Dead on arrival

1.5K 18 0
                                    



Im a Registered Nurse sa isang Private Hospital. 4 years na akong nagwowork at naka assign ako sa Medical Ward sa 2nd floor.

Nangyari to last July 2017. 2pm to 10pm ang duty ko ng araw na yun, maaga dumating yung pang duty ng 10pm to 6am kaya maaga rin akong nakapag endorse ng chart ng patients ko. After ko mag endorse napatingin ako sa wall clock sa station, 10:30 na pala. Nagpaalam na ako sa mga kasama ko.

Before ako mag clock out dumaan muna ako sa Chapel na nasa 2nd floor din. Pagpasok ko napansin ko ang isang matandang babae na nakafloral na duster na parang familiar saken. Pagkakita nya saken ay ngumiti sya. "Ineng awas ka na?" tanong ni Lola. Ngumiti ako at sumagot "Opo Lola, sino po pasyente nyo?". "Nandun sa baba. Dyan ka na at akoy aalis na" sagot nya at lumabas na sya sa Chapel. Kumaway pa sya nung nilingon ko siya, at kumaway din ako kay Lola.

After ko magdasal ay nag clock out na ako. Palabas na ako ng hospital ng makita ko yung ambulansya na bagong dating sa Emergency Room. Pagdaan ko sa ER na overheard ko na na admit na dati yung patient na yun sa ward namen. Dead On Arrival daw yung patient at Heart Attack ang cause of death. Nasa stretcher pa sya that time at nagulat ako ng makita ko yung pasyente. Hindi ako pwedeng magkamali, si Lola to. Si Lola na nakausap ko sa Chapel kanina lang. Siya yung pasyente na Dead On Arrival sa ER.

I try to recall her sa mga naging patient ko at nung naalala ko na nalungkot ako kase sya yung pasyente ko na every rounds ko sa room nya laging nagtatanong kung awas na daw ang "peborit" nyang nurse. Pasakay na ako ng jeep ng makita ko uli sya sa kabilang kalsada wearing that same floral duster at nakangiting kumakaway.

RN

Scary Stories 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon