Wag na wag kang titingin sa ilalim ng iyong Higaan

1.8K 21 0
                                    


Hello mga kareaders. Call me Bryce at isa ako sa mga mapapalad na tao na nabigyan ng kakayahang makakita ng mga spirits. Second time ko na magpapasa ng story, pero yung first story ko hindi napost kaya sana mapost to ngayon.

Sa dinami-rami ng experience ko, eto ang pinakamasama at pinakanakakatakot. Nangyari ito last month lang, May 25 yun. Nasa kwarto lang ako nakahiga. Gabi na iyon at nakapatay ang ilaw. Inaantok ako nun pero hindi ako makatulog. Napakainit ng pakiramdam ko nun kahit nakabukas yung elecric fan. Tinodo ko na hanggang number 3 pero mainit pa rin. So ang ginawa ko, binuksan ko yung bintana para kahit papaano may hangin. Kaso, wala pa rin nangyari so hinayaan ko na lang. Mag aalas-onse na nung time na iyon tsaka lang ako dinalaw ng antok ko.

Maya-maya lang parang may naririnig akong iyak ng babae. Una hindi ko pinansin baka kapit bahay lang namin. Kaso habang tumatagal, lalong lumalakas. Trinay kong isara yung bintana kaso mas lumakas pa so balik na lang ako sa paghiga kaso tinakasan na ako ni pareng antok kaya ang ginawa ko, kinuha ko yung phone ko then plinug yung earphones. Plinay ko na yung music kaso walang sound na lumalabas, sabi ko baka zero yung volume so minaximie ko, kaso todo na yung volume. Baka sira yung earphones, tinanggal ko na lang at niloudspeak kaso wala paring sound na napoproduce kahit todo yung volume. Yung iyak nung babae patuloy parin kaya medyo kinakabahan na ako. Gusto kong lumabas kaso dahil sa nginig at takot, hindi ako makatayo ng kama. Ilang saglit lang tumigil na siya sa pag-iyak kaya medyo natanggal yung takot ko. Hindi na ako lumabas kasi wala na naman yung iyak, binuksan ko na lang yung ilaw.

Hindi parin ako binabalikan ni antok. Maya-maya lang ay parang nararamdaman ko lumilindol kasi umuuga yung higaan ko. Chineck ko yung upuan pero hindi naman gumagalaw, ganun din yung ibang gamit then biglang namatay yung ilaw. Medyo nagcreep-out na ako nito kaya tinawag ko na si mama kaso parang di niya narinig. Nagtalukbong ako kaso mas lumalala yung pagyugyug nung higaan. So ayun, naisip ko baka may something sa ilalim ng higaan. Kahit natatakot ako, nagdare narin ako na icheck yung ilalim ng higaan. Tumagilid ako pa right side kaso wala naman akong nakita. So balik lang sa pagkakatihaya. Kaso ganun parin, yumuyugyog parin yung higaan. Hindi ko alam kung bakit naisip ko na sa kabilang side naman tumingin, basta ginawa ko na lang. At ayun na nga, yung nakakatakot na pangyayari. Nakita ko may nakatayo sa right side ko. Nakapaa lang at mahaba yung damit na kulay puti, para bang pang hospital. Bumangon agad ako at chineck kung meron nga kaso wala. Medyo natakot na ako nun, pero sinilip ko parin yung ilalim at ganun ulit nakita ko. Chineck ko ulit kung meron nga, wala parin. Sabi ko last na, tinignan ko ulit yung ilalim at ayun na, tumambad sa akin ang isang babaeng walang mata at ilong, mhaba ang buhok, duguan at nakangiti. Napasigaw ako nun at bumalik sa pagkakahiga. Bigla akong napatingin sa kisame at yun na. NAKITA KO SIYA na nakakapit doon at nakatingin sakin. Hindi ako makasigaw sa takot at maya maya lang ay narinig ko na yung iyak at sobrang lakas na nito. Bigla a lang siyang tumalon papunta sa akin at sinakal ako. Sobrang lamig nang kamay niya at ako umiiyak na. Doon na ako nrinig ni mama na sumisigaw kaya dali dali raw siyang pumunta sa akin. Nadatnan niya ako na natutulog sa kwarto. Paggising ko nun, kwinento sakin ni mama na naririnig niya daw akong sumisigaw ng ""tama na!"" Gusto kong ikwento kay mama kaso ayokong pati siya matakot kaya binalewala ko na lang.

Hindi lang yun yung pagkakataon na nakita ko yung babaeng yun, pagnapost ito kwento ko naman yung pangalawang beses na nakita ko siya. Hanggang dito na lang muna.

Sa mga nag-iisip na mukhang gawa-gawa lang ito dahil parang scene sa pelikula, ala akong magagawa basta naranasan ko talaga ito.

Salamat sa oras.

Bryce
Quezon City

Scary Stories 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon