PART 1
Hi Admin. I hope na hindi lumabas ung identity ko. Salamat.
Please forgive me, hindi ako magaling mag kwento. I'll try my best.
Hi, I'm Rose (Not my real name). 25 years old. Hindi ako believer ng kung ano anong kababalaghan until may nangyare na. Simula noong bata pa ko, tuwing may magkwekwento ng mga katatakutan ay binabalewala ko lang. Wapakels. Kasi para sakin joke time lang nila yun, hanggang sa biniro ata ako ng tadhana.
Year 2014, nag simula akong mag trabaho sa Call Center. Sa dami ng kwentong JUN-JUN dun, naumay na ata ako. Naka ilang lipat din ako ng Company.
Year 2016, napunta ako sa isang Call center sa may Mckinley, Taguig. Training days. Lagi ako maaga pumapasok sa office. 1 or 2 hrs before. May 2 sleeping quarters for girls duon. Isa sa 2nd floor at ung isa ay nasa 3rd floor. Dun ako pumunta sa 3rd floor. Walang tao sa loob. Well, natuwa ako dahil walang maingay na hilik, walang magulo. Pero mali pala...
Ang ilaw lang na maaninag mo sa loob e ung ilaw na tumatagos sa salamin nung pintuan. 12 ang kama, double deck lahat. 4 rows, 3 columns. Dun ako humiga sa gitna ng 1st row. Sinilip ko ung mga bawat kama, dahil sa sobrang dilim, ginamit ko flashlight ng phone ko. So na confirm kong wala talagang tao dun. Pumikit ako at after some seconds, may naririnig akong humihinga sa tenga ko. Yes! Sa kanang tenga ko. Napamulat ako para icheck kung may nang tritrip ba. Wala. Walang tao. Sabi ko sa sarili ko, baka guni guni ko lang yun dahil ayoko nga maniwala sa mga ganung bagay. Pumikit ulit ako. This time 3 hinga sa tenga ko. Sa kanan ulit. Ang tunog ng hinga is "Ha" ung parang sa bibig nang gagaling ung hinga. Dumilat ako sa pangatlong hinga at nawala ung tunog. Sumilip ako sa mga ilalim ng kama pero wala. Wala akong nakikita. Pumikit ulit ako. This time, ung tunog, parang katabi na ng tenga ko ung bibig. Ramdam ko na ung hininga at yung tunog ay mas malakas. Napatayo na ko dahil pakiramdam ko ay iba na yon. Tumigil ung tunog. Pero wala akong nakikitang kakaiba o ibang tao sa loob. Pumunta ako sa pinto, kailangan mo ipunch ung ID mo para makalabas. Pumikit ako bago ko buksan ung pinto, gusto ko malaman kung ano ang mangyayare. At dun ko narinig muli ung hinga na parang gusto na kong palayasin. Lumabas ako ng sleeping quarters at tumakbo pababa sa training room.
Andun na ung trainer nung pagbaba ko. Hingal na hingal ako. Tinanong nya ako kung bakit ako hinihingal, nakaharap sya sa white board. Sabi ko "Galing po ko ng sleeping quarters". Bigla nalang nyang sinabi na "Bakit ka nagpunta dun?"
Hindi na ko sumagot after nun dahil feeling ko nung time na un, katangahan ung tanong nya. Bat ba nagpupunta sa sleeping quarters?
Akala ko tapos na. Pero nung umuwi na ko ng bahay, hindi ko inaasahan na ganto ung mangyayari.
May mga time na ayoko nalang matulog. Ayokong pumikit pag naliligo kahit masabunan pa yung mata ko. Bakit? Kasi sa tuwing pipikit ako, andyan sya at humihinga sa tenga ko. Sa kanang tenga ko. Hanggang ngayon. Hanggang kailan? Hindi ko alam bakit ako. Ayoko pero andyan sya.
Madalas, nakakatulog na ako sa tunog ng hinga nya. Na parang nag sosoundtrip nalang ako. Nakakatakot sobra nung una. Pero parang ayoko na matakot. Kasi baka mag muka na kong baliw sa mga tao sa paligid ko.
Binalikan ko yung trainer ko nun at tinanong ko sya kung bakit ganun ung naging reaksyon nya at bat nya ko tinatanong kung bat ako nag puntang sleeping quarters. (After 4 months ko sya nabalikan)
A: Jess(Hindi nya tunay na pangalan), naalala mo pa ba nung training? Ung hingal na hingal ako pag pasok sa room?
J: Oo. Nakakatulog kapa ba? Gugustuhin mo pa bang pumikit?
Gulat na gulat ako sa sinabi nya. Sinabi nyang nung nag uumpisa din sya dun ay natulog sya sa sleeping quarters sa 3rd floor. Hanggang ngayon, pareho kami ng nararamdaman. Taon na simula nung umpisa siyang pumikit at marinig yun. Ang sabi nyay wala syang ibang pinag sasabihan kungdi ako lang dahil wala naman dw ibang nakakaranas nun at ayaw nyang mag mukang gumagawa ng kwento. Pero nung nakita nya kong hingal na hingal at nabanggit kong galing ako ng sleeping quarters, dun na sya naglakas loob na sabihin sakin.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 2
TerrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! Highest Rank : #3 in horror (03/20/2018) Consistent Rank : #6 (2018-Present) ciao /sheree