Mga Itim na Anghel (Part 1)

1.5K 18 0
                                    


Heto na naman ang Panibagong Yugto na Kakaharapin ko At Kasama ko pa Ang Mga Religious Group ng Kapunongan. 'Ang mga kagaya kong Puting Tupa'. Marahil alam na ng iba ang Tungkol sa Aming Samahan. Kung Nasubaybayan niyo mula Simula at ang Huli kong Naekwento sa inyo, Kung akala niyo doon na Nagtatapos Ang Storya ng Mysteryong Nakapaligid sa akin.? Hindi pa Yun.. Dahil Magsisimula pa lang Ang Kababalaghan at Mysteryo. Isa itong Pinaka Mabigat na Suliranin na aking kakaharapin. Mapanganib, Mapangahas at Mas Pinatindi pa Ang pananalig ko sa Ating Diyos Ama.. Pero Mas Matindi rin Ang Mga Naka Abang Sa aking Buhay. Bakit ko Nasabi ang Mga ito...? Simulan na natin Ang kwento, at ng Maintindihan niyo... Matapos noong Malampasan ko ang Nangyari sa akin na Kamuntik ko ng Ikasawi. Umuwi ako ng Cagayan de oro muli, Para Bumalik sa Trabaho ko. Akala ko Okey na ako, Akala ko wala na yong Karamdaman ko. Namuhay akong Normal Muli na walang Kababalaghang Nakasunod sa akin. Bukod lang sa Panay dalaw ng asawa kong Engkanto. sino pa ba kundi si Diwata necay, sa Bahay ko. Ganun pa rin Kami, lagi ko siyang Sinusungitan Dahil Naiirita ako Sa Tuwing Magpapakita siya sa akin. Paano ako Hindi maiirita sa Asawa kong Half blood Engkanto na Lagi din akong iniinis at Ginugulat, Magpapahinga ako dahil Pagod sa Trabaho, Itong Si Diwata Necay Susulpot Bigla tas Mang aasar lang. Tinatakot niya ako Bilang Magpapangap siyang White lady Kuno... Kahit Alam niyang Hindi ako takot sa mga Ganyan. Kaya Ang Ginagawa niya Kinakaluskos niya ang Mga Dingding, Hinuhulog Ang Mga Bagay para gumawa ng Ingay. Para bang may Saltik lang. Kasi naman Kapag Nagagalit ako sa pinag gagawa niya Tinatawanan lang ako. Kaya Ang Ginagawa ko Umaalis ako ng Bahay, Papasyal sa Mga bahay ng Mga kamag anak ko o di kayay Magpapalamig nalang Sa mall. Lalo nat May Bagong Bukas na SM downtown dito sa Cagayan de oro. Pero sa Sobrang Kakulitan niya Sinusundan pa rin ako. kahit saan ako pumunta parang anino ko lang, Para din bang May 'Yaya' tuloy ako na Binabantayan bawat galaw at Kung saan ako. Nandoon din siya Naka Sniper lagi... Hanggang sa isang araw Nag away na kami At Di ko Akalain na papatulan na niya ako, Ayun Lumabas rin pagka engkantong Ugali niya... Ang Dahilan non, NagpapaAlam siya sa akin na Kukunin niya Si Baby Rich doon kina Buddy At Dadalhin niya na sa kaharian nila. Syempre di ako pumayag, Galit na galit siya at Nanlilisik ang mata, Akala niya Matatakot ako sa Mga Mata niyang Pang Diablo na kung Magalit. Dahil Nilapitan niya Ako at Sobrang Lapit na Talaga namin sa isat isa, "Bakit Ayaw mo na Isama ko ang anak ko.? makasarili ka, Wala ba akong Karapatan makasama ang Anak ko...? Di ba Pinaalagaan ko lang siya sayo dahil sa aking Ama!. Ngayon wala na si ama, bakit Ayaw mo na Isama ko siya..? Pag hindi mo ako pinagbigyan, Kukunin ko pa rin siya doon wala akong Pakialam kung Magagalit ka..Lagi ka rin naman galit sa akin... Tsaka Anak ko yun. at isa pa Ang Sabi ko ikaw mag alaga..! Hindi ang Partner mo...!" Sa sinabi ng Maharlikang Diwata sa akin ay Itinulak na niya ako, Kaya Napaupo ako upuan sa aming sala, "eh di Subukan mo..! kunin mo lang ang Bata doon. Magkakasubukan talaga tayo. Lulusobin ko talaga ang Kaharian mo Dadalhan ko kayo ng Granada, wala akong Pakialam kong Ipapapatay mo ako sa mga Kawal mo...Pasasabogan ko kayo! at para sa kaalaman mo Anak ko rin yun..At para ulit sa kaalaman mo Asawa kong Maligno.., Paano ko maalagaan siya na Ako Ang Mismo mag aaalaga...eh Nag tatrabaho nga ako... Alangan Naman dalhin ko siya habang On duty ako." Nag Babangayan talaga kami nong araw na yun. Ayaw mag patalo ni Diwata Necay sa Akin. At Dumating pa sa punto na namimisikal na siya. nasampal niya ako ng Dalawang beses at sa magkabilaang pisngi pa. "Mag asawang Sampal yun ah, Wala bang Anak yun?" Sabi ko.. pero susundan na niya sana ng Suntok sa mukha ko, at Buti nalang Napigilan ko na ang Kamao niya na dadapo na sana sa Mukha ko. "Bitawan mo ang kamay ko,. Bitawan mo sabi... Uno..dos..!." pagpupumiglas niya. "Ay wag mo akong Bibilangan Hindi ako takot sa Numero, eh kung ayoko bitawan kamay mo.., Nanakit ka na sa akin kasi..ibang iba ka na ngayon. May Dalaw ka ba..?" Pang aasar ko na sa kanya. Humapdi kasi yong Pisngi kong Nasampal niya. "Anong Dalaw..? Wala nga nanliligaw sa akin na mga Engkantado kasi alam nilang kasal ako sa Puting tupa na Hindi naman ako minahal, na akala mo kung sinong gwapo.. di naman masyado..!, Kaya bitawan mo ang Kamay ko. Kundi Paparusahan kita..." Pananakot niya sa akin habang pilit makawala sa pagkakahawak ko sa kamay niya... "Ang Layu naman ng Sagot mo.. And for your information Engkantada.. wala akong sinabi na gwapo ako, imbento ka... di ka rin kagandahan noh..., ang Sabi ko lang Dalaw ok.. Dalaw meaning May period, may Menstruation? Normal sa isang Babae...ah nga pala di ka nga pala normal..Im so disapointed sa mga Pinagsasabi mo.." Pero mas lalo siyang Nagalit at Pinaghahampas ako ng Isang kamay niya. "Hindi ko alam ang Mga Sinasabi mong dalaw kaya Huwag mo sabihin sa akin yan, Wala akong ganun...Kaya bitawan mo na ang kamay ko.. Bago pa Kita Patulogin dyan..." patuloy pa rin siya sa paghampas sa Braso ko. kaya ayun tuloy uminit na yong hinahampas niya. kaya binitawan ko na siya. "Wala kang ganun..? So never ka nagka Period Ever...? sabi ko na nga ba. in born ka nag menopause.. kaya ka ganyan.." Nakangiti akong Sabihin sa kanya yun. "Anong Ngiti yan..? Iniinsulto mo ba ako...? Kalalaki mong Tao, Nang iinsulto ka sa akin.." Pagtataray na niya. kaya Iniwasan ko siya na kunwari Galit ako. sinadya ko na hindi na magsalita at lumapit nalang sa screen door namin, Nakatingin ako sa labas na kunyari Hindi ko siya narinig sa Mga sinabi niya. iniiwasan ko ang Diwata tingnan kasi alam kong napakatalim ng titig niya. mainit talaga ang mood niya nong araw na yun. Ngunit nagulat ako nong niyakap niya ako sa likuran, palihim lang akong ngumiti kasi kung mahahalata niyang kunyari lang na galit ako baka Mabugbog lang ulit ako. Pero sadyang Gusto ko talaga siyang Inisin para Umalis na sa Bahay. "Sorry na Mahal kong Bana, Kung nasaktan kita. Bakit ba naman kasi Lagi mo rin akong Sinusungitan, Ngayon naman Ayaw mo akong Pagbigyan na kunin ang anak natin. Kasalanan mo rin kasi yan." Paglalambing ni Diwata Necay sakin. "Ok na Wag mo na akong Yakapin, Nararamdaman ko kasi Ang Iyong harapan... Kaya pwede ba Ayoko magkasala..." Natawa ako sa sinabi ko. Kaya nabatokan tuloy ako sa kauna unahang Beses, Napaka brutal niya sa Akin nong araw na yun, Nasampal, Nahampas, At Nabatukan. "Kunyari ka pa Ginusto mo naman pala yakapin kita... aminin mo.." Sabi niya sa akin na NakaSalubong kilay na Nakagat labi. Parang Bata tuloy siyang tingnan, pero Yong Kamay niya naka kuyom handa yata Isuntok sa akin. Hindi ko na Siya pinatulan baka Saktan na naman ako. Pagkagabi non Nilagnat ako, Namaga talaga yong balat ko na pinaghahampas niya at ang Pisngi ko naman Humapdi. Kaya Pinahiran ko nong Banal na langis, Buti nalang Pagka bukas Gumaling na. Ngunit Ilang Araw pa ang Nakalipas napapansin ko na sa Tuwing Gabi kahit nasa Duty ako May parang Sumusunod sa akin. Akala ko si Diwata necay pa rin, Hinahayaan ko nalang. Lalo na sa bahay ko Kapag Gabi biglang May Mabilis na anino lang Na Dumadaan sa Harap ko at Kasabay non may nararamdaman akong pananakit ng Ulo ko at Nanginginig ang Katawan ko. Akala ko stress lang sa Trabaho o Kayay epekto lang nong Dati kung naranasan sa Hospital. pero hindi kakaiba ang nararamdaman ko, Sa tuwing nakikita ko ang Anino na Umaaligid sa akin Nakakaramdam ako ng Sakit sa ibat ibang parte ng Katawan, pero madalas sa ulo ko na parang Sasabog ang utak ko. Isang Gabi non, Napanaginipan ko ang Maestro ko. "Anak... Kailangan mo Mag iingat Nalalagay ka ngayon sa Matinding kapamahamakan, Sa ginawa mong Pag Panig sa mga Itim na anghel ay May Kaakibat na Panganib. Kukunin nila ang Buhay mo, Hinalo mo kasi sa Dugo mo ang Itim na Sumpa nila para talonin ang Prinsipe ng Kadiliman. Kaya ikaw naman ngayon ang Kanilang Sisingilin..." Sabi sa akin ng Maestro ko sa Panaginip. "Kaya Ba May mga Karamdaman ako ngayon na Hindi ko Maipaliwanag? Anu po ba Dapat kung Gawin Maestro, Para Makaligtas sa Sumpa nila.?" Tanong Ko kaagad sa Maestro. "Kailangan mo kumbinsihin Ang Boung Kapunongan, Ang Mga Kasamahan mong Mga Puting Tupa na Mag Sagawa ng 'Burn Offering' Para Mapatawad ka ng Mga Puting Anghel at Ng Diyos Ama. at poProtectahan ka ng mga Puting Tupa. Lumabag ka kasi anak sa Batas natin, Pero naiintindihan kita Dahil Sinakripisyo mo ang Buhay mo Para lang Iligtas ang Mga Taong ayaw mong mapahamak. Isa kang May Matibay na Principyo at Dignidad na Puting Tupa, Hindi mo na inisip na Buhay mo ang kapalit Dahil mas Inisip mo ang Kapakanan ng Iba... Anak matinding Laban ang Pinasokan mo. Tatapatin kita, Hindi mo Kakayanin to mag isa... Kaya Habang Maaga pa, Kumilos ka na Bago ka pa maunahan ng mga itim na Anghel, Sila ay Sakop din ng Diyos at naatasan sa kanilang katungkulan. Sa mundo tawag sa kanila ay Kamatayan, Kaya huwag mo ng Hintayin na Maunahan ka.. Ang Mga Nararamdaman mo ngayon ay Senyalis na Tumalab na ang Sumpa nila." Pagpapaliwanag sa akin ng Maestro. "Bukas na Bukas Tatawagan ko sina Kuya Bobet at Pinsan Bong. Hihingi ako ng Tulong sa Kanila Maestro..." Sagot ko sa aking Maestro. Pagkabukas non, Tinawagan ko ang Mga Pinsan ko sa Cabadbaran. Hindi ko pa man Nasabi sa kanila ang Nangyari sa akin at Ang Pakay ko sa kanila. Pero naunahan na nila ako. Alam nila lahat ang Nangyari sa akin at Ang Kinakaharap kong Suliranin. "Magpapatawag kami ng Pagpupulong mamaya sa lahat ng Membro ng Kapunongan. Alam kong Tutulongan ka ng Lahat, Dahil kaisa ka namin bilang Puting Tupa. Kaya Ihanda mo ang Sarili mo At Mag iingat Pinsan, Dahil Napaka bigat at Napaka Delikado nitong kinasasadlakan mo ngayon." Sabi sa akin ni Kuya Bobet Sa kabilang Linya. Pagka Tanghali non Habang Naka online ako, Dumalaw na naman si Diwata necay sa akin. Wala siyang Alam sa nangyayari Pero Nong Bigla sumakit ang Ulo ko at namimilipit ako. Nakita ko kasi na may Dumaan na itim na Anino na naman, Napatanong Siya napano ako. Sabi ko Na stress lang, Pero Lakas ng Pandama niya, "Hangal ka Hindi stress yan, Hindi pa pala Nawala ang Sumpa ng itim na anghel sayo... Sinusundan ka nila aking bana, Nasa paligid lang sila... Kung May Maitutulong lang sana ako sayo aking bana..." Pag aalala ni Diwata necay sa akin. "Tumahimik ka nalang Kung wala kang Maisip. Anu ba sadya mo at Naparito ka na naman?" Tanong ko sa Diwata na Panay Titig sa akin. "Alam mo ikaw Kahit may sakit ka, Hindi ka pa rin Tumitigil sa pagiging Masungit mo, Nandito lang naman ako para Makiusap sayo na Pumayag ka na Dalhin ko ang anak ko sa Kaharian. Pangako ibabalik ko rin siya sayo." Pakiusap ng Maharlikang Diwata sa akin. Dati ko ng sinabi sa Mga Nakaraan kong Kwento. na ang mga Engkanto ay Hindi Sumisira sa Pangako, Tumutupad talaga sila. "O sige na nga hindi ko rin kasi Mamonitor ang Anak natin dahil May Kinakaharap ako sa ngayon. Pero pag Gumaling ako Ibalik mo siya akin ha..." Pagpayag ko sa pakiusap niya na NakaHawak sa Sumasakit kong Ulo. "Pakisuyo naman oh, Maari mo ba akong Bilhan ng Pain reliever. Sobrang sakit ng Ulo ko Hindi ako Makalabas, Para akong Nahihilo." Pakisuyo ko na rin sa kanya na Halata sa mukha niya na Natutuwa na Nag aalala. "Nautosan mo pa talaga ako... isa akong Reyna sa kaharian namin. Pero dahil mabait ka sa akin ngayon gagantimpalaan kita ng Halik." Nakangiti pa siyang Sabihin sa akin na parang Nang aasar pa yata kahit masakit na masakit ang aking Ulo. "Huwag mo nga Akong Asarin, Gamot Sabi ko... hindi ko sinabing Landiin mo ako.. sige na pakiusap naman oh... Asawa kong Ewan ko ba... ayan Sobra sobra na PakiUsap ko may Lambing pang Kasama.." Napilitan tuloy akong Tawagin siya ng Ganun. Sinadya yata niya yun eh. Buti nalang At Sinunod naman niya ako. (Fast forward) Ilang Araw pa ang nakalipas, Tumawag na ang pinsan kong Si Bong, At Pinapapunta ako sa lugar ng Matangad Mis.Oriental. Doon na daw kami Magkikita kita. Kasama din daw nila ang mga Kasamahan sa Kapunongan. Kaya Bumiyahe ako nong araw na yun kaagad. Abangan Ang Kasunod na Bahagi. Dahil Makakasama ko na Ang Mga Kasamahan ko sa Kapunongan, Marami pa ang mga Mangyayaring Mysteryo, Kababalaghan ang Mararanasan ko sa aking Kalagayan... Maraming salamat Sa Lahat ng Naghintay sa Muli kong Pagbalik sa Kwento ng Buhay ko. God Bless at Keep safe lagi mga Kaibigan.

-Silent Rasta Ps: Respeto sa Kapwa tao at Respeto Sa Diyos.

Scary Stories 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon