Tawagin nyo na lang ako name na "Angyl". Marahil, nagtataka kayo bakit "Parlor" ang title ng story ko? Share ko lang yung mga kababalaghan na naranasan ko sa aming parlor!Hindi pa daw ako pinanganganak, nakatayo na ang parlor namin. 20 years na ang parlor namin, isa ito sa sikat na Beauty salon sa Iloilo City! So ito na nga, yung kinatatayuan ng parlor namin ay sa isang malaking building ang may-ari ay isang Chinese. Parang bahay na din namin ang parlor, doon na kasi ako lumaki.
1st experience: Doppelganger
Ako yung tipong hindi naniniwala sa mga multo, aswang, duwende, kapre o ano na yan. Ika nga, "To see is to believe" para sa akin.
Way back nung high school ako, kakauwi ko lang galing school para mag-lunch. Papasok sana ako ng cr nang makita ko si ate papasok din. Tinawag ko sya ngunit hindi sya sumagot o lumingon man lang. Kaya hindi na muna ako pumasok.
Naghintay ako pero ang tagal nya. Kaya pinasok ko na lang at laking gulat ko na wala palang tao sa cr namin?! Wtf kaya dali-dali akong lumabas at tinanong si mama."Ma! Si ate nasaan??"
"Nasa school pa, bakit?"
Nang marinig ko bigla akong nabingi. Eh sino yung nakita ko? Hindi ako pwedeng magkamali, si Ate un! Kahit nakatalikod sya kilala ko sya! Naka-school uniform pa nga sya eh at nakatali ang buhok!At doon nagsimula ang paniniwala ko sa iba't ibang elemento.
2nd Experience: White Lady
This is not my experience, kundi kay ate. Tanghali na ng makauwi ako ng parlor namin para mag-lunch. Pero bumungad sa akin ang iyak ni ate.
Grabe iyak nya, tulo sipon. Makikita mo sa mga mata nya na takot na takot sya.Umiiyak sya sa dahilan na nung nagsi-cr sya, tumingin sya sa taas (2nd floor) at nakita nya daw yung White lady na nakatingin sa kanya at nanlilisik ang mga mata. Maingay daw kasi si ate eh kaya sya pinakitaan sabi ng tito ko.
Nang nalaman ko yung nangyari kay ate, bigla akong kinilabutan. Kasi hindi pa ako nakakita ng white lady? Doppleganger lang ni ate.3rd experience: Bulong
Nagdesisyon kami nila mama na sa parlor kami matulog kasi Dinagyang Festival bukas. May double deck naman kami.
Nakahiga na ako, katabi ko sila mama at ate. Una, naka-idlip ako at nagising ako bigla kasi may bumulong sa akin. Tumayo ako para tignan ang taas ng double deck ngunit walang tao. Sila mama at ate naman ay himbing na himbing sa pag tulog. So, natulog ulit ako kasi akala ko baka guni-guni lang. Nang ipikit ko na aking mata, pucha! May bumulong na naman! Hindi ko maintindihan yung sinasabi, tapos tumatawa pa sya. ramdam ko pa ung boses nya na nag-e-echo sa tenga ko. Tinakpan ko yung tenga ko ng unan ngunit hindi pa rin sya tumitigil. Hindi ko na matiis, ginising ko sila mama at ate at doon na ako umiyak ng todo.
Sabi nila may nakatira daw sa parlor namin. Isang babae at isang bata. Kahit sila tito ay nakaramdam din at pinapakitaan pa nga ngunit hindi nila ito pinapansin. Basta wag ka lang daw maingay kasi ayaw daw nila yun. At sabi pa ni tito, lucky charm daw yun nagbabantay ng parlor namin.
Nung 2011, ay tuluyan na kaming nagsara ng parlor sa kadahilanang a
nagmahal ang renta. Wala akong magagawa, gusto ko man sabihan sila tito at mama na wag ipasara ang parlor eh hindi din naman na makakaya ang renta. Para makikita ko pa din ang first love and crush ko na si Joshua. Bwiset kasi yung intsik.So dito na nagtatapos ang kwento ko. Hindi man nakakatakot sa inyo pero para sa akin, yun ung hindi ko makakalimutan sa tanang buhay ko!
Angyl
Iloilo City
BINABASA MO ANG
Scary Stories 2
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! Highest Rank : #3 in horror (03/20/2018) Consistent Rank : #6 (2018-Present) ciao /sheree