Sta. Mesa Station

1K 21 0
                                    


Itago nyo nalang ako sa pangalang JC, I'm a college student sa PUP Sta. Mesa, from my 3 years na pagbyahe sa PNR papunta at pauwi ng school ko wala naman akong na-e-experience na creepy sa Sta. Mesa Station, but until March 2 current year, around 5 to 6pm yun, pauwi na ko byaheng pa FTI station at naghihintay ng tren. Mga 20 minutes din bago nag-announce na yung tren ay papunta na daw sa station namin kaya pina-akyat na kami sa platform. Habang nag-aantay sa platform napansin ko yung dalawang bata na naghahabulan pa sa riles, parang di man lang sila natatakot kahit parating na yung tren. Hinayaan ko lang sila kasi alam ko sasawayin naman sila ng guard pero pinagsawalang bahala lang yun ng mga guard na parang di man lang nakita. Maya-maya papalapit na yung tren, sinasaway ko na sila pero di parin sila umaalis sa riles kaya pumunta na ako sa guard para paalisin nila yung dalawang bata.

Ako: Kuya yung dalawang bata hahayaan nyo lang yan?
Guard: Anong bata? Saan?
Ako: Ayan oh naghahabulan pa! *sabay turo*
Guard: Saan ba? Wala naman.

Napapikit nalang ako nang masasagasaan na sila pero nung nadaanan na sila ng tren bigla nalang silang nawala, nakakapagtaka na parang wala man lang nag-react sa mga nag-aantay na tao. Tumayo bigla yung balahibo ko, feeling ko ako lang talaga nakakita sa dalawang bata. Kitang-kita ko talaga sila at rinig na rinig ko pa yung tawa nila habang naghahabulan, di ako maaaring magkamali. Pag-uwi ko sa amin tulala lang ako dahil sa takot at pinilit ko nalang yun kalimutan. Kinabukasan pauwi na ulit ako galing PUP at pasakay uli ng tren, bigla akong kinausap ng guard. Sabi niya yung dalawang bata daw na nakita ko kahapon ay madalas din daw magpakita sa kanya. Sabi daw sa kanya ng mga taga dun, yung dalawang bata na yun ay nasagasaan ng tren ilang taon na din ang nakalipas. Naglalaro daw sila nun sa riles ng masagasaan sila kaya hanggang ngayon di daw sila matahimik. Kapag daw nakita ko sila ulit ay magdasal nalang daw ako para sa kaluluwa nila. Bukod dun may mga mas nakakatakot pa na karanasan si Manong Guard sa Sta. Mesa station, ikukwento ko nalang pag na-post na ito.

PUP student
2014

Scary Stories 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon