Duwende na Si Alata

1.3K 21 2
                                    


Hello mga Amigo at Mga Amiga,
Ako Lang to Ang Bayaw Ni Bayaw (SR),,, Personal ko to Na Story, Wala si Bayaw sa Story ko na ito. Kaya Just Sit Back And Read niyo na lang to.
Nagtatrabaho ako Bilang isang Helper Ng Angkol ko sa Pag ka Carpentero. Kinuha Niya Akong Helper Kasi Wala Daw siyang Makuhang Ibang Tutulong sa Kanya. ayaw niya Kunin yong Sarili niyang Anak Na Si Junior, Pinsan ko Feel kasi niya Isa siyang "Don"... Don siya Magaling Haha. dahil Napaka Sutil daw nito, Hingi lang Ng Hingi ng Pera para sa Bisyo niya at Aawayin lang Daw siya pag Nalasing, Yong ibang Bisyo nito Pang Mayaman, Nag Kakasino..in short NagKakautang sa kung Sinosino..haha
Itong Angkol ko Kapatid to ng Mama ko. Heto na Nga Nag Ttrabaho kami Ni Angkol Teloy sa Isang Bahay na Hindi pa Natatapos. Si Angkol Teloy na Ang Kinuha ng May Ari na Magpatuloy kasi yon Dati NagTrabaho sa Bahay na Yun. Nagkasakit at Namatay Dahil Tumigil na Sa Paghinga... Haha di joke lang Dahil sa Isang Karamdaman daw na Hindi nila Alam kong Ano. Isang Araw Non Inutosan ako ni Angkol Teloy na Mag Masa (Mix) Daw ako ng isang sako ng Cemento. kaya sinunod ko naman, Nong Matapos ako mag Masa. Taga abot naman ako sa Kanya Ng Cemento na nilalagay ko sa timba para Ilagay niya Sa Pag pile ng Hollow block. Kapag naubos yong Cemento sa timba e Hinahagis ni Angkol teloy yong Timba, Kahit pwede naman niya e abot sa akin e Hinahagis pa rin niya. para bang May Galit Si Angkol Teloy sa Mundo, Kasi Napaka Seryoso niya Ayaw niya Na Binibiro siya. Kaya Di Ako Nagbibiro sa Kanya Dahil Baka Tupi.in niya ako at gawing Oregami.., Haha Dahil sa Ginagawa niyang Paghahagis na para bang Nakahagis siya ng Bowling. Ayon Bingo..! May Tinamaan siya kasi Tumalbog yong Timba Sa Sulok na May Naka Upong Maliit Na Chiwawa man. haha pero seryoso dwende po yong tinamaan niyang Nag eemote pa naman that time. para bang Gusto pa Yata maging Model sa Mga Music video ng Karaoke. Naka Upo lang Kasi ito at Malalim ang Iniisip. Nong Tamaan siya Ng Timba Na Tumalbog sa Kanya. Nakita Ko ang Galit niya na Nakatingin Kay Angkol Teloy. Gusto ko sana sabihin kay Angkol kong May Minopause ba Siya sa Sobrang Strikto. Haha Joke ulit. Sabihin ko sana sa Kanya na May Tinamaan siyang Duwende, Kaso Alam kong Hindi siya naniniwala sa mga Elemento. Habang Nagmamasa ako Yong Duwende Lumapit kay Angkol teloy, Itinulak niya si Angkol teloy at napasandal sa Bagong Pile na Hollow blocks, Kaya Gumuho yong Pader na Hollow blocks At Buti Nalang At Pakabilang Natumba Ang Pader Kundi madadaganan na sana si Angkol Teloy. Nagalit ako Sa Duwende kaya Binato ko yong Hawak kong Pala Sa Duwende. Natamaan ko siya, pero Hanggang Titig nalang Siya, At Nagtitigan kami, Subukan lang nya akong Saktan Susumbong ko sya Kay SR haha. Pero Nagalit talaga yung Duwende sa akin. Matapos yong Nangyari na yun, pgkabukas Tumawag si Junior (anak ni Angkol Teloy) na Hindi muna Magttrabaho ang ama niya dahil Inaapoy daw ng Lagnat. Naisip ko tuloy Nasusunog Siguro si Angkol Teloy Dahil sa Lagnat, Haha Kaya Relax ako Nong Araw na Yun. Tanghali non nanood ako ng ika anim Na Utos sa GMA. Biglang May Pumasok sa Bahay, Si Angkol Teloy, Hinang Hina At Parang Nag Kulay Violet Siya. Buti nalang Hindi Kulay Green kundi Para na Siyang Si Incredible hulk. haha Pero seryoso kakaiba ang Galaw niya nong Pumasok sa Bahay. Palingon lingon siya Sa Boung sulok ng Bahay. "angkol bakit ka Nandito dapat nagpahinga ka sa Inyo at Magpagaling ka Para makabalik tayo sa Trabaho mo." Pero nong Sinabi ko yun Parang May Nakita si Angkol Teloy na Nakakatakot dahil tumakbo siya at Tumagos sa Dingding,, Nagulat ako Dahil May Power si Angkol Teloy? Pero parang mali Isa pala siyang Kaluluwa. Kinabahan ako dahil Baka Namatay ang Angkol ko. Kaya Pumunta ako sa Bahay nila. Nakita ko si Angkol teloy nakahiga lang Tulog. Si Junior naman Ayun sa Barkada Nakikipag landian, Haha Joke nakikipag inuman pala.Hindi man lang niya Inaalagaan ang Ama niyang May sakit na Siyang Nagkakayod para Sa kanya. Kaya Ayaw ko sa Pinsan na yan Kasi Napaka Sama Na Anak. Hindi niya kasi Alam na masakit mawalan ng Ama. Nong Namatay ang Papa ko Dami kong Pagsisisi non, na sana pinakita ko sa papa ko na mahak ko siya. na sana pinakita ko sa papa ko na proud ako sa kanya. pero huli na dahil wala na siya. Teka Parang Nagddrama na ako. Naiiyak tuloy ako, bayaw oh Inaaway ako nila. Haha Balikan natin ang Kwento, sinubukan kong gisingin si Angkol teloy At Buti nalang Nagising naman. Sumunod pala si Karla My love sa akin non kaya Yun nautosan ko tuloy na Puntahan si Mama para Maalagaan si Angkol teloy. Sumunod naman si Karla, Laking Takot lang Niya sa akin kung Di niya Ako susundin, Di siya makakatikim ng mga Abs ko,,, Haha joke lang, pagdating ni mama. inalagaan niya ang kapatid niya na may sakit. Ako naman umuwi na Inaya pa ako ni junior na sumali sa inuman nila. Pero tumangi ako kasi Ayaw ko makasabayan ang Pinsan kong Don. Don nga siya magaling Haha. Kahit si Bayaw ayaw niya kasabayan ang pinsan kong si Junior kasi May pagka Hambog kasi nito kung nalalasing. Papauwi na ako ng Hinarang Ako ng Isang Chiwawa man. Haha Dwende pala. Siya yong May dahilan ng pagkasakit ni Angkol teloy. "Ikaw na naman? Duwendeng pinaglihi sa Bunsay Tree, Pagalingin mo si Angkol teloy Dahil Hindi naman niya sinasadya na tamaan ka.." Ngunit nong Sabihi ko yun Mas Lalo siyang Nagalit. "Tigilan niyo ang Pagttrabaho sa Bahay Na Yun, Kung ayaw niyong Matulad sa Dating nagttrabaho doon na Pinatay ng Mga Kapatid ko... Hindi ako masama, Sila ang Masama. Binigyan ko lang ng Lection ang Kasama mo. Kung mga Kapatid ko ang nagparusa sa kanya. Hindi na Mabubuhay ang Kasama mo." Pagkatapos ko marinig ang Sinabi niya. Ay Nagdasal ako Ng itinuro ni bayaw sa akin na Discomonyon,, pero di ko natapos ang pagdasal ko. "Huwag... itigil mo yan..! papagalingin ko ang Kasama mo, Pero Kailangan mo akong Tulongan. Kapalit ng Pagagalingin ko ang Kasama mo.!" yong boses niya parang Chipmunks ang liit kasi Haha. "Anong Kapalit? Kung Virginity Ko Sorry Im bussy.." Sagot ko na hinaloan ko ng Pagbibiro. "Tulongan mo akong Paalisin sa Lugar na Yun ang mga Kapatid ko. Tinakwil na nila ako Dahil Hindi daw ako nakikisama sa kasamaan nila. Ang Gaya mo Ang Makakapag paalis Sa Mga kapatid ko sa Lugar na yun." Boses Alvin the Chipmunk talaga ang dating ng boses niya. "Naku Hindi Ko magagawa yan, Pagalingin mo ang Angkol ko, At Ikaw na Mag paalis ng mga Kapatid mo. Problema mo yan Bakit mo ako dinadamay sa Family problem mo. May Pogi problems na nga ako idadagdag mo pa Yang Problema mo. Anu ako Tambakan ng mga Problema?" Pagtanggi ko sa Chiwawa man. "Kung hindi mo ako tutulongan, Hindi ko pagagalingin Ang Kasama mo, Habang buhay niya Pagdudusahan ang Sakit niya." Sabi ng Duwende sa akin. "Ok sige Susubukan kong Tulongan ka,, Kokontakin ko lang Yong Siguradong Tutulong sayo,, si Bayaw Kasi Sigurado akong Hindi lang Mapapalayas mga Kapatid mo,, Kundi Mamasapano aabotin ng mga Kapatid mong mga Chiwawa din,," Kinuha ko ang celphone ko sa Bulsa ko at Dinial ang Number ni Bayaw. Babae ang Sumagot "The Number youre Dial Is out of Coverage Area.." Sosyal si Bayaw may secretary na siya na taga sagot kung may tatawag sa kanya kung Lalabas siya sa Coverage area,, Haha "Sige Kailan mo Gustong Paalisin ang mga Kapatid mo...?" Tanong ko sa Duwende, "Ngayon na Kaagad." Agad niyang Sagot. "ano? Naku po..! Agad Agad naman Di mo man lang Ipinapapabukas? Ngayon na Agad,, Di ka rin Demanding eh noh?" Sabi ko sa Duwende na NapakaSagwa talaga ng Hitsura. Parang Gusto ko na siyang Sampalin ng Tsinilas sa Mukha. Haha
Umuwi muna ako sa Bahay dahil kukunin ko ang Panyo na Green na Binigay na ni Bayaw sa akin. Sumunod pa ang Chiwawa Man na sa Bahay kaya sinabi kong,, "Hanggang Diyan ka nalang sa Labas. Hindi ka Welcome dito. No Pets Allowed.." Buti nalang At Nakinig naman ang Duwende. Pagkatapos kong Makuha Ang Panyo na Green,, Lumabas na ako ng Bahay. "May pangalan ka ba?" Tanong Ko sa Duwende. "Ako si Alata,," Pagpapakilala niya sa akin. "Alata? Kakaibang Pangalan ah,".
Habang naglalakad papunta doon sa Bahay na Tinatrabahoan namin ni Angkol teloy, Malapit lang Naman ito. Panay Dial ko pa sa Number ni Bayaw non. Hanggang sa Mag Ring na ito. Nakausap ko si bayaw, Pero sabi niya Busy daw siya At Sinabi lang niya May Gagawin siya Para matulongan ako. naitanong ko din kay Alata kung bakit ba niya gustong paalisin ang mga kapatid niya sa lugar na yon. pero ito lang sinagot niya, "Gusto ko lang sila mawala doon para Hindi na nila ako Aapihin.."
Pagdating ko Sa Bahay na Tinatrabahoan namin ni angkol teloy nakita ko kaagad ang mga Kapatid ni Alata na mga Mukhang Chiwawa din Look a like lang Sila lahat. Naglalaro sila sa Paligid ng bahay na Hindi pa natatapos,,
Kaya lumapit ako kaagad sa kanila, "Hoy mga Parang Bata Hindi naman talaga Bata, hindi to play ground. Umalis kayo dito
Dapat sa Inyo doon sa Mga kabundokan naninirahan." Saway ko sa Kanila,, Pero Tinawanan lang nila ako At nagsilapitan ang apat na Duwende na Mga hitsura pa lang mga Masasama talaga. Mga Pula ang Mga Mata Makakapal ang kulogo sa mga Mukha. "Ooopss... Stop Hanggang Dyan lang Kayo.!" Warning ko sa Kanila habang Kinukuha ko ang Panyo na Green ni Bayaw,, "Nakikita niya tayo,, Masaya to paglalaruan natin to,," Sabi nong Medyo matangkad konti sa Kanila pero Boses Daga. "Paglalaruan niyo ako, Sige makikipaglaro din ako sa Inyo ako Taya, Kaya Magsitakbo na kayo," Huhulihin ko na sana ang Isa sa kanila ng Biglang May nakiAlam,, Si Kenta. "Hayaan mong Tulongan kita sa mga To Puting Tupa,," At Pinaghuhuli ni Kenta ang Apat Na Duwende. "Napag Utosan ako ni Supremo Na Tulongan ka, Kaya Ano ba Plano mo para Sa mga To?" Tanong Ni Kenta sa Akin. "Dalhin mo nalang Sa inyo,, Gawin mo ang Nararapat para sa Mga Chiwawa na Yan,," Sagot ko kay heneral kenta. "Masusunod Puting Tupa, Paano isasama ko na Lang mga to,, Ikukulong ko sa Mga Kulungan namin. nga Pala Salamat sa Pag Aalaga Sa Aming Maharlikang Sanggol ganun na rin sa Kapatid mo." Pagkatapos Sbihin ng heneral ng mga Engkanto ay Naglaho ito Bitbit ang Apat na Mga Mukhang chiwawa na Mga Duwende. Lumabas din si Alata mula sa pinagtataguan nito. "Umuwi ka na Sa inyo,, Salamat at Tinulongan mo ako,, Kilala mo pala Ang Mga Heneral ng Engkanto? At nasa Sa inyo din ang Maharlikang Anak ng Reyna? Hindi pala Kayo mga Basta na Tao lang. May Koneksiyon kayo sa aming Mga Lahi,, Patawad kong anu man ang Nagawa ko sa inyo, Magaling na yong Kasama mo ngayon,, Maari ka ng Umuwi. At Maari niyo na rin ipagpapatuloy ang pagttrabaho sa bahay na ito,, Basta magkaibigan na tayo ha.?" Nakipag kaibigan ang Duwende sa akin at pumayag naman ako. Huwag lang niya akong Traydorin,, Kundi Ipapahuli ko din siya kay Heneral kenta. haha
Gumaling nga ang Angkol teloy ko at Nakapag patuloy rin kami sa Aming Trabaho sa Bahay na Hindi pa Tapos. Hanggang sa Ngayon Nagta trabaho pa rin kami sa bahay at si Alata nasa Paligid lang,, Hindi na niya kami pinakiki alaman at Pinapansin ko din siya. Mabait naman Talaga si Alata At Takot na rin siya sa akin ngayon. Masaya na siyang Namumuhay mag isa At Naging Bantay na siya Ng Lupain na Kinatatayuan nong Bahay na Tinatrabaho namin.
Hanggang dito na lang Spookify,, At Hanggang sa Muli. Mabuhay ang Mga Puting Tupa.
~Bewolf Buddy  

Scary Stories 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon