Soldier

1.3K 31 2
                                    


Hi spookify! I hope na ma-post 'to :) Share ko lang 'tong experience naming magkakaibigan 3 years ago. So eto na, may camp kami nun somewhere in Aguilar Pangasinan. Taga Pangasinan naman kami pero secret na yun kung saan. Hahaha so yung camp na yun, iba't ibang baptist churches ang kasama. Bali para siyang youth camp ganon. Sobrang saya nung time na yun, bale 5 days kami dun. Unang araw ayos pa naman pero nung mga nagdaan yung ilang araw dun na.

Marami kami sa tent nun, yung malaking tent haha yung tolda. Basta malaki siya, kami yung may pinakamalaking tent nun tapos andun kaming lahat na magtotropa. Andun din yung mga iba naming friends tas may kasama kaming mga 11 years old yata or 12. I dunno na basta yun. Unang gabi hindi ako makatulog at hindi ko alam kung bakit. Iba lang talaga yung pakiramdam ko pero binalewala ko nalang yun. Malakas ako makaramdam pero never pa akong nakakita ng multo Eh kainis, tuwing gigising kami ng umaga lahat kami naghe-hair fall, which is normal lang sa akala niyo pero andami bes. Tapos yung iba naming kasama hindi naman naghe-hair fall dati pero paggising nila meron din. Marami-rami siya bes, hindi siya normal na iilang hibla lang nalalagas. Madami talaga, Btw, bundok yung pinag-canp-ingan namin. Dun daw marami na namatay na sundalo. Yung tent namin katabi ng sobrang laking puno, ewan ko kung anong puno yun basta puno! Hahaha.

Fast forward na. May kaibigan kami na itago nalang natin sa nickname na CJ. So bale si CJ, tahimik yun pero yung pagkatahimik naman niya eh yung nakikitawa pa rin, nakikisama ganun. Pero nung mga nakalipas na ilang araw bigla akong may napansin sa kanya. Nag-iba siya kumbaga, tahimik siya pero iba yung pagkatahimik niya. Ayaw niya na naiiwan mag-isa sa tent mga bes! And then nilagnat siya tapos para siyang takot na takot palagi.

So ayun fast forward ulit, last day namin nun. Uwian na tapos yun na yung lahat ng gusto niyong gawin, gawin niyo na. Pa-picture kayo ganon basta yun na. Nakatabi ko si CJ sa group picture, tinanong ko siya.
"Uy, okay ka na? Di ka na nilalagnat?"
"Oo, okay na ako" sagot naman niya pero parang hindi pa rin. Parang may iba talaga. "May sasabihin ako, huwag mong sasabihin kahit kanino" sabi niya sakin so "sige" kako, sabi niya "May nakita ako sa tent natin, gabi yun. Tulog na kayong lahat at nagising lang ako. May sundalong babaeng umiikot-ikot dito sa loob ng tent natin. Yung kalahating mukha niya maayos, yung kalahati sunog na ewan tapos wala siyang mata." Kinilabutan ako ng bongga mga bessy! Sabi ko "Weh? Di nga? Ows?!" Tapos sabi niya "Totoo yun, kahit itanong mo pa kay ano ******" Yung sinasabi niyang tanungin ko daw is yung pinakabata sa mga kasama namin, sabi niya totoo daw yun. Nakita rin daw niya mismo yung sundalong babae dun sa loob ng tent namin. Dagdag pa niya;

"Umiikot siya sa loob ng tent tapos kinukuhanan kayo ng buhok."

Asdfghjklputangina! Dun ako napamura! Kinilabutan ako ng sobra! Kaya pala paggising namin ang daming buhok!

Autumn

Scary Stories 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon