Hello spookify..silent reader po ko dito mtagal na, gusto ko lng din sanang magshare ng experience ng ate ko bout sa mga creepy things na nangyari sa kanya..sana mapost kahit sa messenger ko lng pinasa tong story..salamatSa clan nmin sa father side, tanging babae lang ata ang ang nkakapag inherit ng kakayahang makakita ng di pangkaraniwan. So, ang point ko dito, ang unfair lang kasi nga bakit babae lang..gusto ko din maranasan mga out of dis world na kakayahan..lamoyun!!..madaya!! Bale ayun nga bata pa lang ate ko nakakakita na sya, lumaki syang kala mo normal lang mga nakikita nia..
Yung mga kwentong ibabahagi ko eh, piling storya na lang para nman di masyadong mamanhid kamay ko sa kafifinger ng keypad..haha
Gramp's house
Nung mga bata pa kami edad pang elementarya (nasa 20's na kmi ngayon at sheet lang magandang lahi orayt!! Haha dejoke lng) , madalas kami magbakasyon sa bahay ng mga grandparents nmin. Dun na kami natutulog , madalas pag bakasyon 1week ganun.. Mananahi lola ko at yung makinarya niya nasa balkonahe sa baba, bale 2stories yung bahay nila semento sa baba kahoy sa 2nd floor. Ayun minsan bigla na lang babangon ng hating gabi yung ate ko gigisingin yung lola ko sabi may nagtatahi daw sa baba, lola ko nman nkasnayan na kaya pinapabalik n lng sa pagtulog si panget..minsan magigising na lang din yung lola ko ng hating gabi wala na yung ate ko, pag hinanap nia madalas nasa balkonahe nakatingin sa may kalsada tabi ng malaking acasia, at pag tinanong kung bat sya andun ituturo nia ung kalsada ay sumasayaw daw na parang nagbabagang uling. Santelmo ata tawag ng karamihan dun. Minsan naman andun sya sa puno ng santol ng hating gabi may kausap. May lalaki daw na nka all white (hanep sa allwhite haha) sa taas ng santol nakaupo kinakausap sya.
**********
THESIS DAY'S
Nars pala yung ate ko, nung kasagsagan na ng thesis nia madalas na yun umuwi ng gabi. Ewan ko ba kung gumigimick lang talaga o ano pero sinigurado naman niang thesis talaga pinupuntahan nia haha.. So ayon nga onetym daw napag pasyahan nilang sa bahay ng classmate nila gumawa ng thesis at liblib ung lugar na yun..probinsya garud.. Gabi na nun, Habang nagdidiscussion daw sila sa room eh di bukas yung bintana kasi maalinsangan panahon dat tym. ""IRIKEP YU MAN JAY TAWA ADDA SUMIRSIRIP NAGSAKIT KITA NA"" (isara nyo nga yung bintana, may nakadungaw ang sakit maka titig mga bes)..so ayun na nga sinara daw nila bintana, di na daw sila mapakali ng gabing yun, malamig na daw yung room dat nyt..panic is real!!haha , napagdesisyunan nilang ipagpabukas na lang ulit . eh di hinatid daw sila nung jeep ng papa nung classmate nila..kala nila matatapos dun pero biglang ngumawa daw tong si panget (ate ko haha)..sumama yung babaeng nakatitig sa may bintana ng gabing yun..andun daw sa dulo ng jeep..di nman bsta bsta natatakot yung ate ko pero iba daw yung multong yun, parang anlakas daw maka badvibes.nakatitig lang daw sa kanya sa buong byahe
************
PASUNDO AKO KABSAT
Madalas gabihin yung ate ko, so madalas din magpasundo sa town..hype na yan, istorbo sa buhay..ayun dahil ako nman tong mabait na kapatid, sunod nman ako..load mo na lang ako bente garud..kasjay m..eh ang layo ng bahay namin sa town proper mga nasa 10km cguro..tapos madilim pa sa kalsada, gubat sya, di uso ang streetlight..tipid ng gobyerno grabe.. So ayun na nga pag nka angkas na sya imbes na mahinahon kang magddrive bigla na lang syang bubulong..
Panget: ""Magbusina ka ng diretso baka makasagasa ka""
Ako: wala namang kasalubong ah
P: ayan oh . andaming batang naglalaro
A: orettam! (Sabay busina at dahan dahang patakbo..mga 100mtrs)
P: (tapik sa balikat) ayan ok na, bka gusto mong bilisan takbo..isang gabi ulit (mabait lang talaga ako kaya sundo ko padin sya)
P: kita mo yun?
A: anya manen (ano na naman)
P: ayun sa may waiting shed sa harap, may malaking itim na aso may kasamang nakaitim na lalaki nakatalukbong
A: orettam!!Eto malala, isang gabi ulit (i know, isa akong huwarang kapatid yah yah, sundo now load later)
P: may pumapara babae duguan , lipat ka sa left lane nakaharang sya
A: tae ka!!
P: (nakalagpas na kami) ay sheeet!! Sumusunod sya!
A: pakshit! (Eh di binilisan ko nman ..bglang bumigat ung motor )
A: bigat mo!!
P: (nakasubsob sa balikat ko) ayshit ayshit (medyo madiin ung kapit nya sa abs ko).. Bilisan mo!! naka angkas sya kaya mabigat!!Ng biglang namatay ung motor..okinana!! okinana!!para kong bagong tuli nun na both feet ang pinantutulak sa motor..side by side!! Imagine dat, ameyzing!!! Lagkit na ko sa pawis pero malamig gang makarating kami dun sa mga malapit na ilaw na ganun ang itsura..
P: wala na..
A: takte! Ang relaks mo ha, eh kung bumaba ka din kaya nagtulak orettam!
P: gahd! Tired you know..ok na yan wala nman na.
A: panget ka!Umandar nman na yung motor pakatapos nun..
Kulotzkiee
La Union
BINABASA MO ANG
Scary Stories 2
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! Highest Rank : #3 in horror (03/20/2018) Consistent Rank : #6 (2018-Present) ciao /sheree