Ospital

1.8K 13 0
                                    


Hi spookifiers! I'm here again, yung sender ng ""Doctor A"" hehe. Well, etong kwento ko is dun pa rin sa ospital where I've met Doctor A. Yung mga nahulaan na kung san yung ospital na yun, siguro naman nabalitaan nyo yung news even in newspaper or here in social media na maraming nagccomplain sa kadahilanang yung ospital na yun ay ang pinakamaraming namatay ayon sa pag iimbestiga nila. Alam nyo kung san mas marami laging namamatay? Sa OB ward. As I've told you in my last story, dun ko nakita si Doctor A. I dunno kung may mga kasamahan pa sya sa loob ng ospital dahil nga sa sunod sunod at biglang pagdami ng namamatay sa OB ward mapasanggol man o yung nanay. Ang creepy diba? Pero eto ang mas creepy.

January 20 ng umuwi ako ng Bicol dahil may inasikaso akong papeles dahil kulang kulang ako sa requirements. That same day ay nagkita kami ng ate ko sa babaan ng mga pasahero sa bayan para tulungan at samahan sana ko sa munisipyo dahil diko kabisado dun. Limang araw lang kase ko dun kaya pagkadating ko ng isla ay agad ko nang inasikaso. Pero nagyaya muna si ate na kumaen dahil gutom na raw sya. Btw buntis ate ko nun, kabuwanan na rin nya so ako sumunod agad para di rin sya magreklamo pagpumunta na kami mun. So yun, lakad lakad then ayon na, Sea ****** resto kami pumasok dahil dun nya gusto. Umupo kami sa may malapit sa dagat para presko, and guess what? Tumingin ako sa mga taong kasabay namen, sa mismong tapat ko p**a andun si Doctor A walanjoooo! May mga kasama sya, puro nakaputi, yung lab coat? Ganon. And ang kinagulat ko pa ay nung kinausap ni ate yung babaeng katabi ni D(short for doctorA). So ako para nakong hihimatayin dahil nakatitig saken si D. And sa totoo lang yung mga kasama nya ang ccreepy, nakatitig sila sa tyan ni ate while kausap nya yung batchmate nya. After nila mag usap ay humarap nanaman si ate so relieved nako. Dumating na din yung pagkain namen. Pero di talaga ko makakain ng maayos dahil alam kong natingin saken si D. Huhu ang mamahal pa naman nung inorder ni ate kaya nanghihinayang ako. After ilang minutes tapos na kami. Ako tumayo agad tas nag iwan pera tas nauna lumabas. Si ate nagpaalam pa dun sa babae. Tas ayun, pumara nako trayk kaya tinawag ko na si ate. Nung nasa trayk na kami biglang nagkwento ate ko. Eto convo namen~
Ate: Be, nung andun ako't kausap ko sila parang ayaw umalis ng paa ko tas anlikot ni baby sa loob ko, bat ganon?
Me: ate!! Naalala mo yung kwento ko nung minsang sinamahan ko si Auntie Gina sa Ospital?
A: Oo, ano meron dun?
M: Yung lalakeng nakashades na gwapo? Sya yun!!
A: Hala gag* seryoso?
M: Oo. Natatakot nakaya ko kanina😞
A: Eh? Kaya pala nakatitig sayo akala ko may gusto sayo eh ha-ha(nervous laugh)

Then yun nasa munisipyo na kami, nakapila nako, si ate pinaupo ko muna. Mayamaya may kumakalabit saken sa likod. Nilingon ko, sabi yung kasama ko daw tawag ako. Nilapitan ko si ate, pagkakita ko parang hirap na hirap sya. Yung parang manganganak na? Ayun, sabe nya humihilab na daw tyan nya kaya ayun. Nagpatulong kami sa mga tao dun magtawag ng trayk so yun. Otw na sa E**C, kinakabahan ako. Tinawagan ko sina kuya yung asawa ng ate ko. Tas yun nakarating na, nilagay na sa wheelchair naisip ko, parang déjà vu? (Goosebumps) Hays. Umakyat nako, dinala na kase sya sa OB ward. Bes andun sila bes. Yung mga kasama ni D sa resto. Inalalayan ng batchmate nya yung ate ko tas pinahiga na. Ayun pinalabas nako. Waaah naiiyak ako nun kase baka may mangyaring masama sa loob. Mga ilang minutes biglang sumigaw si ate. Sa pagkataranta ko pinagkakalampag ko yung pintuan ng ward. Bes feeling ko nanghihina ako dahil sa takot syempre nasaksihan ko yung nangyare dati dun sa baby nung Kay D diba? Kaya nung mabuksan ko yung pinto, sumigaw ako. Sinigawan ko sila ""T***ina! Asan ba nurse?! Bat tatlo kayong doktor dyan! Yung ate ko t***ina!! Tas biglang pasok nila kuya kasama si Papa, hinatak ako palabas, tinanong ako kung bat ako nasigaw, sabi ko sinasaktan nila si ate, umiiyak ako nun. Sabi nila nasa loob sila ate sa kabilang kwarto dun sya pinasok. Sabi ko hindi andito sa kwartong to si ate pinagtutulungan pa nga sya nung tatlong doktor kako. Naguguluhan ako, parang andami Kong naririnig na boses diko maintindihan. Hinawakan ako ni papa sa mukha, hinarap nyako sa kanya. Sabi ni papa ""(nagdasal muna sya nung Latin) anak andito na si Papa. Ayos lang si ate mo dun, nagllabor pa lang yun, wag na umiyak babawian naten yun"". After nun nahimasmasan ako. Sabi ni papa di lang daw aswang yun. May black magic na alam daw yun. Dapat daw di ako nakipag eye contact kapag ganon. Inuwi muna ko ni kuya nun, pero bago ko makalabas ng pintuan ng ospital parang nahagip ng mata ko sa salamin si D. Nasa may cashier sya nakatayo. Paglingon ko, wala na.
Pagkauwi namen nakatulog agad ako. Si kuya bumalik sa ospital. Kinwento ko lahat kay Lola. Sabi nya maraming tinatago yung ospital nayon. Kaya kung may alam daw ako, wag na raw akong magtaka kung bat ganon yung nangyare saken. Kung di pala ko kinausap ni papa,baka baliw nako ngayon.

Pero rn andito nako sa manila. Nanganak na rin si ate. Baby boy hihi sabi ko ipangalan nya Cardo, minura ba naman ako hahahahaha. Hanggang dito na muna. Banghaba na eh. Next time ikkwento ko yung tungkol sa best friend ni mama.

Pat
QC

Scary Stories 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon