A/N : Sino pa sa inyo ang may ganito ding karanasan sa Manila City Hall? Ibahagi na yan sa comment section.
***
I hope na ma-post 'tong ise-share kong story. Just call me Jj, my nickname. Sigurado akong marami na sa inyo ang pamilyar at nakarinig na ng mga horror stories sa Manila City Hall. Alam nyo na rin siguro na ang Manila City Hall ay hugis kabaong na may cross sa itaas pag tinignan sa itaas. Sa mga hindi pa nakakakita, search niyo siya sa google maps. And i-satellite mode niyo siya. So balik tayo, yung pinsan ng kaibigan ko ay nag tatrabaho sa Manila City hall. Di ko alam kung ano trabaho niya kasi nasabi lang sa akin ng pinsan ko eh. Pero madalas daw inaabot yung pinsan niya ng night sched. Sabi-sabi nga daw dun, na kailangan pagpatak ng 6pm dun mag-uumpisa ang mga creepy something na mangyayari kaya ang natitira na lang lagi pag 6pm is yung mga aabutan ng night sched. Sanay naman na yung pinsan ng kaibigan ko, like gabi-gabi daw nakakarinig sila ng mga footsteps na nanggagaling sa hallway. Mga strange voices at minsan nga umiiyak pa. A lady wearing a white dress ang laging nagpapakita tuwing gabi. Duguan yung mukha at palakad-lakad. One time sinama ako ng pinsan ko, siya kasi naghahatid ng pagkain nung pinsan niya. Pero hindi daw siya nag-i-stay ng matagal kasi natatakot nga hahaha. Pero ako, pinilit ko siya na kahit mag-stay man lang kahit konti. So pagpasok palang namin ng Manila City Hall babalot na agad yung malamig na hangin sa katawan mo. Ang creepy kasi ang dilim pa. Habang naglalakad kami sa hallway, nagsimula na kaming mangilabot kasi alam mo yung feeling na para bang may nagmamasid sa inyo? yung parang may nakatingin sa inyo. Ang creepy talaga. Tapos ayun nahatid na namin yung pagkain. Pagkabalik namin sa hallway, may narinig kaming footsteps. Eh wala namang ibang tao dun, napatigil kami kasi parang palapit ng palapit sa amin yung tunog ng footsteps. Hanggang sa bumungad sa amin yung babaeng duguan na nagpapakita don. Nakatingin sa amin, nakangiti ng nakakakilabot. Hindi kami makatakbo, alam mo yung parang na-paralyze ka. Tangina lang diba? Sinuntok pa ako ng malakas ng kaibigan ko para bumalik ako sa diwa ko at tumakbo papunta sa pinsan niya. Kinuwento namin yung nangyari sa pinsan niya at sa mga katrabaho niya. Di naman sila nagulat, kasi mga sanay na nga. Ikaw ba naman magtrabaho sa Manila City Hall di ka kaya masasanay? Nag-stay kami dun hanggang sa makauwi yung pinsan niya at mga katrabaho niya para samahan kami kasi talagang ayaw naming dumaan na sa hallway. Simula nun di na ko sumama sa paghatid ng pagkain.
Matatakutin
BINABASA MO ANG
Scary Stories 2
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! Highest Rank : #3 in horror (03/20/2018) Consistent Rank : #6 (2018-Present) ciao /sheree