Simula nung lumipat kami ng bahay, nagkaroon ako ng kakaibang karanasan.Nag-iisa lang akong anak. Hindi na gumawa ang parents ko ng kapatid ko kasi pareho silang busy palagi sa trabaho. Siguro walang mag-aalaga o siguro wala lang talaga silang time gumawa. Kaya sanay na akong mag-isa. Hiwalay palagi ang kwarto ko sa kanila. Buti nalang nandyan palagi si Conggie ang aso ko at kahit papano meron akong nakakausap kahit hindi naman ako naiintindihan.
Lumipat kami ng bahay kasi kailangang mas malapit sa opisina ng daddy ko. Malapit din sa FEU kaya mas convenient sa amin. Nung mga unang mga gabi okay naman yung bahay. Tahimik. Hindi kagaya ng dati naming tinitirhan na nasa tapat ng kalye kaya maingay.Hanggang sa isang araw tahol ng tahol si Conggie sa tapat ng pinto namin. Mga alas otso ng gabi yun. So expected ko nasa pinto na si mommy o kaya si dad kasi gumaganun lang si Conggie kapag may paparating na tao sa bahay. Tahol siya ng tahol. May tinitignan siya at may tinatahulan talaga siya. Pero hindi ko alam kung ano dahil wala akong nakikita. Sinundan niya ito mula sa pinto, papunta sa sala. Hanggang sa yung tinatahulan niya papaakyat na ng hagdan. Umakyat din si Conggie. Kinikilabutan na ako kasi hindi naman siya ganun. Parang may sinusundan siya. Hanggang sa nawala na siya sa paningin ko at naka-akyat na sa kwarto.
Maya maya tumigil siya sa pagtahol. Then biglang may kumalabog sa kwarto ko. Parang may nahulog na mabigat na bagay. Kahit takot na takot ako sa misteryosong tinatahulan niya, umakyat pa rin ako kasi baka kung anong nangyari kay Conggie. Pag akyat ko nakatingin lang si Conggie dun sa salamin na nakadikit sa pader ng kwarto ko. Hinahanap ko kung ano yung nahulog pero wala naman akong makita. Pero alam kong meron talagang bumagsak. Rinig na rinig ko.
Kinwento ko kina mommy yun nung dumating sila. Sabi baka may daga o ipis lang na sinundan si Conggie at yung bumagsak baka sa kapitbahay lang. Pero alam kong sa kwarto ko talaga yun.Hanggang sa matutulog na ako sa kwarto nang bigla kong masipa ang unan ko at nalaglag sa sahig. At nung dadamputin ko napasilip ako sa ilalim ng kama. MAY NAAANINAG AKONG PAA NG TAONG NAKATAYO SA SALAMIN. Tinitigan ko pa ng matagal at naaninag kong meron ngang taong nakatayo. Pero pag-angat ko at nang silipin ko wala naman.
AT NANG DADAMPUTIN KO NA YUNG UNAN KO SA SAHIG BIGLA NALANG NAWALA AT NAPUNTA SA TABI KO.
Takot na takot ako nun at natulog ng nakatalukbong ng kumot. Dasal ako ng dasal hanggang sa makatulog nalang. Kinaumagahan kinwento ko kina mommy yung nangyari. Guni-guni ko lang daw. Ayaw talaga nila akong paniwalaan.
Kapag nasa kwarto ako iba ang pakiramdam ko. Sa peripheral vision ko merong taong nakatingin sa akin sa salamin.Isang beses nakatulog akong bukas ang TV at nagising nalang ako sa tahol ni Conggie. Tumatahol siya sa tapat ng TV at kitang-kita kong namatay ng kusa ang TV kahit hindi ko pinindot.
After one week. Paglabas ko ng gate namin para pumasok sa school tinawag ako ng isa sa kapitbahay namin at sinabing may multo daw sa bahay na inuupahan namin. Wala daw nagtatagal dun dahil umaalis agad sa takot. Nagpakamatay daw ang tunay na may-ari ng bahay na yun nang malaman niyang nagloloko ang asawa niya.
Ikinwento ko yun kina mommy at kinausap namin ang landlady ng bahay. Kinonfirm niyang nagpakamatay nga ang tita niya dun at sa tapat mismo ng salamin sa kwarto ko.
Kinuha namin ang down payment at lumipat kami agad sa ibang paupahan malayo sa bahay na yun.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 2
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! Highest Rank : #3 in horror (03/20/2018) Consistent Rank : #6 (2018-Present) ciao /sheree