unang death anniversary nya, so his mom asked me, actually not just me, also Shey and our other friends to go to America. I accepted the invitation, chance na yon para kahit papaano'y makawala ako sa stress. Ang kasama ko lang ay si Mike, busy si Shey sa OJT at paghahanap ng company na mag-i-sponsor sa kanya ng working visa kaya hindi sya nakasama.

Fast forward, Mike and I enjoyed the whole vacation. We stayed at Bud's house. Ang bait ng buong pamilya nya, mas lalo pa naming nakilala si Bud dahil sa mga kwento nila, nakakamiss sobra. Nothing strange has happened, thank God.

Anyway, they toured us around San Diego. Shopping dito, bili ng kung anu-ano doon, hindi ko na nga namalayan na halos wala na yung ipon ko, YOLO lang ang peg. Hindi ako mayaman, but I'm working hard, enough to afford to go abroad.

Pagbalik ko ng Tokyo, mga resibo ng bayarin ang sumalubong sa akin. Then I realized, I'm jobless and... broke. So what am I supposed to do? Ayokong humingi ng pera sa mommy ko so nag-arubaito (part time job) ako. Nag-part time ako sa Sanrio Puroland (hello sa mga mahihilig sa Hello kitty dyan lol) sa umaga at sa isang restaurant pag gabi. Nakaipon ako ng pera sa loob ng isang buwan, enough para mabayaran ko yung mga bayarin ko at sa paglipat ko sa Chiba Ken. Oh btw, nag-apply ako sa Narita Airport at natanggap ako.

Lilipat na ako ng apartment malapit sa Narita. Nag-search ako ng murang apartment sa internet, meron akong nakita tapos tinawagan ko, kaso meron kaming hindi napagkasunduan, so hanap na naman. Nakakapagod, ang sakit sa ulo. Pero yung huli kong natawagan, ang daling kausap nung may-ari, tapos ang mura lang ng renta.

Kinabukasan pinuntahan ko yung apartment, 2nd floor lang sya pero mahaba, naghihintay sa labas yung agent at yung may-ari.

"Konnichiwa, sumimasen ne chotto osokatta. Yoroshiku onegaishimasu." (Hello, sorry po medyo late ako) sabi ko, sabay bow.

"Iie, Daijobu desu, chodo ii desu yo, yoroshiku onegaishimasu." (Hindi, okay lang, sakto ka lang sa oras) Nakangiting sabi ng may-ari. Babae sya at sa tingin ko, nasa late 50's na sya.

Yung mga katabing kwarto, mukang may mga nagrerenta din. Pumasok na kami sa loob ng apartment na nasa 2nd floor, okay naman sya. Hindi kalakihan pero mukhang komportable since nag-iisa lang naman ako. Typical japanese apartment. Pagpasok, unang madadaanan yung kitchen, then CR/shower room at yung kwarto. Hindi naman lumang-luma yung apartment, kaya nakakapagtaka bakit ang mura knowing na nasa city pa.

Hindi ko napigilang magtanong...
"Sumimasen ne, nanka sa, nande kono apato no yachin wa konnani yasui desu ka?" (Excuse me po, gusto ko lang sana malaman bakit ang mura ng renta sa apartment na to?)

Nagtinginan sila nung agent, parang nag-aalinlangan kung sasagutin yung tanong ko. Tumingin sya ulit sa akin, pero di agad nagsalita. Iniisip pa siguro kung anong sasabihin nya.

"Eeto, mae no shakuyanin ne," (Ahm, yung dating nagrerenta dito) paused "kono heya no naka ni jisatsu shitan desukedo..." (sa loob ng kwarto na ito, nagpakamatay sya) yeah of course, hindi sila pwedeng maglihim sa history ng apartment na to.

Tumalikod ako. Here we go again. *rolling my eyes

"Sou nan desu ka?" (Ahh ganon po ba?) Parang tanga kong sagot. Wala na 'kong masabi e, nakaka-disappoint kasi. Ilang araw na lang mag-start na 'ko sa work, kung maghahanap pa 'ko ng apartment ulit wala nang panahon.

Scary Stories 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon