Backpack

1.3K 21 1
                                    


Based on true experience po ito.

October 27, 2013 around 11pm. Tahimik ang buong paligid nun ng may isang sigaw ang gumising sa halos buong subdivision namin sa sobrang lakas ng pagkakasigaw. Siguro po ay gumapang ang takot sa buong katawan ng mga nakarinig nun.

Kinabukasan, nagulat na lang po kami at ang mga imbestigador nang makita namin ang nakahandusay na katawan ng isang binata. Nakatirik ang mata, nangingitim ang mga labi, naninigas ang mga daliri, nakaliyad ang dibdib. Tapos yung mga balahibo sa braso at binti ay nakatindig. Mukha syang 16-17 yrs old naka-uniform.

Isang misteryo po ang pagkamatay nya. Wala naman daw pong naganap na pagnanakaw dahil wala naman daw pong bagay na nawawala. Wala rin pong natagpuang fingerprints yung mga imbestigador. At saka po nakakandado yung mga pintuan sa bahay nung binata. Ayon naman daw po sa autopsy, lumalabas na atake sa puso ang ikinamatay ng binata. Pero sabi daw po ng doktor nung binata, wala daw po itong karamdaman at malusog naman daw po ang binata. Yun din daw po ang sabi ng mga kakilala nya. Pero palaisipan po yung backpack na nakita malapit po sa bangkay nung binata. Halos masuka kami nung buksan ng mga imbestigador nung nalanghap namin yung nakakasulasok at malansang amoy. Saka po may mga bahid ng tuyong dugo sa loob ng backpack. Tapos meron pong mga hibla ng buhok.

Sabi daw po nung mga kaklase nung binata, pinagmamayabang pa daw ng biktima yung backpack na yun sa kanila ilang araw bago daw po mamatay. Nabili daw yun sa ukay-ukay sa Baclaran. Natipuhan nya daw dala ng astig na design at mura daw ang presyo. Pero may kalumaan na at kailangan daw nya munang linisin dahil may mantsa at may amoy ang bag. Sabi naman ng magulang ng binata,napansin daw nila na parang balisa ang anak nila. Nag-confess daw ito sa kanila na parang laging may nakatingin daw sa kanya. At pag madaling araw daw ay nakakarinig daw ito ng kaluskos kaya kinakandado nya lahat ng pintuan sa bahay nila.

Hanggang sa tuluyang natapos ang imbestigasyon. Lumilitaw na atake sa puso nga ang ikinamatay ng binata. Tinanggap naman yun ng magulang at kaibigan ng binata. Ngunit may mga katanungan pa rin para sa amin na hindi masagot: Bakit sumigaw ng ganun yung binata? Ano kaya ang nakita nya? ano ang ginawa sa kanya at bumigay ang kanyang puso?.

Pagkalibing nung binata, kumalat sa subdivision namin ang isang kwento. May isang residente sa subdividion namin ang nakakita sa binata nung pauwi na ito. May nakita daw itong babaeng nakasunod sa binata. Umiiyak. Hinahaplos daw at niyayakap ang backpack na dala ng binata. Tapos sa backpack daw may nakita daw syang isang sanggol.
Isang buwan matapos ang insidenteng yun, lumipat na kami ng tirahan dala na rin ng takot.

Salamat po sa pagbabasa.
-Ranz

Scary Stories 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon