Hi. Magtatago nalang ako sa pangalang Akiko, 27 taga probinsya na di naman malayo sa Maynila. Iku-kwento ko ang iba't ibang paranormal na na-experience ko. Maiigsi lang pero madami. Wala akong third eye tulad ng kapatid ko. Nakatira kami sa lumang bahay tulad ng bahay ni Dr. Jose Rizal. Kahoy, capis ang bintana at luma na.7 years old
Magkatapat ang pinto ng kusina namin at ang aming hagdan pataas ng second floor. Mga alasais ng hapon nun, nag-aaway kami ng ate ko, ako umiiyak. Biglang me tumakbo galing kusina pataas ng second floor, di naman kabilisan pero kita sa peripheral vision at may footsteps habang tumatakbo sa hagdan. Sinundan ko sa taas naisip ko kasi baka si daddy. Pag-akyat ko walang ilaw, tinawag ko "Daddy? Daddy?" Biglang sumigaw ang ate ko "bumaba ka dyan dahil walang tao dyan!."9 years old
Nagbakasyon sa amin ang 3 pinsan ko. Yung pinakamatanda naliligo sa cr (na nasa kusina din namin). Kami naman nasa sala lang. Biglang may tumakbo pataas naka-white at ang lakas ng yabag ng paa sa hagdan. Sinundan ng mga pinsan ko, akala nila tapos ng maligo yung isang pinsan namin pero pag-akyat nila walang tao.11 years old
May kasama kaming matandang dalaga sa bahay namin, 98 years old. Ulyanin na sya, kuba at mahina na. Minsan nagsusulat sya ng mga Krus sa pader ng kwarto nya hinahayaan nalang namin. Pero nagulat nalang kami ng makita namin na may mga Krus din na sulat sa ceiling ng kwarto nya na hindi naman nya abot .15 years old
Nasa school ako kasama ko ang mga classmate ko. Nagkukwentuhan kami. Biglang may dumaan sa labas ng bintana namin na color white. Di ko pinansin kasi baka ako lang nakakita pero biglang nag-react din ang dalawa kong katabi.20 years old
Pina-renovate na namin yung lumang bahay. Yung kwarto ko na yung dating kwarto ng matanda na namatay na. May pagkakataon na habang natutulog ako, dahan-dahan kong nararamdaman na umuuga yung kama. Hindi lang isa or dalawang beses ko na-experience, madami din pero nasanay na ako. Na-experience din ito ng mommy at ate ko.---
Mag isa ako sa bahay, nakahiga ako sa sala. Narinig ko me naglalakad sa taas (second floor) di ko pinansin. After ilang hours nabalitaan ko me namatay pala kaming kamag-anak.Last year
Mag-isa ako sa bahay, bukas ang electric fan sa dining area. Pinatay ko at nagpunta ako sa cr, paglabas ko, bukas na naman ang electric fan, pinatay ko nalang ulit at di na pinansin.----
Isang gabi nagka-crafting ako sa kwarto. Gumagawa ako ng hair accessories, sa peripheral vision ko biglang may dumaan na color white pero mabagal. Di ko nalang ulit pinansin.3 days ago.
Nakahiga ako sa kama ko nanood ng movie. Tumagilid ako sa left side. Ramdam na ramdam ko biglang may umiihip sa kanang tenga ko mula sa likuran. Humarap ako agad, wala namang tao.Yun lang.
Akiko
Rizal
BINABASA MO ANG
Scary Stories 2
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! Highest Rank : #3 in horror (03/20/2018) Consistent Rank : #6 (2018-Present) ciao /sheree