Dormitory

1.1K 13 2
                                    

Sana ma-post ito...

Before. Nung nagdo-dorm pa ako sa likod ng university na pinapasukan ko ang dami kong supernatural experiences sa room namin. Apat kaming tao sa room. Syempre sa una di pa kami close at hindi pa din kami na-order before nung isang gallon na tubig. So puro bottles lang kami na mga liter-liter. So ayun lagi kasi akong nagigising ng 3am. As in literal na araw-araw. Eh di nagising nga ako pero nakatalukbong ako ng kumot. Tapos narinig ko na yung mga bottles namin ng tubig natutumba. So akala ko may ibang gising. Sumilip ako, wala naman. Tulog na tulog sila. So balik ako sa pagtalukbong ng kumot. Tapos bumalik na naman yung mga bottles na natutumba. Yung iba may mga laman pa (narinig ko yung water) so sabi ko na lang "eto na naman 'to!", tapos nung wala na yung sa mga bottles na tunog, yung chair naman sa room namin. Yung tunog na parang hinihila, plastic kasi yung chair tapos rinig na rinig mo yung pagkahila niya sa tiles. Hindi siya yung bastang hila lang eh. Parang may nakaupo or may something na mabigat na nakapatong (kasi diba magkaiba tunog nun, mas light yung tunog pag upuan lang talaga at malakas yung pagkakakaladkad pag may something heavy) so ayun nag-pray ako.

After ilang minutes naglakas loob ako na tanggalin yung kumot. Yung upuan nasa tabi ng kama ko na. Kinuha ko yung bible sa may gilid ng kama ko. Nagbasa ako for 5 minutes suguro. Then sabi ko "okay na ko, pwede na ako matulog". Nung nagtalakbong na ulit ako ng kumot may naramdaman akong presence na nakatayo sa may bandang ulunan ng kama ko. Alam niyo yung ramdam na ramdam kong nahinga pa yung tao na nabi-visualized ko na lalaki siya na naka-coat. At nakatingin sakin ng masama. Naiyak na ako that time tapos nagdasal ako ng nagdasal hanggang sa nakayanan ko na at nakatulog na ako.

Kinwento ko agad sa roommates ko paggising namin nung umaga.

So ayun ilang araw na nakakaraan.
One night nagising na lang ako na wala na yung mga roommates ko. Natakot ako. Ginawa ko nagpatugtog ako sa cellphone ko ng masayang song. Then out of nowhere, biglang sumara ng malakas yung pinto ng cr namin, as in malakas. Na para pang may galit ang nagsara. Kinabahan na ako. Kasi wala namang window sa cr para sumara yun mag-isa. Tapos sarado naman mga windows namin sa room. Na-e-envision ko na may babaeng nagapang sa floor (sa position kasi ng kama ko, di kita yung pinto ng cr) na papunta sa akin. So bago ko pa man makita yun tumakbo na ako palabas at nakita ko sarado na nga yung pinto sa cr. pumunta ako kay kuyang guard sa 1st floor, nung tinanong ko kung nasan sila, sabi niya lumabas daw roommates ko ang paalam daw is magpapatahi ng uniform sa kanto. So kinwento ko kay kuyang guard sabi niya sa akin "wag mo na lang pansinin, di ka naman aanuhin niyang mga yan" so confirmed nga na meron talagang mumu sa dorm namin. Di na ko umakyat sa room at inantay ko nalang sila sa baba. Tapos kinwento ko na sa kanila pag-uwi nila.

P.S. meron ba sa inyong nagkakatotoo yung napapanaginipan? Ganun kasi ako eh.

Babalu

Scary Stories 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon