Prinsipe ng Kadiliman (Part 4)

1.1K 15 1
                                    


Kumusta mga Spookify Readers...? Hinihiling ko ulit ang Malawak niyong Pang unawa Sa Mababasa niyo sa Kwento na Ito, At Pasentabi na Rin Sa Mga Kumakain, Dahil May Parte dito na Nakakadiri kung Kayo Ay Napaka Sensitibo. Pasensiya kung Nabitin kayo sa Ating nakaraan... Kaya heto simulan na natin Kaagad... Dahil Sa Nangyaring Pagambala ni Rosefel sa Amin nong Gabing Yun, Binantayan ko na sila lahat. Sinakripisyo ko na Ang Pagpupuyat Hanggang sa Mag umaga na nga. At sa Umaga na ako Bumawi ng Tulog pero Nagigising Ako kasi Maingay na Ang Paligid. Kaya Bumangon nalang ako at sa Balkonahi na Tumambay kung Saan andun din si Buddy at Erwin na Nag Aayos ng Gulong ng Bisikleta. "Bayaw Alam Kong Kulang ka Pa sa Tulog, Tulog ka muna doon." Sabi ni Buddy sa Akin. "Anu kaya yung Nanakot sa atin Kagabi?" Tanong Ni Erwin. Pero Hindi na namin sinagot ni Buddy ang Tanong Niya. Tanghali non at Naayos na rin yong sumabog na Circuit Breaker dahil Ipinaayos nila sa Electrician nilang Kapitbahay, Nag Soundtrip sina Buddy, Moi at Erwin Pero nasa Balkonahi pa rin kami, Ako Nakahiga lang Pinipikit ko ang mata ko kasi Di din ako makakatulog, Palibhasa Ang Gaganda kasi ng Boses ng Tatlo, Parang Nagsanib ang Kulog At Mga Kumakalansing Na Mga Bakal sa Sobrang Sintunado. Kinanta Nila yong "Beautifull in White" Ang Favorite Kong Kanta. Kinukulit pa nga ako ni Buddy Dahil alam niyang Favorite ko ito. "Bayaw, Hindi ako nagtataka kung Bakit Paborito mo ang Kantang To..." Pangungulit ni Buddy sa Akin kahit Alam niyang Nagpapa antok ako. "Mmm...Bakit ? Daw... aber..." Tanong ko kay Buddy, Nakapikit pa rin ako. Ang Dalawang Maingay na erwin at Moi Patuloy pa rin sa Pagkanta na Hiniling ko na sana may Bumagsak na Bulalakaw Sa Kinaroronan namin. "Kasi Bayaw Paborito mo Ang Beautifull In White Dahil Mahilig Ka sa ....White Lady...!!" Sabay Tawa ni Buddy Na Nang Aasar yata sa akin. "Umiral na naman pagka Kulisaw ng utak mo buddy..." Sagot ko lang Sa Kanya na Pinagtatawanan pa rin ako. mayamaya pa Biglang May Nag tatawag sa labas. "Tao po...! Tao po...!" Sigaw ng nasa Labas ng Bakod sa Bahay, Kaya tiningnan nila Moi at Erwin sino yong Bisita na Nag Sisigaw sa Labas. "Oh... Rosefel.... Napasyal ka... Halika Pumasok ka.." Narinig kong Boses ni Moi At Nong Marinig ko ang Pangalang 'Rosefel', Agad akong Napabangon kaagad at Tumayo ako Para tingnan kung Totoong Si Rosefel nga ba ang Napadpad na Naman sa Amin. Umiinit talaga ang Ulo ko Nong Makita ko ang Prinsipe ng Kadiliman na Naka Pang ayos ang Kasootan para bang Aakyat ng Ligaw ang Tarantado, may Dala pa itong Mamahalin na Alak (Jack Daniel Brand) at May Dalang tatlong Piraso ng Roses. "Magandang Tanghali sa inyo mga kaibigan, Pasensiya na kung Napasyal ako dito sa Inyo, Makikipag Inuman lang Ako sa Inyo Kung Ok lang Ba..?" Pagbati ng Demonyo sa Aming Lahat. ako at si Buddy Tahimik lang Nakatingin sa Kanya Alam na kasi ni Buddy Na Hindi na Maganda ang Mode ko nong mga Oras na yun. Kabisado na kasi ni buddy Ang ugali ko, Pero itong si Moi at Erwin ang Nakipag Halobilo na Kay Rosefel. "Oo Naman Ayos lang Brod, Mukhang Masarap tong Alak mong Dala ah. Teka para kanino naman yang Bulaklak? " Tanong Ni Erwin kay Rosefel, "Para to kay anu..." at Papalapit na naglakad si Rosefel sa Akin at Binulongan ako. "Pakibigay Mo to Kay Partner mo, Sabihin mo Galing Sa akin... o Ako nalang Kaya Mismo mag abot sa kanya, Anu sa Tingin mo Kaibigan..?" Hindi ko alam kung Maasar ako sa Sinabi niya Pero Pinipigilan ko ang Nararamdaman kong Poot sa Kanya.Alam ko kasi na Pag Binanatan ko siya Mangyayari na naman yong PagkakaKuryente namin dalawa. "Inumin na Natin to mga Kaibigan..." Sabi ni Rosefel na Humarap na Kina Moi, Erwin At Buddy. Ngunit Biglang lumapit Si Buddy Kay Rosefel at Bigla niya Hinablot ang Bote at Hinampas ni Buddy kay Rosefel ang Bote ng Alak Basag Ang Bote at Nagsitalsikan ang mga bubog at Ang laman ng alak sa Amin Lahat. Natulala sina Erwin at Moi sa Biglaang Pag Attake ni Buddy Kahit ako Natulala lang, Pero parang Balewala lang Kay Rosefel yun. Itinapon niya kay Buddy yong Hawak niyang Bulaklak at sinabihan si Buddy ng "Advance Rest In peace. " Kaya Napatayo ako At Aakma ko ng Sipain Si Rosefel kaso Lumingon ito sa Akin na nanlilisik ang Mata. Si Moi at Erwin Pinipigilan nila si Buddy Dahil Susugurin na Niya ulit si Rosefel. "Babalikan ko Kayo, Lalo ka na..." sabi ni Rosefel na tinuro pa niya Si Buddy. Huli na ng Lumabas sina partner dahil Umalis na si Rosefel, Narinig kasi nila Na Nagkakagulo kami sa Balkunahi. akala pa nila Na Kami kami lang Nag aaway. Nong Nagkaroon na kami ng Pagkakataon ni Buddy na makapag usap, Sinabi ko sa kanya Ang Paraan kung Paano Talonin si Rosefel na Prinsipe ng Kadiliman. Sinabi ko rin na Si Diwata Necay (Maharlikang Diwata) ang Nagturo sa akin at Pinaliwanag ko lahat sa kanya. Ngunit Kinilabutan siya ng Malaman ang Lahat ng Gagawin ko. "Bayaw Di kaya Mapapahamak tayo sa Gagawin mong Yan? Paano kung Yong sinasabi niya na Itim na Anghel ay Maabotan tayo, So Good luck Graduation day Na natin Dalawa...?" Tanong Na may Halong Kalokohan pa rin ni Buddy. "Kailangan na natin Gawin to Buddy. Dahil mga Pamilya natin ang Nanganganib sa Banta ng Rosefel na Yun..." Pagkukumbinsi ko kay Buddy. "Basta Sinabi mo Bayaw, Sige Gagawin natin to...May Tiwala ako sayo At Alam kong Kapag nais mong Gawin, Ay gagawin mo talaga. kahit Ikakapahamak mo pa. How to be You nga pala bayaw? " sabi ni Buddy sa akin na inaakbayan ako. "Maghanda ka, Dahil Mamayang Gabi na Yong Sinasabi ni Diwata necay, Sasama naman daw siya yon yong Sabi niya." Sabi ko kay Buddy... 10pm Natulog na kami Lahat sa Sala lang Napahimbing ang Tulog ko dahil sa Puyat nong Nakaraang Gabi. Pati si Buddy, Tulog Mantika talaga siya pagnatutulog. 1am Na Ako Nagising dahil parang may Gumising talaga Sa akin nakaramdam kasi ako na May Kumalabit sa Akin, Nong Magising ako Nakita ko si Baby siya lang yong gising Ginagalaw galaw niya yong Kamay at Paa niya, Parang Naglalaro yata siya, Humarap ako sa Kanya At Nakatitig lang siya sa akin. Hindi kasi pinatay ang Ilaw kaya maliwanag na maliwanag ang boung sala na aming tinulogan. Nilalaro ko muna si baby hinahalik halikan na parang gustong gusto naman niya kasi ngumingiti siya kapag hinahalikan ko siya. Nong Tumayo na Ako para Maghanda Sa Tatahakin kong Nakakapangilabot na Mission. Tinititigan ako ni Baby at Napansin kong Parang Malungkot siya nong Tumayo ako, Yong Hitsura niya kasi may Mga namomou ng Mga Luha sa Gilid ng mata niya. At Yong Bibig niya Na kumikipot lalo.. Na Parang Iiyak na. Kaya Tumalikod na Ako at Pumasok sa Kwarto, Kinuha ko ang Kandila sa Altar ng Kwarto at Saliko ko na nasa Bag At Ang Kahuli hulihang Patak ng X7 ko pinahid ko na sa aking Leeg. Hindi na ako uminom ng Langis baka Maging Kontra lang ito sa Gagawin ko. Hawak ko ang aking saliko at lumabas sa kwarto.. Lumapit ako ulit kay baby na Nilalaro ang lampin na nahawakan niya Kinakagat kagat niya ito. (Usual na Ginagawa ng Isang Baby Mahilig Magsubo kung anu Mahawakan), Dinisturbo ko muna paglalaro niya At Hinalikan, Ngumiti ulit ito, At First time ko Narinig na First word niya "Papa" Tumayo na ako na Nakangiti Tuwang Tuwa ako sa Narinig ko Mula Kay Baby Rich... at Ginising ko na Si Buddy na NakaYakap pa kay Karla nanatutulog. Pagkagising niya Ay Dahan dahan kaming Lumabas. at Nong makalabas na kami ng Bahay. "Dala mo ba Ang Green na Panyo Buddy?" Mahina Kong Tanong. "Oo Nasa Bulsa ko, May Dala din akong Asin. Chinarge ko din tong Celphone ko para may flash light tayo, Pinaghandaan ko talaga to..." Sagot ni Buddy na Inaantok pa at Pakusot kusot sa Mata niya. "Ang daming Mga bituin sa mata ko Bayaw.." sabi ni Buddy na Hindi ko kaagad na nakuha ang Ibig niyang Sabihin. "Bituin? sayong mata? Napuwing Ka?" Tanong ko. Pero nong Makita ko ginagawa niya na may Tinatangal siya sa gilid ng Mata niya (Mota), natawa na ako. Dinala namin ang Pala na nasa labas ng Bahay para gamitin namin sa paghuhukay. Sa Gilid ng Highway kami dumaan. Una napakatahimik namin dalawa na naglalakad. Nag iipon pa kasi ng Lakas si Buddy non Hindi pa siya nakamove sa Biglaang Pagkagising. MayaMaya pa May Naka Abang na sa amin sa Unahan Isang Babaeng naka Puti lahat. "Bayaw, Wag mong Sabihin White lady yan. bumalik na kaya tayo bayaw, Baka Rape abotin Natin Dyan, Hindi pa Naman ako Handa isuko ang aking Dangal.." Ayan na naman pagka Loko loko ni buddy na kahit takot na Takot na Nakukuha niya pa magbiro. "Tumigil ka nga Buddy ambisyoso wala kana Nong dangal na sinabi mo..." pagbara ko kay buddy. Nakahawak siya sa Soot kong Damit kaya Tinatangal ko ang Kamay niya Habang papalapit kami ng Papalapit sa Babaeng Nakaputi na nakatayo lang Na parang Hinihintay talaga kami. Nakilala ko kaagad ang Babaeng Nakaputi lahat. nong nakalapit na kami sa Kanya. "Akala ko Di mo na Gagawin ang Pinapagawa ko sayo, handa ka na ba Aking Bana...?" Si Diwata Necay Ang Babaeng Naka puti na Nag aabang sa Amin. "White... Snow white, Ikaw lang Pala, Natakot ako sayo kanina nong Nakita kita sa malayo.." Sabi ni Buddy sa Maharlikang Diwata. "Snow White? Di naman snow white pangalan ko," Sagot ni Diwata Necay. "Sabi kasi ni Bayaw Snow White daw ang pangalan mo..." Pag iimbento ni Buddy. "Teka Wala akong Naalala na Sinabi ko yan buddy, Imbento to..." Binatokan ko na si Buddy sa Pandadamay niya sa Akin. "Dalian na natin Dahil Kapag inabotan kayo ng Itim na Anghel, Mapapahamak talaga kayo..." Sabi ni Diwata necay sa Amin dalawa ni Buddy. Kaya agad na kaming Nagpatuloy sa paglalakad Patungong Sementeryo Habang Naglalakad kami itong si Buddy Feeling Close kay Diwata necay, Sila lang Dalawa nag uusap. Ako Tahimik lang Na Nakikinig sa Kanilang Dalawa. "Snow white, di Ba Alam mong May Partner na si Bayaw? Bakit Lagi Ka Pa rin Sunod ng Sunod sa Kanya.? Pero Wait.. Wag mo ng Sagutin Snow white, Alam ko isasagot Mo dahil May anak kayo.. Pero alam mo snow white, crush kita..." Sabi ni Buddy Na Dahilan Para Mapalingon ako sa Kanila na Nag Kakasabay sa Paglalakad. "Kung liligawan ba kita Snow white sasagutin mo ba ako? pero wait ulit... Wag mo na Ulit sagutin Snow White, Alam kong Mag Oo ka kaagad. Kasi Alam kong Mas Malakas ang Apeal ko kay Bayaw Abs ko pa lang Pagpapantasyahan mo na ako, Si bayaw Large intestine lang meron yan... Pero ayaw ko siyang Saktan kaya Ipapaubaya na Kita sa kanya..." Mga banat ni Buddy kay Diwata necay. "Buddy Nakapag Haponan ka ba kanina? Hindi ka pa Ba Nagigising sa Katotohanan...?" Tanong ni Diwata necay Kay Buddy. "oo Naman Snow white Kumain na ako kanina bago matulog at By the way Gising ako Snow white Kita mo naman Alive and Awake ang Honesome boy na Ito.., Bakit Ikaw Hindi ka pa Ba kumakain Snow White..?" Sagot at Tanong ni Buddy kay Diwata necay. "Ahh...AKala ko kasi nalipasan ka lang ng Gutom Buddy kaya ka nagkaka Ganyan... Anu yong Sabi mo Honesome ka? Hansama kamo..." Tawang Tawa na Sabi ni Diwata necay. Nagkakasiyahan ang Dalawa sa pagkwentohan, Ako naman Seryoso na Naka fucos Ang isip sa Gagawin sa Sementeryo. Pagdating Namin sa Sementeryo May mga Bobwire na naka Bakod Bago ka makapasok. Kaya Somoung na kami sa Bobwire, si Diwata necay Tumagos lang Sa Bobwire kami dalawa ni Buddy pahirapan Dahil dahan dahan baka Sumabit ang Soot namin at Mapunit. "Sana Engkanto na Lang din ako Ng hindi ako nagpapakahirap sa Pag soung ng Lintik na Bobwire na To.. Ang Bopols ng Naglagay nito Dito Anu akala nila Sa sementeryo May Mawawala Dito..." Reklamo ni Buddy, Una ako naka Pasok si Buddy Sumabit ang soot na short pant niya at Narinig namin na Napunit ito. "Kung Mamalasin ka ba naman sa Araw na to, Branded pa naman Tong Short ko, Made in China to eh..." Kaya Tawang Tawa kami ni Diwata necay. Hindi ko namalayan Naka Akbay Na pala si Diwata necay sa Akin. "Grabi kayo Di niyo man lang ako tinulongan Ang Sweet niyo pa dalawang tingnan, Anu ba Talaga To....baka Date niyo lang To At gagawin niyo lang Akong Bantay.." Sabi ni Buddy na Hawak hawak ang Napunit niyang Short pant. Kaya nong Napansin kong Naka Akbay nga si Diwata Nicay sa Akin Tinangal ko ang Kamay niya kaagad. "Ang arte mo...! parang akbay lang.." Pabulong Ni diwata necay sa akin. Pero Bago kami Nagpatuloy sa Paghahanap ng Bagong Libing na Sanggol, Nag Bigay ng babala muna si Mahal kong Diwata. Maharlikang Diwata pala. Na Huwag daw ako titigil kong Makakarinig ako ng Mga kung ano anong Mga Boses, mga Yabag ng Paa at kung Ano ano pa. Normal daw yun dahil Magsisilabasan talaga ang Mga elemento at Esperito na naninirahan sa Paligid ng sementeryo. Sinabi rin niya na ang tinutukoy niyang Itim na anghel ay ang kinikilala nating mga tao na si 'Kamatayan'. kaya mas Lalo akong Kinabahan sa sinabi ni Diwata Necay. Tumulong Si Diwata necay Sa Paghahanap ng bagong Libing Na Sanggol. "Bayaw, sigurado ka ba Talaga dito sa gagawin mo? Hindi kaya pinagttripan ka lang Ng Fake wife mo na Yan... Anu Kaya sunod ipapakain niya sayo. Baka Boung Sawa na Ahas na dapat Lunokin mo na Hindi ngunguyain...O kayay Boung Prutas na Durian pati Balat Lulunokin..." Pagbibiro ni Buddy na halatang Kabado na kaya Dinadaan na Sa Kalokohan...Si Diwata Necay Na Rin ang Mabilis na nakahanap ng Bagong libing na sanggol. "Dito kayo Mga Puting tupa, Heto oh Bagong Libing To.." Turo ni Diwata necay sa Isang Nakalibing na May Kahoy na Cross na May Pangalan ng Namatay na Batang Lalaki. "Mas Ok to Malakas kasi Lalaki, Mahal kong Bana.." Sabi ni Diwata necay sa Akin, Kinabahan na ewan ko ba Ang Nararamdaman ko. Kaya Nagsindi ako ng Yosi Ko pang Pa lakas loob na. Bago ko simulan ay Nagdasal ako at humingi ng pahintulot sa kaluluwa ng nakalibing na aking huhukayin. Naramdaman ko kaagad ang Pag lamig ng Paligid. at mahinang pag ihip ng hangin. kinuha ko kay buddy ang bitbit niyang pala, at ng simulan ko na ang paghuhukay, Nagsimula na rin ang mga kakaibang ingay sa paligid, may sumisitsit, May mga naglalakad na tanging Yabag ng mga paa lang ang naririnig. may humihingi ng tulong , mga ungol na pinapahirapan. mga Sumisigaw ng mga Kaluluwa na Nakaka Pangilabot, iyak at mga tawanan na nagkalat sa paligid. Tahimik na tahimik si buddy na naka upo sa may puntod Nakikiramdam din kasi Palingon lingon siya, Parang magpopopo lang kung may nakatingin ba sa Kanya. nong mahukay ko na, bumungad sa akin ang Kabaong na pinasadya talaga pinagawa. kasi manipis na flywood lang na pininturahan ng kulay Puti. Tinangal ko yong takip nito At Nakita ko na ang bangkay ng batang sanggol Naka Balut pa ito ng Lampin At bago pa nga itong inilibing. nong makita ko itoy parang nagdalawang isip ako. Panay lunok ako ng Laway, Kahit bawal sa akin magmumura parang Gusto ko na yata labagin ang Bawal..hindi ko alam kung natatakot ako o nandidiri ako sa gagawin ko pa lang. Napahinto lang ako at napaisip ng malalim, lumapit si Diwata necay sa akin. "Sindihan mo na ang kandila aking bana, Umpisahan mo na kaagad yong mga itinuro ko sayo.." pagkasabi ni diwata necay ay Sinindihan ko na Ang Kandila. May Dinasal si Diwata necay Na Ipinapasunod niya ako. Kaya Ako naman Ginagaya ko lang Siya na Nasa Likod ko Yong Porma namin Yong Mukha niya halos malapit na Sa Tenga ko Nakahawak siya sa Aking Mga Balikat, At Naka Tingin din siya sa Bangkay ng Sanggol. Hindi pa naman siya mabaho na Bangkay kaya Ok na Lang, Matapos dasalan ang Bangkay kay Ay Pinaki Usapan ko na Ito. Binangit ko ang Ang Pangalan na naka marka doon sa Cross na Kahoy Para Ibuka ang Bibig niya At Pagbigyan ako sa Aking Kahilingan na Ibigay at Isalin niya Ang Lakas niya. (Ayon kay Diwata kasi Yong Lakas sana nong Sanggol na Naudlot Dahil Namatay ay Masasalin daw yun Sa akin... at Yon daw ay ang Spiritual na Lakas, at Ang Anghel nito ang Sasanib sa akin.) Biglang Gumalaw ang Ulo ng Bangkay na Bata Nakapikit lang Ang Mata nito. kapag bumuka daw ang Mata nito wag mo na Ituloy dahil Ibig sabihin Hindi siya pumapayag. Ngunit Hindi naman bumuka ang Mata nito At Nong Bumaka ang Bibig Nito Inilabas niya Ang Maliit Niyang dila. Nakakapangilabot Ang Natutunghayan ko. Kahit si Buddy di na Tiningnan ang Ginagawa ko. Panay Dura siya ng Dura Sa Paligid. halatang Nandidiri. Dahan dahan kong inilapit ang Bibig ko sa Bibig ng Bangkay ng Sanggol. Dahan dahan ko din ibinuka ang Bibig ko Para kagatin ang dila nito. "Wag Mong Lasahan bana ko, Kagatin mo na bago pa magbago isip niyan magising yan.." Dahil sa Sinabi ni Diwata necay Nag panic ako at Kinagat ko Kaagad at Pinutol gamit ang Ngipin ko, Alam niyo yong Pakiramdam na Kinain mo ang Cartilage ng Isang Karne, Ganun na ganun ang Pakiramdam di ko na Nilasahan basta pinutol ko na kaagad para matapos na kasi bumilis na ang tibok at Kaba ko sa Dibdib. Nagkaroon pa ng Tension kasi may Dumaan na Parang malaking Tela na Itim sa ibabaw, Naramdaman kong may Umaaligid na itim na nilalang, Si Buddy Napatayo kaagad at Inilabas ang Panyo na Green. "Bayaw bilisan mo, Andito yata si Batman, dumaan sa May Ulohan natin kanina, Ang Laki non bayaw..." Mahinang sabi ni buddy na nagpapanic na sa Nasulyapan din niya. "Wag mo muna lunukin Bana ko, magpasalamat ka na At Ibalik mo siya sa Pagkakalibing.. Bilisan mo Dahil parang ang Itim na Anghel na yun dumaan kanina..." sabi ni Diwata necay, Kaya sinunod ko kaagad sinabi niya. At Nong matapos ko ng mailibing ulit at Ibinalik yong cross na kahoy, agad na rin kaming dali daling Lumabas ng Sementeryo, Sumabit na naman si Buddy ulit sa Bobwire sa pagkakataranta, Tshirt naman niya ang Sumabit at Napunit din. "Anu ba to bakit ako lagi nasasabit sa Bobwire ginawa na yata akong Suki ng sabit ng Bobwire na to.. Enjoy na Enjoy siyang punitin lahat ng Made in china kung Mga Soot ah..." Sabi niya na pailing iling pa..Nong maka distancia na kami yong Naputol na dila nasa bibig ko pa rin di ko pa nilulonok, Tiniis ko ang Pagkakadiri nito at grabi di ko na kakayanin halos mailuwa ko na, "Lunokin mo na Mahal kong Bana, tiisin mo may Mararamdaman ka kaagad niyan.." Sabi ni diwata necay sa Akin. Pinilit kong Lunokin ito na kahit Maluha luha na ang Mata ko dahil naduduwal ako. "May dala akong Asin dito bayaw sayang Di ako nagdala ng Suka Para Isipin mo balot yan..." Pang aasar ni Buddy sa akin. Nong Malunok ko na Ito. Ay Agad Sumikip ang Mga Balat ko sa Katawan Nahihirapan akong Huminga At Kinuha ni Buddy ang hawak kong Saliko ko. "Ok ka lang Bayaw... Sumigaw ka ng Darna...!!" Salbahi talaga tong si Buddy kita niya na Nahihirapan ako Nakuha pa niya akong Biruin. Niyakap ako ni Diwata necay At Ramdam ko ang Pagkakayakap niya ng Mahigpit. "Kaya mo yan bana ko. Sumasalin na ito sa Dugo mo...Wag kang Bibitaw, Labanan mo mahal kong Puting Tupa.." Sabi ni Diwata necay Sa Akin. Nong Tumigil ang nararamdaman ko Bigla nalang akong Nabingi wala na akong marinig pero Nakikita ko sina buddy at Diwata necay. May Sinasabi sila na Hindi ko marinig. kaya Niyakap ko na Si diwata necay dahil hindi ko na alam Bakit ako nabibingi Nakaramdam ako ng Takot. Maya Maya pa Bumalik ang Lahat sa Dati. "Nalampasan mo na Mahal ko, Kaya mo ng Labanan si Rosefel Kahit gamitan ka pa niya Ng Dasal. Pero May Isang Bagay akong Hindi sinabi sayo.. Sanay Patawarin mo ako..." Pagtatapat ni Diwata necay sa akin. "Anu yong Hindi mo nasabi sa akin Diwata?" Pagkagulat ko sa Sinabi niya. "May mangyayari sayo, Magkakaroon ka ng Karamdaman at Masasawi ka Pag di mo ito nakayanan... Pero alam kong Kaya mo Ito mahal Ko.. Sana lang Wag Ka Magalit sa akin, Gusto lang Kitang tulongan na Talonin ang Prinsipe ng Kadiliman.." Pagkasabi ni diwata necay ay Natulala ako At Nakita kong Umiiyak siya Tumutulo na luha niya At Tinakpan niya ng mga Palad niya ang kanyang mukha... Lumapit si Buddy sa akin, "Bayaw wag ka Magalit sa kanya, Kaya mo to di ba? Ikaw yata Si SR ang Apo ng Maestro..." Pag cocomfort ni buddy sa akin. Tumango lang ako sa Sinabi ni Buddy at Nilapitan si Diwata necay, Niyakap ko ito at pinapatahan, "Wag ka na umiyak Hindi ako galit sayo, Kung magagalit man ako Kay Rosefel yun Siya Nag Lagay sa akin sa Sitwasion na to. Nalalapit na Ang Huling Pagkikita namin, kaya please Huwag ka na umiyak, kailangan na natin Umuwi Baka Magising sila doon na Wala na naman kami dalawa ni buddy..." Sabi ko habang inaangat ang mukha ni Diwata necay at Pinahiran ng Kamay ko ang Mga Luha na nasa Pisngi niya. "Salamat Bana ko, Pinaramdam mo din sa akin sa Wakas na may Halaga din pala ako sayo..." Sabi nito na Biglang Yumakap sa Akin ng Mahigpit. "Sabi ko na Nga Ba Date niyo to talaga eh, Ginawa niyo akong Tagapagbantay. Bayaw naman Tara na Nagseselos ako sa Inyong dalawa ni Snow white, Sana May Engkantada din ako, Para Pagka ganito Doble Date tayo." Sabi ni Buddy na Panay kalokohan pinagsasabi pero alam ko nalungkot din si Buddy nong Marinig niya yong Sinabi ni Diwata necay Tungkol sa Mangyayari sa akin. At nagsimula na Kaming Lumakad paUwi, Pero nong Nasa Highway na kami, May Papalapit na Babae na Tumatakbo Humihingi siya Ng Tulong Nasa 30+ yata Edad niya At Parang Galing Trabaho na Madaling Araw na umuwi. papatakbo ito papalapit sa amin parang May humahabol talaga sa Kanya. "Tulong...Tulongan niyo Ako May gustong Gumahasa sa akin.." panay Sigaw nito na papalapit na sa amin. "Tulongan niyo Parang Nakikita ko na ang Humahabol sa Kanya..." Sabi ni Diwata necay. Nong makalapit na Ito sa amin. "Mga Kuya Tulongan niyo ako Tumawag kayo ng Pulis, (Humihingal na Nanghihina na) May Mga Rapist na Humahabol sa akin. Buti nalang Nakatalon ako sa Van nila." Sumbong nito sa Amin at Napansin namin ang mga Gasgas niyang Braso at kamay at Nadumihan niyang Soot na sa tingin namin ay Na Pagulong siya sa Lupa.
Abangan niyo Ang Nalalapit na Finale ng Kwento. May Kinalaman din si Rosefel sa Babaeng Humihingi ng Tulong Sa Amin ni buddy...
Muli Magpapasalamat ako Sa Mga Avid Readers na Patuloy pa Rin ang Pagsubaybay sa Mga Kwento ko.
God be With Us Always and Love You.
Silent Rasta
Ps: Respeto sa Lahat At Paniniwala sa Diyos ang Dapat Mangingibabaw. Iwaksi ang Kasamaan, At Ipairal lagi ang Kabutihan.  

Scary Stories 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon