Lugar na 'di pangkaraniwan

260 4 0
                                    


Last week nagpunta kami sa Siquijor para dalawin namin yung kapatid ng lola ko na namatay, si Lolo Mariano. Habang bumibiyahe kami sakay ng isang barko hindi mawala sa isipan ko ang tungkol sa mga usap-usapan dun sa lugar na yun. Sabi ni mama, pag makarating kami doon huwag na huwag akong tatanggap ng kahit anong ibibigay sa akin ng taong di ko kilala. Mas mabuti daw na maging tahimik lang kami at mapagmatiyag dahil di karaniwan ang lugar na iyon sabi nya. Kakaiba ang titig ng mga tao don lalo na't alam nila na isa kang dayo, magmumukha kang artista dun dahil lahat ng mata nila sayo nakatingin. Pagdating namin dun sa lamay ng kapatid ni Lola ay hindi ako mapakali sa palagid. Nakakapanibago ng damdamin, siguro dahil sa di ko kabisado ang lugar o sadyang kakaiba lang talaga ang paligid. Sumilip sila sa bangkay, ako ayoko sumilip dahil di ako sanay kaya pumunta muna ako sa likod ng bahay para mag pahangin. Mahina pa ang signal at maaliwalas ang paligid kahit 7pm pa lang. Nung nag-9pm na andaming taong pumunta sa lamay. Tumulong ako mag-serve sa mga bisita, karamihan eh kapitbahay na nagpunta para maglaro ng mga baraha at mga batang juice at fudgee bar ang hanap. Nakakatakot talaga ang titig ng mga tao mapababae man o lalaki, pero mas natakot ako dun sa mga baklang naglalaro ng tong-its na "Pssst pogi, patikim ng fudgee bar mo". Maya-maya pa ay dumating yung isa ko pang uncle na naninirahan dun at mukhang lasing. Drama sya ng drama habang nakaharap sya sa kabaong, kinakausap nya, tapos iyak ng iyak. Isang oras ang nakalipas, marami pa ring tao sa labas. Mahina ang signal kaya nagmasid ako sa palagid, bigla akong tinawag ni mama. Sabi nya bantayan ko daw yung lolo ko baka may pumasok na estranghero at nakawin ang patay na katawan ni Lolo Mariano. Kunwari pa si mama na kesyo ganto kesyo ganyan magbantay para naman makapaglaro si mama ng Mahjong. Habang nagbabantay ako medyo naging curious na din ako kaya sumilip ako sa patay, di ko alam na nilalagyan pala nila ng foundation at may kaunting parang make up kaya natawa ako ng konti. Tinitigan ko ng mabuti yung patay, napansin ko na parang gumagalaw ang parte ng labi nya, kumunot ang noo ko at tinitigan ng mabuti dahil nagtataka ako. Nang biglang may lumabas na dalawang ipis sa bibig nya at may tumulong maitim na likido sa ilong nya. Hindi ako makasigaw sa aking nasaksihan, para bang may humahawak sa ulo ko para masaksihan ang mga pangyayari. Sunod na lumabas sa bibig nya ay isang centipede at biglang dumilat ang maitim nyang mata. Napamura ako at sumigaw ng napakalakas kaya nagsitayuan ang mga tao pati sila mama at tito papunta sa kinaroroonan ko. "Tulooong ! Dumilat yung patay!" Sigaw ko habang nanginginig ang mga kamay ko habang tinuturo ko ang kabaong. Pagtingin nila, sabi nila wala naman at normal lang. Tinawanan pa ako ng iba at sinabihang illusyonada. Pero napikon ako sa sinabi nila kaya sinigawan ko sila. "Aba p*tangina pala kayong lahat eh! Anong akala nyo sakin baliw?! P*ta kung nakita nyo lang may lumabas na itim na dugo sa ilong at lumabas na ipis sa bibig nya sabay dilat ng maitim na mata baka inatake na kayo sa puso eh! Hayup pala 'tong mga taga dito eh palibhasa puro mangkukulam naninirahan dito!" Sigaw ko habang tumahimik silang lahat. Sinipa ko yung lamesa sa galit ko at natumba ito. "Oh sige na sige na ipagpatuloy na natin yung laro. sige na labas na tayo, pagpasensyahan nyo na ang anak ko mainitin talaga ulo nyan. sige na mga kapitbahay ahehe" Ani mama sa kanila at tumingin sakin habang pinandidilatan ako ng mata ni mama. Lumapit sya at sinabing "Ano bang ginagawa mo Ken huwag kang bastos sa mga bisita, dun ka nalang sa kwarto, si Marjun (pinsan ko) nalang ang pagbabantayin ko dito". Habang nag-uusap kami ni mama napansin ko na may nakatitig sakin na nakasumbrerong itim na matanda at nakasilip sa bintana. Malapit na mag-12mn, di ako makatulog kaya pumunta ako sa likod ng bahay para magpahangin at magyosi. Habang nagyoyosi ako biglang may nagsalita sa likod ko. "Sigurado ka ba na nakita mo talaga ang lahat ng 'yon, hijo?" Paglingon ko nagulat ako dahil yung matandang nakasumbrero ang nasa likod ko. "Sus isa ka pang cancer tatang, huwag ka nalang magtanong kung nagdududa ka" Sagot ko sa matandang nakasumbrero. "Sa loob ng anim na dekada at dalawang taon kong pamumuhay hijo, walang kahit isang cancer na dumapo sa katawan ko." Katunayan tumawa ako ng malakas dun eh, halos mamatay ako sa tawa habang nanonood sya sakin. Humingi pa sya ng isang stick ng yosi sakin at kinausap ako. Wag daw akong basta-basta maglalakwatsa dito lalo na sa gabi dahil maraming di pangkaraniwan daw sa lugar na iyon. Napansin ko na marami syang anting-anting na nakasabit sa leeg nya at mga tattoo na parang mensahe at latin ang nakasulat. Pero isa lang ang umagaw ng atensyon ko, yung bracelet nya na mayroong tatlong pangil at pamilyar ang nasa gitna. Tinanong ko sa kanya kung saan galing ang mga pangil ng bracelet nya. Sabi nya nakuha nya ang tatlong pangil sa isang kakaibang pangyayari sa lugar nila. Ang unang pangil ay galing sa isang aswang na nag-aanyong itim na baboy ramo or wild boar. Ang pangalawa naman ay pangil ng isang kidlat na tumama sa balikat nya habang nangangaso sa gubat at umuulan. Napanganga ako sa sinabi nya at natawa kasi ngayon ko lang nalaman na may pangil pala ang kidlat, kalokohan. At ang pangatlo na nasa gitna, isa daw itong pangil ng isang bampira na napatay ng kanyang ama nung bata pa sya. Naintriga ako sa mga sinabi nya, kunwari di ako naniniwala sa mga pinagsasabi nya ngunit tanging ngiting kakaiba lang ang naging sagot nya sa sinabi ko. "Buksan mo ang isipan mo hijo, walang imposible sa mundong ito dahil naniniwala ako na hindi pa nalibot ng tao ang buong mundo at natuklasan ang kababalaghang nagaganap." Nabagot ako sa mga kwento nya dahil sa puro nakakatakot kaya kunwari magsi-CR ako pero ang totoo pumasok na ako sa kwarto para matulog.

Kinaumagahan, sumama ako kay mama para mamalengke, medyo antok na antok pa ako kasi alas 8am pa lang. Usually nagigising talaga ako ng mga alas 10am-11am kapag napuyat ako. Napansin ko maraming tao sa may kanto ng palengke, parang may nagaganap. Hindi ako makasilip dahil maraming tao ang nanonood kaya umakyat ako sa bubong ng pampasaherong jeep na nakaparada sa gilid. Namangha ako sa aking nakita at talagang di ako makapaniwala, nakita ko yung matandang nakasumbrero ng itim na nakausap ko kagabi. Dinasalan nya ang balde na may tubig at binabad nya ang kamay nya, sa gilid nya may napakalaking kawali. Isa-isa nyang kinuha ang mga pritong saging sa kumukulong mantika. Nagmistulang sandok ang mga kamay nya sa pag-mix at pagkuha ng banana cue habang yung ale naman ang nagtutusok sa banana cue para ibenta.

-GhoulFromTokyo

Scary Stories 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon